Mukha naman naging isa ang pag-iisip namin ni Mami at sabay pa kaming napalapit sa natutulog na si Kayla. I am on her right side and held her hand while looking at her with sadness in my eyes.

Ganun din si Mami sa kabilang side.

Nga pala, parang may nakalimutan ako? I immediately look at him, whose now looking at us with a question in his eyes. Kahit ako may ganun din eh.

Hinarap ko si kuya Liam. "Ano nga palang ginagawa mo dito, kuya? Wait, don't tell me.. " tumango na siya kahit hindi ko pa natatapos ang tanong. Mukhang alam na niya ang sasabihin ko. So he was Kayla's date. Aba, bongga pala yung ni-recruit namin for blind dating! Magaling pumili.

Pero nagtataka ako kay kuya Liam. Why? Kasi sa pagkakakilala namin sa kanya ay hindi siya ang klase ng tao na papatol sa ganitong blind date set-up.

"Himala, kuya Liam. Nakikipag-blind date ka na ngayon? Why? Wala ka pa ring girlfriend? Impossible... sa gwapo mong yan?" Eksaheradang reaksyon ko. He chuckled at my exaggerated gasp. Oh sexy!

He cleared his throat. "Thanks for the compliment Strawberry but may I ask-- mali, alam kong kilala niyo si Marien--" napatigil siya sa sabay na sigaw namin ni Mami.

"MARIEN?!" Nagkatinginan pa kami ni Mami bago ako ulit humarap sa kanya. "Pumayag si Kayla na tawagin mo siya ng ganun?" Nagtatakang tumango lamang si kuya Liam.

I really gasped this time. I heard, again, his chuckles. "Ano bang nakakagulat doon, Strawberry? Mamilyn? Tell me. Nawe-weirduhan ako sa mga gestures niyo eh. Hehehe" he said while chuckling.

"Hindi kasi nagpapakilala si Kayla sa ibang tao bilang Kayla marien, ususally KM ang pakilala niya. Akala nga namin ay aatras siya sa blind date na ito kasi sa totoo lang, sinet-up lang namin siya without her consent. Kaya nga nag-aabang na kami sa bahay niya pero halos tatlong oras na ay wala pa ring dumating na Kayla kaya naisip namin na baka itinuloy niya yung date.." Mahabang litanya ko.

".. or she walked out on her date dahil nalaman niyang sinet-up namin siya. Naghahanda na nga kami ng explanation sakaling dadating siya kanina pero bigla kaming nakatanggap ng call from someone-- who I assume to be you --and here we are, nasa ospital." Nakatingin lang si kuya Liam sa amin habang naka-cross ang arms at seryosong nakikinig.

After we told him our story, he just let out a deep sigh and looked at Kayla for a bit before looking at us. "Bigla nalang siyang sumigaw na parang may kung anong nakita at pagkatapos non, she passed out. I got panicked buti nalang at may tumulong sa 'kin na buhatin siya papunta dito sa ospital.. may sakit ba siya?" He asked. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya, even Mami, kaya nakatahimik lang kami.

Pero umiling ako sa tanong ni Kuya Liam. "Wala siyang sakit, kuya.. b-baka pagod lang. Naglakad kayo diba?" He nodded. I think I convinced him. I let out a sigh of relief na hindi mahahalata ni kuya Liam.

Pero yong kwento ni kuya Liam about Kayla passing out.. again. Pangalawang episode niya na 'to ah? This is weird and at the same time worrisome. At alam kong alam ni Mami kung bakit nangyari na naman ito.

Looks like we got some mystery case coming up. Ipapaalam ko pa nga pala sa iba. Pero.. nandito si kuya Liam.. at ayoko naman na magpang-abot sila ni Rodney at baka disaster ang mangyari. Ay hindi pala baka--siguradong gulo ang mangyayari pag nagkita sila.

They have this 'unfinished business' before.

"Berry! Anla? Nabingi ka na teh?" Napakurap ako at napaharap kay Mami na napapairap sa akin. Napatingin ako sa paligid pero no traces of kuya Liam here.

"Asan si kuya Liam?" I asked. Sinimangutan ako ni Mami.

"Kaya nga kita tinatawag eh! Nagpaalam si kuya Liam na may trabaho pa raw siya kaya nauna na siya. Pero he said babalik daw siya hopefully later.. ano ba kasing iniisip mo jan at sobrang lalim? Huwag mong sabihin na muling umusbong ang pagtingin mo kay kuya Liam?!" I rolled my eye. Ang OA ng pandak na 'to.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now