20

20 1 0
                                    

Cebu Traumance 2.0

KATELYN POV

Pagkatapos naming kumain nasa sala muna kami habang naghihintay kela Hannah bago mamasyal dito sa Cebu, may pinagusapan pa sila sa kwarto at lahat yata ng family member nila andun.

Habang naghihintay kami dumating naman itong si Lance na nakangiti, may something sakanila ni Hannah pero hindi ko nalang pinansin dahil may sarili naman silang buhay pero naaawa padin ako kay Anthony pero sabi niya okay lang naman daw na magkaroon ng relasyon ang dalawa.

Napatingin ako kela Rye at Josh na nagtatawanan, napunta naman ang tingin ko kay Liam na masama na ang pagtingin sa dalawa. Pagbalik ko ng tingin kay Rye muntik pa siyang nasubsob sa sahig.

"Ano ba!" Sigaw niya kay Hannah Lance at hinampas sa braso.

"Diba matagal na kayong magkakaibigan niyan?" Tanong naman ni Lance at dinuro si Kuya Josh.

"Oh tapos?" Tumaas ang kilay ni Rye at nagpamewang.

"Siguro naman---"

"Alam mo huwag ka ng magtanong ng mga batas ng mga Sanchez dahil kahit malapit kami sa isa't isa malayong-malayo ang mga batas nila dito sa pilipinas at batas ng mga Sanchez!" Pagpuputol niya kay Lance at hingal siya ng matapos siyang magsalita.

"We have a rule" Dinig kong boses ni Ylona. "....First do not violate any enforced family law and if that is not fulfilled all you have worked for will be lost. Secondly don't have a second wife but uncle Dominic had so our grandparents rejected him but because of their baby with aunt Arlyn they gradually restored their trust but you will start again where you started before you became luxurious. third, secrets are not allowed to be told to other people or close to you such as a friend or relationship that you are not married to. Fourth you have to gamble all your loved ones if there is trouble in the Sanchez family, Fifth you shouldn't order the Sanchez because if they don't like your order they can kill you, it's just like the mafia but it's more cruel of the Sanchez in the murder." Seryosong paliwanag niya. "And the other rules of Sanchez, I don't know that only Ate Cy and Hannah know the whole law of Sanchez" pagpapatuloy niya.

At nagwalk out.

"Alam niyo Dre mukhang iba yatang Sanchez naging kaibigan natin"

Naduduwag na naman baby ko.

"Siraulo ka talaga! Pinapairal mo nanaman kaduwagan mo" binatukan niya baby ko.

"It's better not to say everything what Ylona said before" singit naman ni Jane yata ito.

Sumandal si Jake sa balikat ko at hinawakan ko naman ang mukha niya, napatingin kami ng lumabas ang mga Sanchez sa kwartong pinasukan nila kanina.

"Oh buti naman nandito na kayong lahat, I just want to say that Ylona our baby in family is turning 15 tomorrow so prepared your outfit dahil pupunta tayo sa private beach ng Sanchez" bungad saamin ni Mrs. Sanchez, Lola nila.

"Finally! Magbi-beach narin!" Biglang sigaw ni Danica.

"Manahimik ka nga!" Saway sakanya ni Andrei.

"Wala kang paki! Bahala nga kayo diyan" naglakad pa siya paalis saamin pero hinawi niya ang buhok niya sa mismong mukha ni Andrei at talagang nakain ni Andrei buhok niya.

Gusto pa sanang Habulin ni Andrei para sapakin si Danica pero inawat naman nila ito, napasapo nalang ako ng at niyaya si Rye na umalis doon.

"Alam mo tara na, impaki na tayo at baka may masapak pa tayo"

"Oo Tama ka diyan, halika na" niyaya din namin ang iba at pinabayaan ang mga lalaki naming friend sa sala.

"Kaibigan niyo 'yun?" Tanong ni Josh.

Sumama pala 'to.

"Oo, actually kaibigan ko sila tagal na" ako na sumagot dahil tinuro ako ni Rye.

"Ahhh buti natagalan mo ganun na ugali nila, kung ako baka masapak ko na"

"Hindi naman ganun kasi, dapat kahit kaibigan mo lang dapat may temper kang minimaintain" paliwanag ko.

"Kung makapagsabi kala mo naman kung hindi ng wrestling sa kama with Hannah dati" singit ni Rye na hindi makapaniwala.

"Because we're to young, and madaldal pa si Hannah nun. Hindi na ngayon"

"Madaldal siya?" Tanong ko at tumango naman ang dalawa. "Paano? Eh ang layo ng ugali niya ngayon"

"Ahhh si Hannah, masyadong madaldal ang isang 'yun kung hindi nga sumali sa gang hindi mababago ugali niya.... Masyadong madaldal na hindi mo maipaliwanag na kung saan nangagaling ang mga sinasabi niya dahil hindi nauubusan ng sasabihin" paliwanag ni Josh at pagtingin ko kay Rye tumango naman siya.

Tumango nalang kami at saktong nasa kwarto na ako, nagpaalam nalang ako sakanila at nag-unat ng makapasok ako. Habang nagiimpaki ako ng gamit ko papunta sa private beach yata nila sumulpot naman itong Jake.

"Okay ka lang?" Tanong ko at tumango-tango naman siya.

"Mamamasyal daw muna tayo bago punta sa beach"

"Okay"

Naligo muna ako bago siya. Ngayon mamamasyal na kami at  nagpicture kami ni Jake para sa remembrance namin. Pagkatapos namin kumain umuwi na kami at natulog nalang ng makarating kami dahil gabi na at pagod narin kami.

"Goodnight Love" bulong ni Jake.

"Goodnight" hinaplos ko ang ulo niya na nakalagay sa balikat ko at hinalikan sa noo niya.

KINABUKASAN...

Pagkagising ko nakadagan padin si Jake sa katawan ko at ngayon tinulak ko nalang ito hanggang sa makawala ang katawan ko sa katawan niya. Pagkalabas ko ng Cr ginising ko narin siya.

"Morning" humihikab pa niyang sabi saka niyakap ako.

"Bilis na! Lalabas na tayo oh" tumango siya kaya hinalikan ko siya sa pisngi bago lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko wala akong nakita kung ano pero nakasalubong ko sila Hannah at 'yung Lola nila.

"Good morning po" kangiti kong bati kay Mrs. Sanchez.

"Mmm good morning din" bati niya pabalik sakin.

"Andun sila sa kwartong 'yun, pumunta ka nalang pagtapos mong kumain sa baba" seryosong sabi ni Hannah at umalis sa harap ko.

Tumango nalang ako at bumaba papunta sa kusina. "Good morning po Manang Lolita" kangiti kong bati sakanya.

"Oh iha, good morning din ang mga kaibigan mo nga pala andun sa kwarto ni Hazel, kumain kana para makilala mo narin siya"

"Hazel po? Sino 'yun?"

"Ahhh kapatid nila Hannah"

"Ah sige po Manang, hintayin ko lang ho boyfriend ko para sabay kami kumain" saka ako ngumiti.

"May nobyo kana? Iyun bang Anthony—"

"Ay Manang hindi po! Si Jake po, 'yun po 'yung boyfriend ko... May kaibigan lang kami ni Anthony, kababata ko po" paliwanag ko.

"Hahahaha pasensya kana ah, Akala ko kasi nobyo mo ang batang iyon, sa sobrang lapit niyo mapagkakamalan kayo"

Hindi po ako, 'yung alaga niyo gusto nun.

"Naku Manang, hindi po! Malapit lang kami sa isa't isa kaya ganun kami, pero maiba po tayo ng usapan, si Hannah po ba?"

"Oh anong meron sa alaga ko?"

"Ano po ba talagang ugali niya? Mukhang lalaki po ba ugali niya?"

"Hindi ah! Maayos ang batang iyon, palatanong sa bagay-bagay na nakikita niya, madaldal na hindi mo maiisip kung saan nanggaling, magalang din, malapit sa Tatay niya, puro laro ang nasa utak kaya laging napapagalitan, laging kaaway si Josh, lagi siyang pinagsasabihan ng Kuya niya na huwag makulit kapag wala siya dito sa bahay pero walang naririnig ang batang iyon" natatawang paliwanag ni Manang.

Eh bakit parang nakakatakot siya ngayon, parang laging nangangain ng buhay.

"Tapos po?"

"At ang gusto niya lang, maglaro at mamasyal sa iba't ibang Lugar at iba't ibang bansa"




:)

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now