07

50 2 0
                                    

KATELYN POV

KINABUKASAN....

Kasama ko sila Liam at Anthony na hindi pa makatingin sakin, naiintindihan ko naman kung bakit sumali ang apat doon sa gang dahil si Lance ang nagpasimuno nun, si Ethan sinamahan lang niya si Lance para may magtingin kay Lance at 'yung dalawa naman napasubo nalang dahil kay Ethan.

Pero ang hindi ko maintindihan bakit pati itong dalawang ito nakisali, hindi naman ganito pagkakakilala ko sakanila dahil mabait si Anthony at lalo na si Liam. Napabuntong hininga ako ng ikatingin nilang dalawa sakin.

"Sabihin niyo nga sakin...."

"Hmm?" Silang dalawa.

"Bakit sumali doon kela Lance, alam niyo naman sigurong delikado dun"

"Katelyn, huminahon ka nga! Hindi naman kami sumali dun, nakita kasi namin sila Lance at Ethan na.... Na... Ano na nga 'yon?" Humingi siya ng tulong kay Anthony.

"May sinabi silang rambol, si Ethan ayaw na niyang sumama dahil ayaw nilang magalit ka ang kaso mapilit si Lance kaya walang nagawa si Ethan kundi sumama sakanila-"

"Eh kayong dalawa?"

"Sumundo kami, sumunod nalang kami kasi ang akala naming rambol 'yung sapakan lang pero ang ending may mga baril pala sila, muntik na nga kaming nahuli ng mga pulis buti nalang may lakas pa si Lance nun" patuloy padin sa pagpapaliwanag si Anthony at kapag tumitingin naman ako kay Liam tumatango lang ito.

"Siguraduhin niyo lang na hindi kayo sumali sa mga ganun" dinuro ko Isa isa mga mukha nila at tumango naman sila

"Promise, sumunod lang talaga kami dun...." Natahimik na kami pero bigla na naman nagsalita si Liam. "Pero alam mo, ang galing nung nakaaway ni Lance, hindi ko alam kung lalaki pero parang babae siya, magaling kung manapak, Ilang beses pa ngang napapatumba niya si Lance eh, kung hindi ako nagkakamali babae talaga 'yon kasi may pakwan siya sa harap-"

Hidndi niya natapos ang pananalita niya ng biglang binigyan ni Anthony ng isang batok si Liam.

"Gago, sa tingin mo papasukin ng babae ang gang, mahirap maging part ng gang marami pang ipapagawa sayo"

"Teka, pano mo nalaman 'yan?" Sabay na tanong namin ni Liam.

"Wala, na research ko kang kagabi pagdating ko ng bahay" agad niyang sagot at nagkasalubong pa ang kilay niya.

Napatango nalang kami ni Liam habang nakanganga, binalik namin ang pagbabasa namin at medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi sila sumali.

Ilang linggo ang nakalipas at wala naman kaming ginagawa ngayon liban sa botohan ng president at vice hanggang sa grumadute sila ng junior high at ako ang president si Liam naman ang vice ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng pagiging president dito pero sana makayanan ko.

Ngayon medyo nakakainis dahil lumapit na naman ang apat saamin na puro pasa ang mukha, dagdag mo pa si Liam na nakisali pala sa sapakan sa likod ng Luciano, buti nalang at hindi nagrereklamo ang principal ng Luciano sa ginagawa ng mga Taga Valdez.

"Aray masakit Katelyn!" Sigaw ni Liam at pilit na linalayo ang katawan niya sakin.

"Tch, bahala ka nga. Puro kasi kayo sapakan, kung sapakin ko kaya mga mukha niyo" panghahamon ko at nagkatinginan sila sa isa't isa.

Tinulak nila si Jake sa harap ko at nagpacute sa harap ko, napatingin ako sa mga kaibigan naming palihim na sa pagtawa pero tinabig ko lang mukha niya at pinihit ang tenga ni Lance. Sumigaw ito ng sumigaw sa sakit.

Natigil lang naman ako ng hilahin ako palayo sakanya pero sumipa pa ako sa ere kung matatamaab ko ba ito. Natapos ang paglilinis sa mga sugat nila lumapit naman itong Lance sakin.

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now