KABANATA 26

30 2 10
                                    


Masayang namalagi si Jane sa bahay ng kanyang lola Clarita at tiyahin na si Val, bukod sa marami siyang napasyalan sa mga lugar sa Maynila ay marami din siyang napulot na aral sa kultura't kasaysayan ng kanyang bayang pinagmulan. Lubos na napamahal si Jane 'di lang sa mga pamanang yaman pati na rin ang kagandahang-asal at kahalagahan ng pagsasama ng buong pamilya.

Lumipas ang ilang araw bago dumating ang takdang oras para siya'y mamaalam sa buong angkan ng kanyang Lola Clarita. Lahat ng mga ala-ala'y mananatili sa kanyang puso. Iniligpit ni Jane ang sariling mga gamit, itinupi ang jacket, pants at iba pang kasangkapan na kailangan sa katawan. Panahon na para mag-impake.

Habang inaayos niya ang maleta ay kumatok si Sed sa kuwarto. Pinagbuksan ang lalaking pinsan,

"Hey Sed, did you need something?" Tanong nito.

"Ahm ate Jane, We've brought a food for you, my eldest brother ang nagluto niyan," sambit ng pinsan sa salitang taglish.

Mababanaag sa binata ang maamong mukha, may malaking pangangatawan. Ang bente anyos na si Sed ay sadyang mabait at matulungin, ganyan ang bunsong kapatid ni Greg talagang maaalalahanin sa kapwa. Ibinigay nito sa babaeng pinsan ang hawak na pagkain na nakalagay sa isang paper bag.

Pumasok si Sed at nakipagkuwentuhan sa maikling oras. Makikitang may kaunting lungkot sa mukha ng nito, dahil sila'y magkakahiwalay na.

"My schedule of flight is around 3pm, thank you so much for your effort," wika ni Jane.

"We gave that earlier, if ever me and my brother forget to give that for you. That's the main dish of our restaurant" pagmamalaki ni Sed.

"Thank you once again, I would give this to my parents too for a taste," tugon ng babaeng pinsan, sumilip siya sa paper bag at nakita ang ibang minatamis gaya ng cookies, buko pie pati ang milk pudding.

Matapos mailagay ni Jane ang lahat ng gamit sa maleta, tinanong siya ng malungkot na pinsang si Sed kung bakit aalis na siya kaagad ni hindi man lang ito makakapag-celebrate kasama nila sa Bagong taon. Tugon naman niya ulit sa lalaking pinsan ay ganito.

"Don't be sad cousin, my parents told me that they will accompany soon as we come back here again in Manila."

Napalitan ng ngiti ang kaninang matamlay na mukha ni Sed, nasiyahan nang marinig na babalik muli sa Pilipinas sa susunod kasama na ang mga magulang niya. Kaya naman sa huling pagkakataon, ninais muli ni Jane na makita ang gitara na pagmamay-ari ng kanilang kalolo-lolohan na si Gregorio, sinamahan siya ni Sed upang makadungaw sa antigong gitara.

Pumasok ang magpinsan sa kuwartong istilong pang-museo. Nasulyapan ni Jane sa kalagitnaan ang nakakahalina sa paningin na kudyapi. 'Di niya mawari kung bakit iba ang pakiramdam sa bagay na iyon sa tuwing minamasdan.

Ilang minuto niyang tinitigan ang lumang instrumento sa loob ng nakakahong kristal, merong caption o label sa ibaba nito na, 'Lolo Gregorio's oldest Guitar.'

"Do you know what Sed, I feel so calm when I always see this guitar," mahinang pagkakasabi ni Jane.

"Our great grandfather was a very good guitarist, he writes many kundiman song and collaborate to other prominent musicians," paglalahad ni Sed sa nakatatandang pinsan.

Ipinadinig din ni Sed ang isang recording mula sa smartphone, iyon ay downloaded song o music na compose ni Gregorio Dela Fuente. Ang malumanay na tunog ng gitara ang siyang naging sikat na piyesa noong panahong magwakas ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Lalong nagpakiliti sa tenga ni Jane nang marinig ang lumang tugtugin, ramdam ang pagiging kalmado sa na animo'y nasa alapaap. Namulat ang mga mata ni Jane pagkatapos ng masidhing tugtugin ng kwerdas sa gitara. 'Pag tapos nun ay isinara na ni Sed ang pintuan ng maliit na kuwartong museo, napagbigyan na rin ang kahilingan ni Jane na muling masilayan ang gitara na nagbuhat pa sa kapatid ng kalolo-lolohan ng kanilang angkan. Ang kagandahan ng musikang iyon ay mananatili sa puso't isipan ni Jane...

Sa Patak Ng LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon