KABANATA 4

5 2 0
                                    


Ikatlong beses sa parehong oras ay muling pumarada ang sasakyan ni Simeon sa labas ng tahanan ng pamilya De la Fuente. Inaabangan niya ang paglabas ng dalaga na ngayon ay kanya nang nobya. Sa silid ni Mona ay aligaga siyang naglalagay ng mga dokumento sa isang sobre. Matapos makumpleto ay dali-dali siyang bumaba ng hagdan, wala doon ang kanyang kuya Gregorio dahil kasama nito ang ama sa negosyo ng pag-aabaca, hindi na siya aasarin o gagambalain ng kuya. Nanalamin siya bago umalis.

"Oh Mona hinahantay ka na ni Simeon sa labas," wika ng kanyang ina na nagwawalis sa sahig.

"Sige po Inang aalis na ako," magalang niyang pamamaalam, nag-iwan din ng halik sa pisngi.

Labis ang kanyang tuwa, silang dalawa lang kasi ng kanyang ina sa bahay. Kumaway siya sa ina, binuksan ng binata ang pintuan ng sasakyan,

"Ano handa ka na? Tena't sakay na," sabik na wika ni Simeon.

Sadyang kay yumi ni Mona. Inakay siya ng kasintahan, napamangha din ang dalaga sa loob ng kotse. Umandar. Binaybay nila ang kahabaan ng Avenida Rizal hanggang sa makarating nga sila sa Escolta kung saan naroon ang pagawaan ng muwebles, doon din nakatira si Simeon. Bumaba ang dalawa matapos maiparada sa isang tabi. Bumaba sila, nasiyahan si Mona nang makita ang mga nagtataasang gusali kabilang na rito na nasa harapan niya na may malaking karatula, nakapaskil ang; Soledad Furniture. Sa loob ng pagawaan ay agad na matatanaw ang mga iba't-ibang uri ng likhang-kahoy. Mga nakapuwestong kasangkapang muwebles na may nakatakdang presyo,

"Napakaganda!" Pagpuri ni Mona habang minamasdan ang mga muwebles na yari sa kahoy.

"Talaga ba? Kung mapapansin mo dito nakalagay ang mga finish product, sa ikalawang palapag ang opisina ko, doon naman sa likod binabarena't pinipinturahan ang mga kahoy, halika ipakikita ko sa'yo," paglalahad ng binata.

Dinala niya ang kasintahan sa likod kung saan naroon ang tatlong manggagawa, maririnig ang mga ingay ng de-makinarya, pagkuskos at pagpukpok ng kahoy sa isang malawak na espasyo. Pinahinto muna saglit ni Simeon ang kanyang mga lalaking trabahador at ipinakilala ang kasama,

"Mga ginoo halikayo't may nais akong ipakilala sa inyo, ito si Mona ang magiging bagong kalihim ko," ani ni Simeon.

"Magandang umaga sa inyo ako si Mona de la Fuente."

Isa-isa namang nagpakilala ang tatlong trabahador una na nga rito ang limampu't-limang taong gulang na si Mang Kanor, bagaman may katandaan na ay malakas pa ang kanyang pangangatawan medyo panot ang ulo, mabait din ito. Sumunod naman ay si Feliciano na malaki ang pangangatawan, siya'y tatlumpu't-tatlong taong gulang, ang panghuli na nagpakilala ay si Biloy, ang pinakabata at pinakapasaway na manggagawa ni Simeon, sa edad na labing-anim na taong gulang ay natuto na siyang kumayod para sa sarili. Matapos na maihayag na si Mona ang bagong sekretarya niya ay nagtungo sa sarili nitong opisina. Kunwari ay nagbalik sa trabaho ang tatlong manggagawa pero ang totoo pagkaalis ng kanilang amo at kasamang dalaga, nag-usyosohan sila.

"Sa tingin niyo ano kaya ng amo natin iyon? Bakit ganoon na lang makaakbay ang amo natin sa bagong dalagang empleyado?" Tanong ni Feliciano.

"Baka pinsan o malapit na kamag-anak lamang," tugon naman ng matanda.

"Halikayo sundan natin ang amo natin sa tingin ko babae niya 'yan," hinala ni Biloy, pinagalitan siya ni Mang Kanor.

Sinundan ng dalawa ang pasaway na si Biloy. Hindi talaga maawat ang binatilyo. Dahan-dahan silang umakyat sa hagdan tsaka nagtungo sa opisina ng kanilang amo, pinakinggan nila mula sa labas ng pinto ang mga ingay na nangyayari sa loob. Nakarinig sila ng mga kalabog.

"Naku hindi kaya????" Nangangatal na sambit ni Biloy.

"Shhhhh..." Ani ng dalawa.

Samantala sa loob naman ay tinutulungan ni Mona si Simeon na ipuwesto ang ilang mga kagamitan na nakahambalang sa gitna ng daanan, nagpasalamat ang binata, ngayon ay itinuro naman ng kasintahan nito kung saan ang magiging opisina niya ngunit pagbukas nila ng pinto ay sumambulat ang tatlong manggagawa, nangabuwal sila sa loob.

Sa Patak Ng LuhaWhere stories live. Discover now