"Two down.. Bye.."




Tapos tumakbo na naman ako. Haaaaaay!! Pangalawa na yun ah. Saan na ba ako pupunta neto? sana naman makita ko na yung hotel na yun, pagod na ako tapos nagugutom pa ako. Tinignan ko yung relo ko 5:30 na pala ng hapon ibig sabihin  4 na oras na pala akong nawawala. Naiiyak na tuloy ako.. Sana nandito si Destiny...




*Beeep*


*Beeeeeep*




Ano bang problema nun??? Paglingon ko. "Destiny?!" Para na akong maiiyak sa tuwa. Salamat talaga Lord!
Tumakbo ako papunta sa may pintuan ng kotse at nakita ko

si


si


si



"Kyle?" Bigla tuloy na dismaya ang puso ko sa nakita ko. Sa dami ng taong makikita bakit sya pa???? Sigh...



"Huwag ka ngang umiyak jan na parang pinag palit. Sakay na!"



Hindi na ako nagpa ligoy-ligoy pa kahit na galit ako sakanya sumakay ako sa kotse nya kaysa naman ma rape pa ako dito. "Excuse me, hindi ganito ang mukha ng pinagpalit." Sabi ko sabay snob ko sakanya at cross arms.



"Enjoy ba yung pag lilibot mo?"



"Oo, muntikan na nga akong ma rape ng dalawang beses. Salamt sayo!"



Bigla syang pumpreno at muntikan nang lumipat ang mukha ko sa salamin ng kotse nya. "Ano bang problema mo???" Inis na tanong ko sakanya tapos bigla lang syang tumawa. "May nakakatawa???"




"Sinong mag tatangkang mang rape sayo?"



"Wow?? Sa probinsya namin pinipilahan ako. Hindi ko lang sila pinapansin."



"Sa probinsya nyo, nasa syudad ka."



"Huwag mo kong kausapin."




"Gusto mo bang bumaba sa kotse ko?"




"Pwede ba! Wala ako sa mood makipag daldalan sayo kaya huwag mo muna akong kausapin pwede?"




"Okay."




Pa tawa tawa pa sya habang iniikot nya yung kotse nya.




"Teka san tayo pupunta?" Hindi nya ako sinagot. Okay! maayos din palang kausap to. "Sabing san tayo pupunta eh!" Talagang sisigawan ko na to' kanina pa syang umaga nambabad trip ah. Teka parang alam ko tong lugar na to. "Huwag mong sabihing iinom ka na naman?"




"Ano ba sa tingin mo yung ginagawa sa bar?"



"Ayokong uminom!"



"Sa ayaw at sa gusto mo bababa ka."




Ano bang problema nito? Diba dapat ako yung nagda-drama dito? Eh bakit parang sya pa yung galit? Wala akong choice din kaya bumaba na ako. Para akong tanga na sunod ng sunod sakanya dito. "Nakakainis!!" Nagulat na lang ako na pinag titignan ako ng mga tao. Patay malisya na lang akong sumunod kay Kyle. "Pasensya na po. Pasensya na ^_^"

Talagang kahit kailan pahamak tong lalaking to. Teka may live band, okay lang naman siguro kung maupo muna ako dito titignan ko na lang sya kung saan sya pupunta. Sa tingin ko naman hindi sya aalis dun sa lugar nya.




Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now