16

11 1 0
                                    

KATELYN POV

"Merry Christmas!!! Woooohhhh!!" Sigaw ng lahat at panata na kaming lahat na maayos narin ang lahat.

Ito namang Jake palihim na hinahawakan ang kamay ko habang nakatingala, siniko ko nakanga t nakangiting tumingin sakin, tumingin ito sa paligid saka ako hinalikan sa labi ng mabilisan.

Napakagat nalang ako ng ibabang labi saka umuko pero agad naman akong tumingala na parang walang nangyari, lahat masaya, lahat maayos na, kaya masaya ako dahil nagkakaayos narin ang lahat.

Napatingin ako kay Hannah na katabi si Lance, maayos naman na siguro sila pero kay Rye, hindi ko alam kung galit pa siya sakin sa init ng salitang lumabas sakin.

"Merry Christmas Love, I love you" bulong nitong tabi ko.

"Bahala ka diyan" pagpapakipot ko.

"Isang I love you lang eh, wala namang nakatingin satin" pangungulit niya.

"I love you" madiin na bulong ko at tumakbo papunta kila Andrei.

"Hi katy!" Bungad sakin ni Tita.

"Hi Tita, long time no see!" Saka ako yumakap sakanya.

"Yaahh long time no see, ngayon lang tayo nagkita so ano na status ninyo ni Jake, may nabubuo nabang story ninyo?"

"Tita naman eh, high palang kami"

"Yaah yaah yaah pero I remind to you, first year high school palang parents mo magjowa na sila"

"Ahh ganyanan pala ah, at least ako hindi nabuntis ng maaga" singit ni Mommy.

"At least tapos narin ako sa studies ko bago ako nabuntis"

"Baka nakakalimutan niyong andito kami" sabay na sabi namin ni Andrei.

"Oo nga pala, by the way Andrew Merry Christmas" bati ni Mommy at yinakap.

Sakal na sakal si Andrei dahil sa yakap at buti nalang napansin ni Daddy na nasasakal na si Andrei kaya inilayo na niya ito, naguusap muna sila habang kami ni Andrei pinagtitripan ang kapatid ko.

"I hate you Kuya Andrei!" Sigaw niya Bago tumakbo papunta kay Celeste.

"Ayos 'yun ah, ang sabaw ng bibig" bulong ni Andrei.

"Paano ba naman, nilagyan mo ng kung ano sa mukha, Tanga ka talaga!" Hinampas ko nalang ang balikat niya at umalis.

May sinabi pa siya pero hindi ko narinig dahil sa ingay ng mga fireworks, lumapit nalang ko kay Hannah ng matapos ang exchange gift namin kanina kaya mukhang okay na kami dahil tinignan niya lang ako.

"Ginagawa mo dito?" Bungad niya sakin.

"S-sorry na" nahihiyang sabi ko.

"Okay lang, hindi nanna masakit pagkakasampal mo"

"Sigurado ka?"

"Oo, sa sobrang hina nga parang matatangal na ulo ko" napakagat nakanga ko ng daliri ng sabihin niya 'yun. "Huwag ka ngang magkagat ng daliri diyan, hindi mo kamukha si Celeste"

Napatingin ako sakanya ng biglang pagsabi niya. "Eh ano namang connect nun sakin?"

"Hindi ko bagay" proud niyang sagot.

Aba'y siraulo.

"Ilang linggo kang tulog tapos ganyan pa mga sinasabi mo! Kaylan kaba magbabago?!" Nakapamewang na tanong ko.

Nagisip pa ito bago nagkibit-balikat na tumingin sakin. "Ewan, baka hindi na"

"Kamusta na pala kayo ni Lance?"

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now