KABANATA 22

5 0 0
                                    


Sa isang kilalang paliparan sa Pilipinas, ika-walo ng umaga ay nakatakdang lumapag ang unang sakay sa eroplano. Bumaba ang lahat ng pasahero, dumiretso sila hanggang makarating sa terminal. Doon nag-aabang ang ilang mga pamilya, kamag-anak, kaibigan o kakilala sa mga nagsisidatingan na mga turista at balik-bayan.

Ang mga pasahero ay nagbuhat o nanggaling pa sa Amerika, ang mga nagtrabaho abroad (OFW) ay sabik nang makita ang mga mahal sa buhay, mga dayuhang turista na gustong makapagbakasyon, at may iba naman na isinilang sa ibang bansa ngunit may purong dugong pinoy gaya ng isang babaeng ito na katamtaman ang tangkad, nasa edad 26, itim ang buhok at simple manamit, suot ang disenyong maong na jacket. Siya ay si Jane, ang kanyang mga magulang ay mga Pilipino, ipinanganak at lumaki sa Amerika. Narito siya sa Pilipinas upang makamusta ang ilang mga kamag-anak, gusto niya ring masilayan ang natatagong kasaysayan ng Maynila kung saan nabuo ang magandang alaala ng kanyang lolo't lola sa tuhod na sina Mona at Simeon.

Habang siya ay naglalakad palabas ng paliparan ay sinalubong siya ng isang may gulang na babae, nasa edad 65 at medyo malakas pa ang pangangatawan. Ang matandang babae ay kilala sa pangalang Clarita, may hawak itong plaque card na nakasulat ay 'Welcome Jane.'

"Jane is that you?" Tanong ng matandang babaeng nag-aabang.

"Lola Clarita?" gulat na sambit ni Jane.

Ipinakilala nito ang sarili at hinagkan ang isa't-isa. Buong pananabik na masilayan ni Clarita ang apo na pamangkin. Ngunit si Jane ay naninibago, hindi siya masyadong nakakaintindi ng Tagalog pero meron naman siyang nalalaman miski ilang salita.

"Are you sure that we're relatives?" Ani ni Jane na baka binubudol lang siya.

"Siyempre I mean ofcourse, you are the great granddaughter of lolo Simeon and lola Mona and I'm the daughter of lolo Gregorio and lola Esmeralda, your great grandmother and my my father are siblings," paliwanag niya sa naguguluhang pamangking apo.

Tumango si Jane at napanatag ang kanyang kalooban. Ngayon ay mas nauunawaan niya na ang kanilang tunay na ugnayan. Inakay siya ng kanyang lola Clarita na sumakay ng taxi pauwi sa Sta. Cruz Maynila kung saan ito naninirahan kasama ng ilang anak at mga apo.

Pagdating ni Jane sa lugar ay nasilayan niya ang isang bahay na 'di naman gaanong kalakihan, ang estilo nito ay tinatayang nasa mid-60's. Inakay siya papasok ng bahay, lalo siyang namangha nang makita ang ilan sa mga antigong kagamitan hanggang sa mga disenyo sa loob.

"Wow so classic," wika ng apo na napatulala.

Binitbit niya ang dalang maleta tsaka lumapit sa isang firewall, naroon naka-display ang mga larawang napakaluma't makikita nga roon ang litrato ng magkapatid na sila Gregorio at Mona.

"It's too old ahm... and is this your father Gregorio?"

"Yes hija, and this is your great grandmother," lumapit si Clarita at isa-isang itinuro sa larawan ang bawat miyembro ng kanilang angkan.

Inilabas naman ni Jane ang kanyang smartphone, ipinakita sa gallery ang pictures niya sa Amerika kasama ang buong pamilya. Napuna ni Clarita sa isang larawan na may kayakap ang pamangkin na isang matangkad at guwapong puting dayuhan na nagbigay ng halik sa pisngi.

"Who's this man?" Tanong ng lola na zinoom-in pa ang piktyur.

"He is my fiancee, I'm getting married soon, look my great aunt this is my engagement ring," sagot ni Jane na abot-langit ang ngiti.

"I'm sorry lola if I am not fluent in Filipino language," dagdag pa nito.

"Don't worry I will teach you the proper way of speaking Tagalog and plus I'll tour you in the best places here in Manila which has rich in culture, history and also the love story of your great grandmother and grandfather. Oh by the way, your room is upstairs," malumanay na sambit ng lola tiyahin.

Sa Patak Ng LuhaWhere stories live. Discover now