Chapter Nine

246K 3.3K 448
                                    

Chapter Nine

Sinubukan ko na tawagan ulit si TOP pero naka-off ang cp nya! Pano na 'to? Ano'ng gagawin ko? One hour nlang at five pm na! Kinakabahan na pinanood ko ang pag-galaw ng kamay ng orasan. Sana hindi nalang mag-five! Nasa loob kami ng classroom ngayon at pinapanood ang walang kamatayan na Romeo and Juliet! Nu ba yan?! Kaasar! Ilang beses ko nang napanood yan at iisa lang ang ending! Parehas silang namatay!

Kailangan kong makaisip ng paraan. Hindi na talaga ako mapakali sa upuan ko at napansin ito ni Michie na malapit lang ang mesa sa akin.

"Sammy, bakit mukha ka na namang constipated?" bulong nya.

And then it hit me. "Oh my gosh! Michie hindi ako makapaniwala na sasabihin ko 'to pero, isa kang henyo!" bulong ko din sa kanya.

"Wow talaga Sammy? Salamat ha," kumikinang ang mata na sabi nya.

Alam kong nakakahiya pero kailangan ko tong gawin! Itinaas ko ang kamay ko para mapansin ng instructor. Waaah! Heto na. Pero mas gugustuhin ko na ito nalang kaysa pumunta si TOP dito looking all gangsterish with his gang. Kaya ko 'to! Kaya ko 'to!

"Yes Ms Perez?" tawag ng instructor tumingin sakin ang buong klase. Kaya ko to!

"Ms. Dale... I-I need... to go home," umarte ako na may masakit sa'kin.

"Why? Are you not feeling well Ms Perez? Want me to take you to the clinic?"

"NO!" Oops! Napalakas yata. "I mean, no. I'm fine but... I-I think."

"Yes?" nakatingin silang lahat sakin. Waaahh!!

"I think... I-I'm constipated."

Natahimik silang lahat. Natulala sila sa akin. Maya-maya lang ay nagkaron ng ilang tawanan sa klase. Oh Gaaahd! Gusto kong lamunin na ako ng lupa!

Lahat gagawin ko para lang hindi mabawasan ang popularity ko. Kahit na ipahiya ko pa ang sarili ko sa buong klase. The bright side, hindi nila malalaman ang tungkol samin ng gangster kong boyfriend. Mas maganda nang ganito na lang atleast madaling kalimutan. I mean, normal lang naman ang magkaron ng constipation. Right? Right? Oo, Sam tama ka! Mabigat na desisyon pero kinaya mo. Handa mong gawin mapanatili lang ang magandang record mo! I'm so proud of you girl! Aja! (;'༎ຶД༎ຶ')

***

Walang tao sa paligid pag-dating ko sa school nila TOP. Waaah! Grabe, ang layo ng tinakbo ko makarating lang dito. Malapit nang mag-alas singko. Pero bakit kaya ang tahimik? Parang walang tao? Ma-check nga! Parang syang abandonadong eskwelahan.

Tumayo ako sa tapat ng malaking bakal ng gate. Hindi kaya wala na sila? Uwian na kaya? Hindi kaya nagka-salisihan kami? Pero dapat nakita ko sya papunta dito. O baka naman gumamit sya ng ibang daan? Isang underground tunnel?

Haaayy. Sumandal ako sa gate pero hindi ko inaasahan na bukas pala kaya naman napaupo ako sa lupa. Ouch! My butt! My poor butt!

Tumayo ako at pinagpagan ang uniform ko. Ahah! Bukas ang gate meaning, pwede akong pumasok sa loob! Tama! Hahanapin ko nalang si TOP sa loob! Gusto ko syang makita habang nasa loob ng klase! MOUHAHAHA! Ayos toh!

Pumasok ako sa loob at may dalawang building. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. Hmm. Kaliwa muna! Kaya naman pumunta ako sa kaliwa at mala-espiya akong sumilip sa mga bintana. Walang tao sa loob, pero may mga gamit at mukhang dinaanan ng ipo-ipo ang room. Ang kalat, at ang mga silya ang gulo ng pwesto. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Puro gangster nga pala nandito.

Dumiretso ako sa kanan na building. Umabot nga pala ito hanggang fourth floor katulad ng kabila. Sumilip ako at wala ring tao?! Ano ba yan? Asan ang mga estudyante dito?! Binuksan ko ang sliding na glass window at pumasok sa loob. Hindi naman siguro ako mahuhuli dito diba? Para lang akong professional ninja! v(@u@)v

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon