KABANATA 19

3 0 0
                                    


Sumunod na taon, Enero 1945. Naihayag sa pamamagitan ng radyo ang pagbabalik ni Heneral Douglas McArthur sa Pilipinas. Pag-asang magpapalaya sa buong bansa, pinakahihintay ng mga Pilipinong nais kumalas sa panggigipit ng mga hapon, subalit inaasahang magiging matindi ang digmaan.

Mas pinaigting ng Imperial Japanese Army ang kanilang puwersa ngunit malaking dagok ito sa kanila dahil kinakapos ang rasyon ng pagkain at gamot. Umigting ang galit ng mga hapon, gaya nang nakita ni Mona ang dalaginding na pinagmamalbisan ng sundalo. Ikinulong ito sa isang silid. Nagtimpi si Mona, ayaw niyang makialam at baka siya'y madamay pa. Hinintay nitong makaalis ang hapon. Pumuslit siya sa silid, maingat na nagmasid.

Inilapag ni Mona ang hawak na tray sa isang kahoy na lamesita. Lumingon-lingon siya sa paligid. Nang mapansin niyang wala ng taong dumadaan, sinilip nito ang nakakandadong pintuan, bigla lamang siyang nakarinig ng iyak galing sa loob. Mayroon siyang hawak na susi at agad na binuksan ang pinto, nalumbay ang kanyang mga mata nung masilayan ang daliginding na takot at mag-isang tumatangis sa isang sulok ng kuwarto.

Pansin din niya na luray-luray ang damit nito, kaagad na nilapitan, dinamayan at pinatahan.

"Shhhhhh..." Bulong niya sa dalagita.

Niyakap ni Mona ang kahabag-habag na batang babae, hinayaang mailabas ang lahat ng hinaing, nang mahupa ang mabigat na emosyon ay saka inalam ang kalagayan nito.

"Anong nangyari? Anong ginawa sa'yo ng hapon?"

"Ate uhuhu... ayaw ko na dito gusto ko nang umuwi," tugon sa kanya't muling umiyak ng malakas.

"Dios mio!"

Pinatahan ni Mona ang dalaginding sa ikalawang pagkakataon. Pinunasan din ang mga tubig na dumadaloy sa mga mata na bakas ang sobrang kalungkutan. Pinatatag niya ang kalooban nito.

"Shhhhhh... tahan na, makinig ka sa'king mabuti. Makakatakas din tayo. Lilisanin natin ang lugar na ito."

"Ngunit ate paano naman ang iba pang gaya ko, ikinulong din sila sa isang kuwarto at sila'y ginagawang parang hayop," dagdag pa ng batang babae.

Nagulumihanan si Mona, kaya't nagmadaling ibinangon ang dalaginding, dahil luray-luray ang suot ay ipinagamit ang kumot bilang pansamantalang pantapal para dito. Itinuro din ng dalaginding kung saan ang iba pang kagaya niyang pinagsasamantalahan ng mga hapon.

Kaagad nilang pinuntahan ang kuwarto, sila'y palihim na nagtatago kapag may dumadaang sundalo. Nasa itaas na bahagi ng gusali ang kuwarto kung saan nakakulong ang iba pang mga menor de edad. Malaki ang pintuan subalit ito ay nakakandado.

Humanap siya ng paraan para masira ang makapal na kandado, nakita niya ang isang makapal na bakal, pinulot ito pagkatapos ay inihampas sa padlock, tuluyan nga itong nasira bago pinasok ang loob kasama ang dalagita. Bumulaga kay Mona ang halos limang menor de edad na nakakulong sa madilim na kuwarto. Sila'y takot na takot, ang iba ay masisilayang nawawalan ng pag-asa sa buhay.

"Ate... ate... ate..." Wika ng limang batang babae, nilapitan si Mona, halos mangiyak-ngiyak ang ilan sa kanila.

Hinagkan niya ang mga batang kababaihan. Sinabi din niya sa kanila na tatakas sila ngayong gabi, ngunit nabasag ang kaligayahan, pagkalabas nila sa kuwarto ay sumambulat ang binatang hapon. Nakaharap nila si Lt. Hikorio, nagtago sa likuran ni Mona ang mga bata, matamang pinagmasdan ng binatang tenyente ang anim na batang kababaihan.

"Hikorio, gusto na naming umalis," pagmamakaawa ni Mona.

Nilapitan siya ng hapon at hinaplos ang buhok, hinawakan din ang palad. Siya'y tumango na nagsasabing pumapayag na tulungan silang makatakas. Nagpasalamat si Mona't magkahawak-kamay sila ni Hikorio na pinangunahan ang pagtakas, sinundan sila ng mga dalaginding palabas ng hotel.

Sa Patak Ng LuhaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant