KABANATA 10

6 1 0
                                    

Galing sa pagawaan ng abaca si Gregorio habang lulan ng trak na pauwi sa kanyang tahanan. Pagdaan niya sa kalye hanggang sa eskinita ay nadatnan ang ilang wasak na kabahayan. Mabilis niyang minaneho ang sasakyan, nagtatakbuhan ang mga tao sa lansangan at narinig ang ilang pagsabog. Nagulat siya sa pagsabog malapit sa kalye ng Santa Cruz, binilisan pa niya ang takbo ng sasakyan, nag-aalala siya't nais na makauwi agad.

Nang maiparada niya ang sasakyan tumambad sa kanya ang nasirang bahay, sira ang bakuran at kalapit na residente. Agad siyang nanaog sa trak, doon niya natanaw si Mona na nagluluksa. Napahinto siya saglit sa kanyang kinatatayuan nang masilayan ang ama't ina na nakaratay. Mabilis na nilapitan ni Gregorio ang ina na wala nang buhay.

"Anong nangyari?! O hindii!!! Inang!!! Inaaaaang!!!!! Hindiiiii!!!!!!" Sambit niya, 'di mapigilang managhoy.

"Kuya Gregorio," tugon ng dalagang kapatid na kanina pang naghihinagpis sa pagkawala ng kanilang mga magulang.

Matapos mahagkan at halikan ang bangkay ng kanyang ina ay sunod na nilapitan ng panganay ang ama, doon naman siya nagluksa kasama ang bunsong kapatid.

"Itaaaaang!!!" Sigaw ng may pinagsamang galit at dusa.

Tumindig si Gregorio tumingin siya sa alapaap anupa't nagmamaktol, para bagang sinisisi ang nasa itaas, inilabas niya ang lahat-lahat ng hinanakit.

"Bakit kailangan pa mangyari sa'min 'to bakit?!!"

"Anong kasalanan namin bakit..." Ihahagis kung anong mga bagay na makita at madampot niya.

"Kuya Gregorio tama na!" sigaw ng dalaga na pilit umaawat.

Tumigil ang panganay na kapatid sa kanyang pag-aamok, humingi siya ng tawad at tuluyang nahimasmasan. Patuloy pa rin siyang nagdadalamhati. Matapos niyaon ay naghanap sila ng telang ipantatakip sa bangkay ng kanilang mga magulang.

Habang inilalagay ang telang panaklob ay napansin ni Mona ang isang bagay na naka-usli sa sulok ng gumuhong bahay. Maingat niya itong kinuha, maingat niyang nadukot ang gitara at kapansin-pansin na hindi man lamang ito nasira o nagalusan. Sadyang kay tibay ng instrumento na tangan ni Mona. Ibinigay ito ng dalaga sa kanyang kuya na pansin din ang matibay na kalidad, isinabit sa likuran saka ibinitbit.

May isa namang babae ang napadaan at mabilis na tumatakbo, ipinagkakalat niya ang balita na, "Nariyan na ang mga hapon!" Dumating ang ilang tropa ng Amerikano katuwang mga Pilipinong sundalo upang ipagsanggalang ang nasabing lugar,

"Kailangan na nating umalis dito," ani ni Gregorio.

"Ngunit saan tayo pupunta? Paano na sila inang at itang?" Nababahalang tanong ni Mona.

"Kung hindi tayo aalis dito tiyak ang ating kamatayan, basta kailangan na nating umalis dito, sa gubat tayo magtago't manirahan," tugon ni Gregorio.

"Oh Inang at Itang!" Saglit na lumingon ang dalaga't nilapitan ang bangkay ng mga magulang.

Maririnig ang mga malalakas ng pagsabog dulot ng bomba, mga ingay ng putok ng baril. Pinilit ni Gregorio na sumama ang kapatid upang lisanin ang lugar.

"Mona kailangan na nating lisanin ang lugar na ito!"

Sumunod kaagad si Mona sa kanyang kuya, mas lumalala na ang nangyayaring hidwaan sa mga kalabang hapon. Sumakay ang magkapatid sa dakbatlag (trak) hanggang sa pinaandar ito at lumayo sa gitna ng digmaan.

Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-alis sa siyudad ay napadpad nga sila sa liblib na lugar, kung saan kalahati sa kalupaan ng Maynila noon ay kagubatan pa. Biglang tumirik ang sasakyan habang tumataas ang mga talahib na kanilang dinaraanan.

"Kainis wala nang gasolina," ani ni Gregorio na nanaog kasama ng kapatid sa trak na sasakyan.

"Saan ba talaga tayo pupunta kuya Gregorio?" Tanong ni Mona na naninibago sa lugar.

Sa Patak Ng LuhaWhere stories live. Discover now