33

30 1 0
                                    

KATELYN POV

"Kaylan mo pa balak sabihin sakin na may amnesia ka!" Sigaw ko sakanya.


Wala akong magawa kundi umiyak nalang, matapos ng lahat at nakakalakad na siya masaya na sana ako pero narinig ko sila ni Lance na naguusap. Napasapo nalang ako ng noo at hindi alam ang gagawin ko.


"Sa lahat pa naman ng itatago mo sakin bakit ito pa?!" Dagdag kong sigaw sakanya.


"Katelyn, sinubukan kong alalahanin lahat para walang-"


"Tigilan mo na Jake! Lahat ginawa ko sayo pumunta tayo sa Batanes last week para lang maging masaya ka, lahat ginawa ko sayo pero bakit naman nilihim mong may amnesia ka" nakaluhod na akong umiiyak dito at hindi ko matanggap na nagsisinungaling na siya sakin.


"I'm sorry Love but I remembered some-ugh!" Sigaw niya.


Pagtingin ko sakanya doon lang ako natigil ng nakita ko siyang nakahawak sa ulo niya, kaagad akong lumapit sakanya, sigaw siya ng sigaw at nagpapanic na ako kung anong gagawin ko pero bigla siyang nahimatay at napahiga nalang siya sa balikat ko.



"Jake!" Sigaw ko at pilit siyang ginigising.


Pilit kong kinukuha ang cellphone sa side table ko at tinawagan si Kuya Hayden, taranta lang akong nagsasalita pero ang sabi niya pupunta nadaw, pagkadating niya tinulungan niya akong ipunta si Jake sa kama. Inaasikaso lang namin siya at ang sabi niya hintayin lang daw muna namin si Jake na magising.


Ilang oras ang nakalipas nagising narin siya at mukhang nanghihina padin, tinanong si ni Kuya Hayden kung anong nangyayari sakanya pero ang sagot lang niya ay may naaalala na siya pero putol-putol at hindi makita ang mukha. Binilinan nalang ako ni Kuya na unti-untiin na ipaalapa sakanya ang lahat ng past namin.


Umupo ako sa side niya at parang nawala bigla ang galit ko sakanya na makitang naguguluhan padin siya. Bago pa ako makapagsalita inunahan na niya ako


"Sorry Love" malambing niyang sabi at ngumiti nalang ako.


"It's fine, ang isipin nalang muna natin kung papaano ko uumpisahan para ipaalala sayo ang lahat pero dapat don't pressure your self kasi baka mahimatay ka na naman" tumango-tango siya at hinalikan ako sa labi.


Lumabas ako ng kwarto para makapagluto ng pagkain namin pero hindi ko alam na sumunod pala itong lalaking ito at niyakap ako sa likod habang naghugas na ng mga gulay na lukutuin ko. Habang naghihiwa ako nararamdaman to kong hinahalikan niya ang leeg ko.


"Anong ginawa mo?"


"Maghiwa ka lang diyan, inaamoy ko lang leeg mo eh" saka niya ako inayos.


Wala na akong nagawa kundi maghiwa nalang at siya nadaw magluluto ng ulam namin, pagkatapos ko kumuha siya ng paglulutuan niya at pinapanood ko lang siya s ginagawa niya. Tumingin siya sakin na nakanguso at pinagtaasan ko siya ng kilay na nagtatanong 'kung anong gusto niya'.


"Yakapin mo din ako sa likod ko, yinakap kita kanina eh"


Napanganga ako na napasingkit pa pero wala na akong magawa dahil mukhang okay naman sakanya, nasa tapat lang ng mukha ang balikat niya at hindi ko maabot para itago mukha ko. Sobrang tangkad niya kahit nakatulog lang ginawa niya.


"Love?" Tawag ko sakanya.


"Hmmm?"


"Paano tumangkad?" Pabalik kong tanong sakanya.


"Uhmmm pano nga ba... Iba kasi sa mga lalaki kung papaano tumangkad, sainyong mga babae baka vitamin lang talaga"


Umalis ako sa pagkayakap sakanya pero hindi nanna siya nagreklamo. "Paano ba sa lalaki?" Kanguso kong tanong.


"Ano..... Hehehehe medyo awkward eh, ibahin mo nalang tanong mo"


Napatingin ako sa mukha niya pababa hanggang sa kamay niya, maugat ang kamay niya pero paano. Nabalibg ang tingin ko sa tyan niya at saktong wala siyang damit, Kita ko katawan niyang kahit nakatulog siya ng Ilang taon may abs din pala siya. Umiba pangangatawan niya ngayon pero mukhang mas gusto ko siya ngayon. Napalunok nalang ako, tumingin siya sakin pero lumapit ako sa ref para uminom ng tubig.


"Tomorrow anong gusto mong ulamin?" Tanong niya at nagisip naman ako.


"Egg, ham and fried rice" I smiled.


"Then, aalis ka na naman..... Sino kasama mo?" Napalaki ang mata ko ng bigla niyang sinabi.


"Nagseselos na naman baby ko, ito naman. Si Yuan lang, pupunta kami sa Batanes may aasikasuhin lang kami dun"


"Sasama ako" mabilis niyang sabi.


Wala na akong nagawa kundi isama siya dahil baka magwala pa, kumain nalang kami ng matapos siyang magluto at magligpit ako ng mga damit namin, tinext ko si Yuan kung pwedeng isama si Jake at pumayag naman.


Ngayon nasagitna na ako ng dalawa at mukhang magkakaibigan sila dahil sa tuwing may ibibigay si Yuan sakin kinukuha ni Jake at siya ang kumakain pero binibigyan naman niya ako kaso siya ang nakakarami. Walang sinasabi si Yuan pero alam kong nagagalit narin ito pero tahimik lang.


Pasakay kami ngayon ng bangka at medyo natalisod pa ako pero itong dalawang ay inalalayan pa ako, narinig ko si Manong na tumatawa at mukhang naiilang na ako ngayon. Sabi ni Manong na namamangka pupunta kami sa Chamantad Tinyan.


Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito pero mukhang magiging masaya dahil maganda ang spot doon. Pagkadating namin nagkamali akong dapat hindi nalang ako nagsandal. Aakyat daw kami dahil andun 'yung client namin, mapapatay ko 'yun kapag nakita ko. Pagkadating namin sa taas at talagang makapatay ako dahil nakita ko si Liam na may kasamang mga staff.


Lumapit ako sakanya dahil kumakaway ito, pinagbigyan kami ng staff niya dahil alam naman niyang malapit kami at nagtitake din yata sila ng movie. Pagkalapit ko binigyan ko siya ng malakas na batok na kinagukat ng mga staff niya pero pinigilan niya ito.


"Grabe ka naman! Pero sa totoo lang pwede mo namang gawin dahil pinaghirapan ko pa kayo pumunta dito" saka siya tumawa ng malakas. "Pero spat siguro awatin mo 'yung dalawang 'yun oh" sabay nguso.


Ginaya kong ngumuso siya at tinignan ang tinitignan niya pero agad namang nawala ang nakangusong labi ko na napalitan ng nganga dahil nakita ko si Jake at Yuan na naguusap pero iba yata ang pinaguusapan nila dahil ngumingisi lang si Yuan samantalang si Jake Panay duro kay Yuan.


"Awatin mo na at tatapusin lang namin 'to" dagdag ni Liam.


Kaagad akong tumakbo papunta sakanila kahit hirap akong tumakbo dahil sa malakas na hangin. Pinaglayo ko silang dalawa at isang salita lang kay Yuan lumayo ito, halos sakalin ko na si Jake dahil ayaw paawat.


"May gusto sayo 'yon 'no" baling niya sakin.


"Pinagsasabi mo!" Sigaw ko sakanya at inaayos pa ang buhok ko dahil humaharang sa mukha ko.


"Wala, hindi naman ako galit na kasama mo lagi 'yun pero para kasing type ka niya, nakakainis" padabog niyang hinawi ang kamay ko sa braso niya. "Bakit kasi wala akong maalala para kahit papano may pinanghahawakan ako sayo" dinig kong bulong niya.


"May pinanghahawakan ka sakin, Love"


"Fiancé mo 'ko, nagpropose ka sakin bago ka umalis at dapat pagbalik mo magpapakasal na tayo, Malaki ang pinanghahawakan mo sakin kaya tigilan mo 'yang kakaselos mo"


:)

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now