09

23 2 0
                                    

JAKE POV

Pagkatapos kong sabihin iyon dahan dahan nalang along umalis sa kama niya para hindi siya magising, naghilamos ulit ako kahit nagawa ko na ito dahil kaunti nalang iiyak na ako, hindi ko alam kung gusto ko pa bang ipagpatuloy ito pero may gusto talaga ako sakanya kaya hindi na siguro ako titigil na manligaw sakanya.

Pagkalabas ko ng Cr na kita ko siyang naguunat ng katawan at biglang tumingin sakin, tumayo siya at bigla itong yumakap sa bewang ko, matangkad ako kung titignan kaya nasa dibdib ko ang ulo niya, kinakabahan kong hinawakan ang ulo niya at unti unting hinahaplos ito.

Tumingala siya sakin at ngumiti, hinawakan ko ang pisngi niyang malaki at hinalikan ito sa noo, napangiti ako at unti unting natawa dahil sa ngiti niya. Kapag ngumingiti siya doon lumulobo ang pisngi niya.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya at nakanguso na.

"Wala, 'yung mukha mo kasi eh" pagaamin ko pero nagkasalubong ang kilay niya.

"Ano? May problema sa mukha ko?"

"H-hindi ah, lumalaki lang pisngi mo kapag ngumingiti ka kaya doon ako nagkagusto, siopao" saka ako tumawa pero napalitan ng sigaw sa sakit.

Bigla niyang kinagat ang leeg ko at hindi ko siya mapigilan dahil  sa sakit nun, pinabayaan ko nalang hanggang sa tumigil niya ito, napatingin ako sakanya ng nakapout na ito habang nakatingin sa leeg ko. Tumingin siya sakin at mahinahon ko siyang pinagtaasan ng kilay.

"Why?" Mahinahon ko ding tanong.

"M-may d-dugo sa leeg mo" saka niya tinuro ito.

Pinakawalan namin ang isa't isa at pumunta ako sa harap ng salamin, tinignan ko ito at dumudugo nga. Pinunasan ko ang dugo sa leeg ko at binigyan niya ako ng panggamot dito pero siya na ang gumawa.

Nakasandal lang ako sa desk niya, sobrang lapit niya sa katawan ko kaya mas lalo ko siya idikit. Hawak ko ang bewang niya at doon ko pinulupot ang braso ko sa bewang niya. Nagagamot lang siya sa ginawa niya kaya hinayaan ko. Tumingin siya sa mata ko at pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"Jake?"

"Hmmm? Bakit?"

"Pagod kana ba?" Tanong niya ng ikapalit ng mukha ko.

"Ha?"

"Pagod kana ba? Sabihin mo kung pagod ka ng manligaw sakin, pwede naman kitang palayain"

"Ano bang pinagsasabi mo, hindi ako napapagod at hinding hindi ako napapagod na maghintay sayo, nakakalimutan mo yata, since bata tayo may gusto na ako sayo tapos ngayon pa ako susuko sayo? No way, duh"

Pagkasabi ko nun bigla siyang tumawa pero ng maiangat niya ang ulo niya parang walang nangyari at pinagpatuloy ang ginagawa niya, habang ginamot niya ito hinahaplos ko ang ulo niya at nagsalita ko.

"May napapansin ka ba saking ikakatigil ko sayo? May nagawa ba ako para tanungin mo saking pagod na ako"

"Ah? Wala ah, narinig ko kasi kanina sinabi mo kanina kaya akala ko pagod kana sakin"

"Hindi nga, okay? Napapagisip ko lang kasi na kung kaylan mo akong sasagutin pero okay lang naman sakin kung matagal tagal mo pa akong sagutin"

"Naiinip kana kung ganun?"

"Pwede pero sabi ko nga diba, pagtyatyagaan kong maghintay sayo sa matamis salita" saka kami tumawa ng malakas.

Pagkatapos niyang linisan sugat ko lumabas narin kami at pinahiram niya ako ng damit niyang panlalaki dahil nakalimutan kong kumuha ng damit niya. Pagkababa ko at pinauna niya ako nakita ko sila Lance na nakaupo sa sofa habang kalaro si Celeste.

Bata pa si Celeste at siya ang bunso saaming lahat sunod 'yung kapatid ni Katelyn na si Kaitelyn, 'yung kapatid naman ni Liam ay malapit lapit lang sa edad namin mga nasa 13 na yata siya. Lumapit ako sakanila at nakipaglaro hanggang sa tawagin kaming kumain nadaw.

Paumpisa na kami at kadating lang din nila Cy at Hannah kasama si Katelyn, buhat buhat ni Hannah si Celeste at doon ko ikinakunot ang noo dahil hindi naman madaling makuha ang loob ni Celeste sa ibang tao lalo na kapag kakilala lang niya ito.

Kumain kami hanggang sa asarin nila Hannah at Lance sila Ethan at Cy pero hindi ako sure kung sila nga ba pero mukha naman kasi. Tanong kami ng tanong pero parang ayaw naman nilang sabihin kaya next time nalang namin tatanungin Kay Lance tutal wala namang kwenta si Ethan kung tatanungin.

Natapos kami g kumain nakipaglaro ulit kami kay Celeste at Kai, habang busy silang lahat napatingin ako kay Lance at umupo sa tabi niya.

"Ano ba 'yung chika niyo?" Tanong ko ng ikagulat niya.

"Chika ampucha, bakla kaba!"

"Hindi ah, kapal naman ng mukha mo, Basta ano ba 'yung chismis?"

"Chismoso ka! Pero ganito... Huwag lang maingay ah" tumango naman ako at linapit ko ang mukha ko sakanya pero 'yung saktong lapit lang. "'Yung pinsan ni Hannah..."

"Si Cy?" Tanong ko at tumango siya.

"Saka si Ethan, nag kiss sila kanina dun sa terrace kagabi, mga kalahating oras kala ko nga ikakama na ni Ethan kagabi sa sobrang tagal nun" saka siya tumawa ng malakas

Walang hiya talaga buti hindi nila sinabi ni Lance kanina sa harap ng pagkain kundimagkaka-world war 3 ng pagkain.

"Seryoso?" Pagtatama ko ng ikatango pa niya.

Nakakagulat dahil walang maging girlfriend si Ethan at mas lalong walang nakakaagaw ng first kiss niya, allergic siya sa kiss kahit sa noo o pisngi dahil ang cringe daw pero kalahating oras? Seryoso ba siya.

"Hoy baka nagbibiro ka lang, tigilan mo na 'yang droga mo" siniko ko siya at tumigil ito.

"Timang ka! Kung kaylan nagsasabi ako ng totoo dun ka hindi naniniwala tapos kapag nagsisinungaling dun ka maniwala, Ikaw kaya tumigil sa droga mo!" Mabilis niyang sabi.

"Si Katelyn lang droga ko, wala na. Tanga... Sabihin mo na kasi totoo ba 'yun?"

"Oo nga, gusto nga sanang pigilan ni Hannah kagabi eh kaso pinigilan ko—"

"Bakit mo naman pinigilan, Tanga ka talaga"

"Hayaan mo, ayaw mo 'yun may first kiss nadin prenny natin" tumayo siya at pumunta sa kapatid niya.

Nakatulala lang ako ditong hindi makapaniwala, paano? Ayaw ni Ethan makipaghalikan dahil baka daw may makuha siyang sakit. Alam kong lasing nadin si Ethan nun pero kahit lasing siya may katinuan din naman utak nun.

Napapikit nalang ako at napasapo ng noo sa kawalan ng utak ko, kaunti nalang talaga mawawalan na ng utak sa ginagawa nila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi pa naman siguro sila nasisiraan na ng ulo.

Matapos kay Hannah at Lance sa marriage booth. Ito naman kay Ethan at Cy.

Speaking of Lance and Hannah halos matawa ako ng maalala ang kasal kasalan nilang ikakulo ng dugo nila, hindi naman siguro sila galit sakin dahil ako ang nagpakasal sakanila.

Haaayyy sana makita ko silang ikasal. BWAHAHAHAHAHAHA. From marriage booth to kasal na ba?

"Jake" napatingin ako kay Katelyn ng marinig ko ang boses niya.

"Ha? Bakit?"

"Bakit ka nakangiti?"

"Wala, may naalala lang" kangiti kong sagot ng ikatango niya.

"Kala ko naman kung ano na, thank you nga pala sa binigay mong gift ah"

Yumakap ito sakin at nilagay ko lang ang braso ko sa balikat niya.

"Your welcome Kate" inilapit ko pa ang katawan niya sakin at hinalikan ito sa noo niya.

"Thank you, I love you"

:)

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now