12

27 2 0
                                    

JAKE POV

Kung hindi lang siguro matabas dila ko kung ano ano na pinagsasabi ko, napatingin ako kay Katelyn na nakayuko at kumakain padin, pinapanood ko almg siya kumain at mukhang nahihiya na yata dahil sa sinabi ko.

"Kilig ka naman" pabulong ko.

"Hindi ah, sadyang mainit lang talaga 'to, saka bakit naman ako kikiligin mas maganda kaya ako dun"

Selos siya...

"Selos ka?" Tanong ko at agad naman siyang tumingin sakin.

"Hindi nga, paki ko dun"

Tumango tango nalang ako at mainis pa siya lalo, pagkatapos naming kumain pumunta kami sa kwarto niya at doon kumain ulit, habang kumakain kami nanonood muna kami ng Kdrama na pinapanood niya, Hindi ako mahilig sa mga Kdrama pero nakakaintindi naman ako dahil tinuturuan kami dati ni Ate Louise ng ganun na language.

Habang nanonood kami napatingin ako kay Katelyn at mukhang nahihirapan yatang manood dahil sakin.

"Comfy kaba?" Tanong niya.

"Oo naman, bakit?"

"Wala, baka kasi ayaw mo pinapanood natin—"

"Hindi ah, gusto ko naman, ayun oh si Kim bok-joo" turo ko sa screen ng tv.

"Naaakakkss alam ah" siniko pa ako at proud naman akong ngumisi sa harap niya.

Pagkatapos naming manonood hanggang sa matapos na namin wala padin sila Tita at Tito, sabi ko kasi sakanya na hihintayin ko nalang muna parents niya bago umuwi pero mukha hindi na naman yata sila uuwi.

Pinahiraman niya nalang ako ng damit niya dahil hindi niya daw mahanap 'yung damit na naiwan ko dito sa bahay nila, may dala naman akong mga damit sa kotse pero pinili kong kunin 'yung binigay niyang damit dahil amoy na amoy ng damit ang pabango niya.

Natulog nalang ako sa sofa niya at doon nalang natulog kahit ipilit niyang sa kama na ako matulog pero nagpumilit akong dito nalang kaya wala siyang magagawa.

KINABUKASAN.....

Wala namang nangyari saamin dito ngayon at puro iba't ibang school ang nakikita kong students na pakalat kalat, Hindi ko makita si Katelyn dahil may gagawin daw sila kasama sila Liam, habang nasa bench kami natanaw ko sila Hannah kasama niya si Rye, patalon talon si Rye samantalang maayos na naglalakad lang si Hannah.

"Hoy Hannah!" Sigaw ni lover boy.

Napatingin dito saamin sila Hannah at mukhang pinipilit siyang lumapit dito, napatingin ako kay Lance na mukhang tanga na kinikilig pa yata.

"Bakit?" Tanong ng nasa likod ko.

"Hehe lapit ka dito" kinilig na utos niya.

Peste lord pwede niyo na akong kunin bago pa ako makapatay.

"Ayoko nga"

"Lapit kana, Sige na"

"Tch ano ba?" Nagkamot pang lumapit dito.

May mga sinasabi pa ito pero hindi na namin marinig, napahakbang ako ng biglang pagsuntok ni Hannah sa tyan ni Lance pero mahina naman 'yon.

"Tarantado kaba, baka gusto mong sapakin kita"

Tumawa lang si Lance at bigla namang dumating sila Liam at Katelyn, habang naguusap kami bigla namang sumulpot itong taga ibang school at nakikipagusap kela Hannah.

KATELYN POV

Naguusap lang kami at mukhang may trip na pagtawanan si Lance, puro nalang biro lumalabas sa mga bibig nila at muntik ko pang masapak si Andrei dahil sa kagagahan niya.

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now