38

34 1 0
                                    

JAKE POV

"Dude, bye muna sa ngayon mamimiss ka namin!" Sigaw ni Liam ng paalis na ako papunta sa eroplano pero binatukan ko ito bago magsalita.

"Dalawang taon lang naman dun kaya huwag ka ngang maginarte"

"Ito naman" kanguso niyang sabi pero aambahan ko pa sana pero nagtago na siya sa likod ni Katelyn.

"Alagaan mo sarili mo dun ah" paghahabilin sakin ng future asawa ko.

Napangiti naman ako at hinalikan nalang siya sa noo at tumango, seyempre magasaran na naman mga kaibigan ko except kay Ethan.

Nagusap muna kami bago ako umalis, halos ayaw ko ng bitawan si Katelyn pero kaylangan talaga dahil ako lang naman aasahan sa pamilya naming pumunta sa ibang bansa.

Ang nakakainis lang doon ay malayo ako sa mga kaibigan ko at girlfriend ko.

"Una kana sa kotse" sabi ni Anthony na pilit tinatanggal ang kamay ni Katelyn sa kamay ko.

"Ayaw ko, sasama ako sakanya"

"Alam mo para kang bata, magkikita pa naman kayo eh!" Sigaw ni Lance.

Buti nalang kaunti lang ang tao dito sa may waiting area.

"Buti sana kung pwede ko siyang bisitahin pero hindi naman"

"Sige na or dun ka muna" turo ko sa malayo samin. Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi. Pagkaalis niya bumaling ako sa mga kaibigan ko. "Ingatan niyo 'yun, lalo kana Andrei tignan-tignan mo nalang siya"

"Yes Master, siguraduhin naming hindi siya manlalaki"

"Tanag baka siya pa mambabae dun" natatawang siniko ni Liam si Andrei.

"Gago kaba! Hindi ko gagawin 'yun!" Sigaw ko sakanya.

"Oo nga, baka nakakalimutan niyong patay na patay siya at gusto niyang pakasalan si Katelyn" singit ni Anthony.

"About naman dun sa kasal namin, pagbalik ko handa niyo na mga regalia niyo dahil papakasal na kami nun" proud kong sabi at nasisitango sila.

"Sige ganito, promise namin kayo ang mauunang magpakasal dahil gusto namin na lady's muna natin ang mauunang magpakasal" si Andrei.

"Deal!" Si Anthony at nilagay sa gitna namin.

Pinatatong lang namin sa kamay ang bata Isa saamin.

"Maiba Taya!"

"Panira ka talaga!" Sigaw ni Anthony sabay batok kay Liam.

Hindi na talaga nagsiseryoso

"Katelyn!" Sigaw ko at kaagad naman siyang tumakbo. "Alis na ako" bulong ko at doon pa umiyak. "Tahan na, babalik pa naman ako eh" hinalikan ko siya sa noo niya dahil baka may dadalhin pa akong sakit kapag nasa Australia na ako.

Ilang oras lang ang nakalipas bago ako makarating sa Australia at mukha akong batang naligaw dito buti nalang may sumundo sakin, tinanong niya ako kung saan kami pupunta pero ang sabi ko ay umuwi nalang kami dahil pagod narin ako.

Wala namang nangyari sakin dito kundi paulit-ulit na trabaho hanggang sa magtext nalang ako kay Katelyn.

Ganito pala siya kapag miss na.

Clingy ang baby ko.

Halos nakangiti lang akong nakatulog hanggang sa mapanaginipan ko pa siya. Habang nasa office ako bigla namang sumulpot itong Lareina.

"Hi! Uuwi kana? Kain muna tayo, gugutom na ako"

"Sige, tapos punta ulit tayo sa mall"

"Ano gagawin natin dun?" Tanong niya habang nagliligpit ng gamit niya.

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now