Kabanata 16

38 10 11
                                    

TYLER

"Tyler, may naghahanap sayo sa labas."

Mula sa mga papel na hawak, nag-angat ang tingin ko sa aming treasurer.

Today, the fifth of November, student council officers has a meeting to discuss our general plans for events and projects this month.

"Sino?" kunot noo kong tanong. Akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko nang biglang bumukas ang pinto ng office.

"Hernandez!"

Jay Moreau.

Nakangisi ito at kakaway kaway sa akin.

"How can we help you, Moreau?" sabat ni kuya Gus. Nakakunot ang noo nito sa biglaang pagpasok  ni Moreau.

Kuya Gus knows this guy. Maliban sa kilala ang kumpanyang hawak ng pamilya nito. Minsan na itong nakisabay sa amin mag-lunch.

"Excuse me," sabi ko sa kanila at lumabas ng office. Sumunod naman agad sa akin si Moreau.

"Anong kailangan mo, Moreau?"

"Woah! Ang aga aga wala ka sa mood?" nakangising tanong niya.

Kunot noo ko siyang nilingon sa likuran ko.

This guy is not even wearing a uniform. Hindi ko na iyon pinuna.

"Look, Mr. Moreau, we were about to have a meeting when you barged into our office..."

"Napakaseryoso naman nito" ngisi niya. "You are not attending to our class. Hindi kita makita. Di ba ang usapan natin tutulungan mo ko?"

Nanliit ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

Ngayon ko lang napansin, this guy is way taller than me.

"Saan?"

"Kay Adie. You know her, right?"

Nag-iwas ako ng tingin rito. "I don't remember saying 'yes' to you."

"You did. Nakalimutan mo?"

Tumalikod na ako sa kanya para bumalik ng office. "If that's the case, I'll reconsider. Busy ako."

"Sige na Hernandez, kahit ngayon lang!"

"Mas may mga importante akong bagay na kailangang gawin kaysa diyan."

"Okay..." rinig kong suko niya.  "Pero, saglit Hernandez, may sasabihin pa pala ako..."

Natigilan ako sa paghakbang at napalingon.

"Hindi mo maaagaw ang girlfriend ko..."

He smirked. I sighed.

"Walang nang-aagaw sayo."

KATE

It's been a week since I last spoke with Tyler...

Ang huli naming pagkikita at pag-uusap ay nito pang nakita niya kami ni Jay.

He's busy with his internship but I am sure he's avoiding me.

Delivered lahat ng chats ko.

Wala naman akong lakas ng loob na tumawag sa kaniya. He's not checking my chats, mas naduduwag tuloy ako kung tatawag pa ako.

Sabihin ko ng assuming ako pero...

May kinalaman ba si Jay?

Is he.. Is he jealous to him?

Bakit parang ganon ang lumalabas?

Wala akong maisip na ibang dahilan.

Bumilis ang pintig ng puso ko sa isipin na iyon.

THWM 2: Love Under PressureWhere stories live. Discover now