14

17 2 0
                                    

KATELYN POV

"Ito maganda 'to"

Kanina pa kami pili ng pili ng mga damit na isusuot ko wala kaming pupuntahan pero sabi niya bibili lang daw kami ng Dami tniya pero bakit pati sakin.

"Tama na, magbayad na tayo andami mo ng pinamili oh" turo ko sa basket namin.

"Ngayon lang naman eh, saka... Hays Sige na nga" hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila na ako papuntang counter para magbayad.

Pagkatapos nun pumunta kami sa food court, sa ibang direction 'ton at papunta ng Sta. Barbara at malalagpasan iot ng mall, pagkapasok namin wala kaming ginawa kundi kumain ng kung saan saan hanggang sa mabusog kami.

Naguwi nalang kami ng mga ibang pagkain namin at umuwi na, sobrang sakit ng mga hita ko sa mga paglalakad namin kanina, napatingin ako sakanya dahil naririnig ko siya tumatawa.

"Tumatawa kapa!" Sigaw ko at pinaghahampas ito sa braso niya.

Nakakainis sobrang sakit na nga lang nakayanan pang tumawa. Nagcross arm nalang ako sumandal sa upuan na ito.

"Sorry na, Hindi lang ako sanay na sumasakit pala hita mo"

"Sira! Sumasakit din kaya, masakit nga kahapon tapos pinaglakad mo pa ako" pagtatampo ko.

"E 'di sana kinancel natin ang date ngayon"

"Hindi na, saka tapos naman na eh uuwi na nga"

Walang nagsalita saamin ng tumango siya. Pagkadating namin sa bahay nadatnan namin parents namin na naguusap sa salas, nagmano muna ako kila Tita Shaina at Tito Jim parents ni Jake pagkatapos nun nagpaalam kaming pumunta sa dining table dahil kakainin an namin 'yung takoyaki na binili namin.

"Sa tingin mo, makakapasa yata tayo ng high school?" Tanong niya habang nagsasalita ng pagkain sa plato.

"Oo naman, bakit? Matalino ka naman ah lalo na ako"

"Wala, alam ko namang matalino ako pero baka 'yung nangyari saamin dati"

"Ano ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong.

"'Yung dati ngay, diba naging part kami ng Gang baka 'yun ang dahilan para hindi kami makagradute tapos iyung pambubully pa ni Lance"

"Sira kaba! Napagdesisyunan na ng board sa campus lahat daw makakagradute at walang maiiwan basta maipasa mo ang average na gusto nilang makuha mo, saka baka nakakalimutan mong President padin ako kaya alam ko mga about sa students rule"

"Sabagay, nakakainis kasi si Lance—"

"Hoy baka nakakalimutan mong kaibigan natin 'yon!" Pagpuputol ko sakanya.

"Alam ko naman at kasama ako sa mga kalokohan niya, ang kaso ginusto ba namin 'yun? Alam mo mahirap kasing pakisamahan dati si Lance dahil Ang gusto niya ay iyon ang masusunod, napipilitin lang kaming sumama sakanya dahil ayaw naming may nangyaring masama sakanya"

"Oh eh ayun naman pala eh, anong punto mo?"

"Tinuturing naming kaibigan si Lance pero minsan nagkakasaman na kami ng loob lalo na dati dahil feeling bossy siya, hindi na namin pinapatulan at pinapabayaan narin namin siya at misan nalang kami umaawat sa mga gusto niyang plano, nang nagdesisyon kaming umalis sa Miana akala namin magiging maayos na buhay namin kaso biglang dumating si Hannah at binulabog ito" bumuntong hininga pa ito.

Hindi ko namamalayang kumakain na pala kami at paaubos na ang binili naming bananaque.

"So kasalanan ni Hannah kung ganun?"

"Hindi, hindi namin siya sinisisi dahil kilala kami ng mga taga Larson, hirap kaming magtago dahil kahit hindi nila nakita ang mga mukha namin kilala nila ang mga pangalan namin—"

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now