36

37 1 0
                                    

Give up or not?

KATELYN POV

"Pagod kana ba?" Mahinahon niyang tanong.


Napatingin ako sa ng kasama ko na gumagawa ng bahay, nakita ko si Yuan na abala din at malayo naman kami sakanila. "Hindi pa naman" ngumiti ako para hindi na siya magsalita pa.



"Hindi pa? So ibig sabihin pwede kang mapagod, diba nagpromise ka sakin na ipapaalala mo sakin lahat tapos ngayon sinasabi mong hindi pa.... Anong ibig sabihin niya?"


"Jake, umuwi kana muna may ginagawa pa ako di—"


"Diba mahal mo 'ko?"


Umiwas ako ng tingin para mapunasan ko ang luha ko. "Love umuwi kana muna, sa bahay na natin pagusapan 'to.... Please" puro luha narin ang nasakayn kaya tumango nalang at hinalikan ako sa noo.


"Susunduin kita mamaya" ngumiti siya kaunti sakanya umalis na.


Pinapanood ko lang siyang makalayo hanggang sa paandarin niya kotse niya. Ilang beses kong pinakalma ang katawan ko bago lumapit kay Yuan, sakto namang paglapit ko may itatanong daw siya. Pagkatapos ng Ilang pagtingin namin sa mga materials maayos naman na, dapat wala ako dito dahil Architect ako.


"Kamusta pinagusapan niyo? Mukhang nagkaiyakan kayo kanina ah" saka kagat sa burger niya.


"Ayos naman kami.... Akala niya kasi susuko na ako sakanya"


"At ayaw mo?" Tumango naman ako. "Alam mo, huwag mo nalang pansinin, baka dahil iniisip niyang wala siyang pinanghahawakan sayo, sobrang laki kaya.... Kung ako 'man ang tatanungin siguro magpo-fucos ako sakanya hanggang sa maging okay siya"


Nagulat ako sa sinabi niya. "Teka nga! Na-inlab kana ba?" Natigilan naman siyang ngumuya at nakatingin lang siya sa mata ko, ngayon ko lang naalala na sobrang lapit namin.


"Oo, tagal na pero hindi ako makaamin dahil—"


"Talaga! Sa gwapo mong 'yan.... Hindi kaamin!"


"Hindi naman sa torpe ako, sadyang ayoko lang umamin dahil magkaibigan kami at mas mahalaga ang pagkakaibigan namin kesa sa  pagmamahal nayan" nagfocus na siya sa pagkain.


"Alam mo, parang may kagaya ka si..... Ahhhh..... Si Anthony! Ganyan din rason niya dati kaso ayun umiyak lang ng umiyak hanggang sa magasawa siya"


"Eh anong nangyari sakanya ngayon?"


"Maayos na siya, Prosecutor na siya ngayon at mukhang may pinalalaban na sa pagmamahal nayan! Pero alam mo, bilib ako sainyong dalawa kase bibihira lang mga lalaking pinapabayaan pagkagusto niyo sa babae—"


"Hindi din naman madali, mahirap din magparaya lalo na kapag mahal mo talaga"


"Sabagay" nagkibit balikat ako.


Umalis narin ang mga construction worker kaya ngayon kumakain na kami, tinapos lang namin ang pagakin namin at inayos na mga gamit namin.


"Sabay kana sakin"


Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ng kung sino. "Sakin siya sasabay" seryosong sabi ni Jake sa likod ni Yuan habang nilalaro ang susi ng kotse niya.


"O-okay, Sige bye Katelyn"


Pinapanood lang naming makaalis si Yuan, pagtingin ko kay Jake parang namamaga mata niya, lumapit ako sakanya para yakapin niya at hinalikan sa pisngi.


Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now