03

63 2 0
                                    

KATELYN  POV

Halos mabaliw na ako katawag Kay Jake dahil hindi padin siya sumasagot sa mga tawag ko, pumunta sila Mommy sa hospital dahil hindi naman ako pwede doon sinabihan nalang nila ako na tatlo lang silang andun pero si Jake at wala.

Tinext si Mommy ng Mommy ni Jake na siya muna ang magaasikaso pero wala siya doon, ngayon Ilang beses na akong tumawag at pumunta sa bahay nila pero ang sabi lang ng mga maid nila ay hindi daw nila napansin, pabalik balik na ako sa bahay nila dahil baka umuwi siya.

Last na tawag ko sakanya ay maayos naman daw siya, nagpadrive na muna ako sa driver ko Lara makapunta sa bahay ulit nila Jake.

"Ma'am, hindi ba kayo napapagod an pabalik balik sa bahay nila Sir Jake?"

"Hindi po Manong, saka siya po itong hindi nagstay sa hospital kaya baka kung anong mangyari sakanya" kangiti kong sagot at tumango naman si Manong.

"Mga bata nga naman ngayon oo, iba na kung magisip" dinig kong bulong ni Manong pero hindi ko siya pinansin.

Pagkadating namin sa bahay nila pinagbuksan ako ni Manong na pinto kaya patakbo akong pumasok sa loob, naghello muna ako sa magulang ni Jake pero Ang sabi niya nasa kwarto niya daw.

"Jake!" Sigaw ko at pinagkakatok ito hanggang sa bukas niya.

Bumungad sakin na kakaligo lang niya, pinagmasdan ko ang kabuoang katawan niya at niyakap ito. Halos mangiyak ako ng may makita akong mga sugat niya, nararamdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko.

"Katelyn" dinig kong boses niya sa tenga ko.

"Jake okay ka lang?" Agad kong tanong pero tumango naman siya.

Inalalayan ko siya papasok, nakalipas ang Ilang oras at inaasikaso ko nalang siya dahil sa mga sugat niyang sobrang lala, pinatingin na namin si Jake isang Doctor kaya okay nanna na ang pakiramdam ko.

"Next time kasi huwag kang kung saan saan  pumupunta, natatakot ako"

"Okay lang ako kaya huwag ka ng magalala, baka mamaya—"

"Ano ba kasi naisip niyo at nagkaroon kayo ng mga ganyang kalang sugat!" Sermon ko sakanya.

"Wala, disgrasya lang"

JAKE POV

"Tawagan niyo na si Ethan, magsisimula na oh" masayang sabi ni Lance.

Kanina pa ako kinakabahan sa mga pinaggagawa ni Lance, hindi namin sinasabi kay Katelyn mga pinaggagawa namin, tinawag ni Andrei si Ethan at papunta na daw siya.

May mga nagaaway na sa harap namin at pinapakita kong maayos ang mga pinaggagawa ang ugok na ito. Dumating si Ethan pero nagkainitan ang dalawa. Umalis si Ethan bago sabihin ni Lance na pwede kaming maghiwalay ng pagiging kaibigan. Bumaling ako kay Lance at napangiwi nalang.

"I'm so disappointed" madiin kong sabi sa harap niya at tinalikuran siya.

Hinabol namin si Ethan at saktong kasasakay niya lang sa motor niya. Alam naming galit si Ethan pero kalmado padin ang pinapakita niya kahit gusto na niyang sumaboh.

"Hoy Dre! Iiwan mo kami dito!" Sigaw ni Andrei kaya napatingin siya samin.

"Diba mas gusto niyo dun sa ugok nayun" dinig kong galit sa boses niya.

"Hoy hindi ah! Kaya lang naman kami naging parti ng Miana dahil sayo" agad kong angal dahil baka kung ano pang sabihin niya.

Tumango nalang siya at tinuro ang mga motor namin kaya sumakay kami doon para sumunod sakanya, dumating kami sa bahay. Napahinto nalang ako ng makita ko si Katelyn na nakatingin saamin. May sinabi pa Mama ko pero hindi ko iyon narinig dahil nakatuon ang pansin ko kay Katelyn.

"Anong nangyari sainyo?" Tanong niya saamin at Isa Isa kaming tinititigan.

Patay.

"Katelyn we need to explain—"

"Explain saan?"

Hindi pa niya pinatapos si Ethan na magsalita dahil galit na ito kung titignan, ayokong nagagalit si Katelyn lalo na sa mga ganitong bagay. Nakakainis, hindi ko naman pwedeng isisi lahat kay Lance.

"Katelyn kasi—"

"So totoo nga 'yung sinabi ni Liam.. Nung una kala ko nagbibiro lang si Liam at Anthony dahil lagi naman silang nagbibiro, tapos ngayon puro sugat mga mukha niyo, lalo ka na" tinuro pa niya si Ethan pero wala itong reaksyon.

"Sorry"

"Tch puro sorry–sorry, lagi naman kayong ganyan eh tapos pa-promise ulit kayo sakin na hindi na gulo ang gagawin niyo tapos ano gagawa ulit kayo ng kalokohan"

"I think alis muna ako anak" tinaguan ko nalang si Mom kaya bumaling ako kay Katelyn.

"Katelyn—"

"Ayoko! Kapag wala na 'yang mga sugat niyo dun niyo lang ako kausapin, papatulong nalang ako kay Anthony sa math" pagkasabi niya kinuha niya ang mga gamit niya saka umalis.

Ginamot namin ang mga sugat namin natamaan kaming pareho ni Andrei sa away nilang dalawa, pinakain nalang kami ni Mom at dapat ipapahatid silang dalawa ng driver namin pero ang sabi nila ay maayos naman na daw at kaya nilang magdrive.

Pumasok ako ng kwarto ko at hindi ko alam na sumundo pala si Mom, pagkapasok niya ng walang pasabi. Pumasok siya at nakipagusap siya sakin, tinatanong niya lang naman kung anong nangyayari sakin pero naiinis ako sa bawat tanong niya.

"Ano bang nangyayari sayo anak, hindi ka nanna ganyan dati ah"

"Tsh, kung sana hindi kayo nagiging busy at pinatutuonan niyo ako ng pansin hindi ako magiging ganito" pambabara ko.

Kahit na labag sa loob ko na sagot sagutin siya ng ganito pero hindi ko talaga nagawang hindi magalit sakanila dahil sa mga pinagagagawa nila.

"Anak naman, alam mong importante ka saamin—"

"E 'di sana andun kayo nung nasa hospital ako, puro nalang kasi business ginagawa niyo, Wala na kayong time sakin"

"Anak—"

"Mom I know, pero naiingit ako kay eth alam niyo 'yun, naiingit ako kay Andrei. Buti pa sila kahit na busy mga parents nila pero lagi silang andyan kapag kaylangan naman nila, eh kayo? Kahit na maghingalo ako sa kung saan—wala naman kayong pakialm sakin eh"

"Anak pinapunta ko parents ni Katelyn sa hospital para maasikaso ka para kahit papano may tumingin naman sayo"

"Iyun na nga eh, puro nalang kasi business ginagawa niyo, baka nanna magpalagay pa ako ng schedule ko para magkaroon kayo ng time sakin" mahinahon ko pading sinasabi sakanya.

"Anak ginagawa namin ito para hindi ka maghirap—"

"Ngayon na ako naghihirap dahil sa business nayan, ang gusto ko lang naman mga atensiyon niyo sakin!" Biglang sigaw ko kay Mom at napaupo nalang ako habang napahilamos nalang ng mukha.

"Anak, it's fine okay. Next time gagawin ko na mag gusto mo, please lang anak patawarin mo na ako please"

"Mom... Iwan niyo muna ako" mahinahon kong bulong at humihinga ng malalim.

Narinig kong sinara ang pinto kaya napahiga nalang ako sa kama ko, I realized lahat ng mga pinagsasabi ko at sinigawan ko pa si Mom. Na parents ko. Shit naman.

Akala ko naman ililihim ko ito hanggang sa buong buhay ko pero nasabi ko pa at ang masama pa doon sinigawan ko pa, ayokong  magalit sa kung saan lalo na ayaw kong may magalit sakin.

I regret all I said. I Fucking regret it.


:)

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now