A Glimpse of Somber

3 1 0
                                    

Kadaski's POV

Nang matapos na ang linggo nang pag-rebuild sa mga nasirang gusali sa akademya ay nagpatuloy na muli ang mga klase sa lahat ng baitang sa Arcacia. Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan ko ay ang pinaghahandaang Chronicle Play na magaganap sa susunod na buwan.

Ang Chronicle Play ay isang event na maihahalintulad sa dula-dulaan kung saan ang ikukuwento ng mga mag-aaral na sasali ay mga totoong kaganapan sa kasaysayan ng Arcacia.

Bilang Enchanted Elite, trabaho naming masiguro na hindi mananakaw ang source ng mga kuwento - ang Chronicle Book.

Sa lampas sampung-taon kung paninirahan sa akademya na ito, wala pa naman akong nasasaksihang pagtatangka na nakawin ang mahalagang librong ito kaya siguradong madali lang ang trabaho namin.

Nang maisuot ko na ang aking uniporme ay tinahak ko ang maikling hallway patungo sa elevator, bumukas ang pinto ng isa sa mga kuwarto dahilan para ikagulat ko ng kaunti.

'Si Ertune lang pala.' sa isip-isip ko lamang.

"Aba, aba Kadaski! Timing ka ah!" bungad ni Ertune sa akin.

"Ewan ko sa'yo." sabi ko naman.

Linampasan ko na siya at dumiretso na lamang sa elevator. Pinindot ko na ang down arrow, saka naghintay na bumukas ang pinto nito nang bigla akong inakbayan ng nang-aasar na Nature Manipulator na ito.

"Lumayo ka nga, gusto mong sunugin kita?!"

"Bakit ba palagi na lang mainit ang ulo mo ha? Sasabay lang naman ako eh. Parehas naman tayong Enchanted Elite." sabi niya.

Hinarap ko siya habang nakahalukipkip ang dalawang braso sa harapan ko. "At kailan ka pa naging opisyal na Enchanted Elite?" baling ko naman sa kaniya habang nagpipigil na pagtiimin ang mga panga ko.

"Not official. Just for today! Just for today! The Student Council assigned me as the temporary Enchanted Elite as a substitute for my buddy Genesis! After all, he's on another mission." he explained, taking his arm off of my shoulder.

"Buddy? Ah right. Genesis is a part of your gang. How could someone like him allow himself to become your subordinate?" I scoffed after.

"Hey! Don't you dare insult him!" Ertune retorted, leaning forward to raise my collar.

"Mukhang kulang na yata ang turnilyo sa utak mo Merdinia. Ikaw ang iniinsulto ko, hindi mo naman ka-lebel si Genesis eh." nakangisi kong pasada.

Nang magsimulang i-mutate ni Ertune ang indoor plant na naka-display sa hallway, sinimulan ko namang paliyabin ang kanang kamay ko.

Sa kasamaang-palad, bumukas na ang elevator.

"Are you gonna come in or what?" a particular annoying voice uttered.

"Virdjana, my love!" exclaimed Ertune, letting go of my collar as he attempts to get a kiss on Phantom's cheek.

Malas lang nga ni Ertune, dahil imbes na halik ang makuha niya ay siniko siya ni Phantom papunta sa dingding ng elevator.

"Lumayo ka sa akin." malamig na wika nito.

"Grabe ka naman...babe." sabi ni Ertune habang hinihimas ang namaga nitong pisngi.

Gustuhin ko man na pagtawanan ang sitwasyon ni Ertune, mas pinili ko na lamang na manahimik at pumasok na rin sa elevator.

"Haven't have enough sleep?" she asked out of nowhere.

Muntik pa akong mapatalon ng maramdaman ko ang malamig niyang hininga malapit sa tainga ko. Kanina pa ba kami magkalapit?

Napayapos naman tuloy ako ng isang mata kasabay ng isang hikab dahil naaalala ko iyong panaginip ko, at hindi lang isang panaginip- bangungot!

Agad akong bumaling kay Ertune kung sakali mang nakita nito ang reaction ko, para lamang makita siyang nagtatampo sa kanto ng elevator.

'Ang drama na naman nitong ganster na ito.' sa isip-isip ko lang.

"Ano ngayon?" pag-aangas ko sa magnanakaw na ito.

"A nightmare?" pagpapatuloy na tanong ni Phantom.

Nanlaki ang mga mata ko dahil tama ang hula ng babaeng ito. Paano niya kaya nalaman na nagkaroon nga ako ng masamang panaginip ngayong umaga?

Sa wakas ay bumukas na ang pinto ng elevator at tinahak na namin ang hallway palabas sa dormitories.

"Hoy! Tama na iyang pagkukuwentuhan niyo at dalian na nating pumunta sa opisina. Ayaw naman siguro ninyong mapagalitan ni President Zeky!" saad ni Ertune saka nagsimulang tumakbo papunta sa nasabing opisina.

Susunod na sana ako kay Ertune nang hatakin ni Phantom ang dulo ng uniporme ko, which is by the way, a cute gesture--..I mean weird.

Eumythymn HunterWhere stories live. Discover now