21

13 1 0
                                    

Cebu Traumance 3.0

KATELYN POV

Pagkatapos naming kumain pumunta na muna kami sa kwarto ni Hazel, hindi ko alam na meron pa pala silang kapatid. Kumatok na muna kami at si Liam na ang nagbukas ng pinto.

"Buti gising na kayo! Napagod ba kayo?" Bungad niya samin.

Bigla namang nagkasalubong ang kilay ko. "Anong napagod? Saan?"

Mas lalong nakasalubong ang kilay ko sa malakas niyang tawa. "Mga green minded kayo! Seyempre sa pagpasyal natin kahapon!"

Ah 'yun pala kala ko iba.

"Sira ka! Oo sakit kaya ng katawan ko kagabi pero natulog na ako nung matapos akong maligo"

"Ahh so hindi pala kayo 'yun? Eh sino?"

"Sinong sino?" Baling ko sakanya.

"Wala! May maingay kasi kagabi, baka sa pagod lang kaya ako nakapagisip nun" Nagkibit balikat pa.

Hinampas ko nalang siya ng malakas sa braso bago lumapit kay Hazel na kalaro si Anthony, napatingin naman ako dito sa batang kanina pa pala kumakalabit sakin.

"Bakit?" Tanong ko sakanya at tumingala naman siya.

"Kasa mo nga po"

Kinasa ko naman 'yung baril na nilalaro niya pero agad niyang tinutok ito kay Lance at sapul ang hita niya. Napanganga nalang ako at kinuha ang baril na hawak ni Zin, ngayon namimilipit na si Lance sakit.

"Sino 'yun?! Putangina ang sakit!" Sigaw niya pero binatukan naman siya ng mga kaibigan namin. "Aray ko naman!"

"May mga bata dito!" Sigaw ni Liam sakanya.

"Ako 'yun bakit?" Ako na sumingit sakanila dahil sa isip bata si Lance baka patulan pa niya si Zin.

"Ahh—hehehehe sabi ko nga titigil na" saka siya umupo sa tabi ni Danica pero siniko niya ito para mahulog siya sa kama.

"Ouch! Ano ba naman Lance ! Manahimik na nga ako dito!" Malakas niyang sigaw at sinipa si Lance sa braso.

Oo nga naman, bakit kasi dinadamay pa.

Hindi na pinatulan ni Lance si Danica at tinawanan niya lang ito bago umupo sa tabi ni Ate Louise at pinagbatanan naman niya ang kapatid na tumigil. Napatingin ako kay Danica at nakikipaglaban na siya ng mata kay Andrei.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil kung makialam pa ako baka malagyan na naman ng sungay si Danica, pagbaling ko kay Zin para sana pagalitan siya kaso ito, nakikipagaway kay Lance.

Kada hampas ni Zin sa hita ni Lance sinasabunutan naman niya ito, napasapo nalang ako ng noo ko dahil sa nakikita ko, bigla ko namang naalala si Celeste. Hinahanap ko lang siya kung sino ang may hawak sakanya pero wala akong mahanap na Celeste.

"Sino hinahanap mo?" Dinig kong boses ni Danica.

"Wala! Ay si Celeste kita mo?"

"Yes, ayun siya oh" turo niya sa conner na katabi ni Rye.

Nakatutok lang siya sa cellphone at nakakukot lang ang katawan niya, tumango ako kay Danica at lumapit kay Celeste, Ilang kalabit ang ginawa ko pero hindi niya ako pinapansin, Minsan pa shinushush niya lang ako.

Tibay nitong batang 'to ah.

"Ahhhh!" Sigaw niya ng hinablot ko ang cellphone sa kamay niya. "Ate Kate" pagsusumamo niya at ngumuso pa.

"Pansinin mo ako" pagmamakaawa ko.

"May pinapanood ako Ate"

"Kaninong cellphone 'to?" Tumingin pa ako sa hawak ko.

"Kay Ate Hannah po" 

Napatango nalang ako at binigay sakanya, niyaya niya akong manood kaya nakikinood nalang din ako. Ilang oras ang nakalipas tinawag na kami sa labas dahil may sasabihin daw si Mrs. Sanchez saamin, 'yung Lola nila.

"Kids bukas nalang tayo matutuloy papunta sa beach, mabisita ngayon kaya dito nalang siguro tayo maghahanda ng birthday ni Ylona"

"But Lola it's my birthday, you promise right? Ngayon tayo pupunta"

Lumapit si Mrs. Sanchez at may binulong pa dito, hindi namin narinig 'yon dahil sobrang hina.

"Gosh! Sayang naman" dinig kong reklamo ni Danica. "What?!" Sigaw niya saamin ng lahat kami ay nakatingin sakanya.

"Manahimik kana lang kasi" pambabara sakanya ni Andrei.

"Can you shut up Andrei! I hate you!" Sigaw niya sakanya bago umalis.

Medyo naaawa na ako kay Danica Dahil walkout nalang ginagawa niya dito para iwasan ang gulo, napatingin ako kay Andrei at sinenyasan siyang sundan pero umiling ito.

Alam kong matino si Andrei sa babae pero nahahalata kong pagdating kay Danica nakadistansya siya, napailing nalang ako at nakinig sa pinaguusapan nila. Aalis na pala mga parents namin except sa parents ni Lance dahil ayaw sumama ni Celeste paalis.

Sumama narin si Kai dahil papasok na pala siya bukas, hindi na namin sila inihatid dahil may mga bodyguard namang naghatid sakakanila. Nagpaalam ako kay Jake na may kukunin lang ako sa kwarto namin.

Kumatok muna ako bago pumasok, nakita ko si Danica na umiiyak sa gilid ng kama, naglakad ako palapit sakanya at umupo sa tabi niya. Tinignan niya muna ako bago pinihit ang ulo para mapunasan ang mga luha niya.

"I hate him so much" dinig kong bulong niya.

"Baka naman kasi may ginawa—"

"No! Nothing! I accept that bullshit engagement because of my Dad, Akala niya gusto ko ding maging fiance siya! Akala niya  masaya ako sa engagement na pinilit ako ng Grandparents ko!" Sigaw na naman niya.

"S-sorry, hindi ko kasi alam kung anong nangyayari kay Andrei eh, hindi naman siya nagsasabi ng problema niya saamin, kulang na ngalang lasingin pa namin bago may sabihin sa—"

"Bakit ka nga pala andito?" Biglang pagtataray niya.

"Hoy! Ako na nga andito para damayan ka! Tapos ganito tataasan mo pa attitude mo!"

"Oh whatever" saka niya ako inirapan.

Pasalamat ka naaawa pa ako sayo kundi kalbo ka ng lalabas dito.

"Teka... Sabi mo ayaw mo siyang fiance, bakit?"

"Actually hindi ko gustong magpakasal kahit kanino, ayaw ko sa mga lalaki at ang gusto ko lang pera.... Money can buy happiness kaya and I want to be alone until matanda na ako"

"Eh? Mayaman naman si Andrei ah, mayaman din parents niya"

"Yes they have but ayoko sa ugali niya, masyadong mataas ang pride pagdating sakin, Akala ko pa naman gentleman siya sa mga babae pero sakin? Kulang nalang gawin niya akong maid"

"May ginagawa kanang masama para gawin niya mga sinasabi mo?"

Nagisip pa siya bago bumaling sakin. "Ang sinasabi niya 'yung mga away daw namin ni Hannah, Rye and you"

Ayun naman pala.

"But that's not big deal for me dahil ako kaya ang napuruhan sa mga sampal ni Hannah, tapos kay Rye naman halos i-judge na niya buong pagkatao ko and you.... Tinapakan mo kaya paa ko and may injured pa ako nun"

Shit. 

"Sorry naman! Bigla-bigla ka kasing nambubully ng ibang—"

"Don't judge other people that you don't know their side.... Tinapakan niya ang paa ko and natapunan pa ng juice ang uniform ko, you think na maawa pa ako sa babaeng 'yun sa ginawa niya.... Tinapakan na nga niya paa ko dinoblehan mo pa"

"Sorry na nga diba! Nagsorry na nga eh"

"Apologize accepted but hindi ko makalimutan 'yun"

:)

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now