Kabanata 4

55 15 38
                                    

Another week has passed, and I still haven't made any friends. Mga lalaki ang karamihang lumalapit sa akin pero sa tuwing nakikita ko ang ngisi nila at kakaibang titig, ako na mismo ang umiiwas.

May mga nakakausap na rin akong ilang babae pero sobrang formal. Yung tipong after nila akong kausapin patungkol sa isang bagay gaya ng may kinalaman sa academics, wala na silang pakialam.

Minsan nakakarinig pa ako ng term na 'mayabang, unfair at maarte' na para bang pinaparinggan ako sa tuwing napapadaan ako sa ilang grupo rito sa classroom. Hindi ko naman maintindihan kung saan iyon nanggagaling.

Is it because of my father's connection to this university?

Mukha ba akong mayabang dahil roon?

Wala akong nakakasabay kumain sa cafeteria at hindi ako sanay na ganito. Nasanay ako na may grupong kinabibilangan kung saan feeling ko ay belong ako.

I'm not sure if it's because I'm shallow, but I can't help but cry at times. Halos hindi ko malunok ang kinakain kong lunch rito sa cafeteria dahil sa pagpipigil ng luha.

I felt so alone. Namimiss ko ang mga friends ko sa France. Para bang naho-homesick ako kahit nasa Pilipinas naman ang parents ko.

Speaking of my parents, masyadong silang focus sa negosyo na kahit nasa iisang bahay kami, halos hindi ko sila makasama o maramdaman.

Nabuo lang yata talaga ako para maging taga-pagmana. And unlucky for them dahil naging babae ako at wala ring kahilig hilig magpatakbo ng negosyo.

Dinampi ko ang panyo ko sa gilid ng mata ko dahil sa isiping iyon.

Wag kang magdrama ngayon Kate, nasa public place ka...

"Excuse me, can I sit here?"

Mula sa panyong hawak, nag-angat ako ng tingin.

Namilog ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking nagtanong.

Siya na naman?

"Hi, naaalala mo ako?" tanong niya. Sobrang lapad ng ngiti niya kaya kitang kita ko ang mapuputing niyang ngipin.

Tumango ako bilang sagot.

Imposibleng makalimutan ko ang lalaking ito.

He smiled at me. "So, ayos lang ba makiupo?"

Nagtataka man, muli akong tumango bilang pagpayag. "Ahm sure...sige lang," sagot ko.

Kinurap kurap ko ang mga mata dahil namamasa pala iyon dahil nag se-self pity ako kanina. Nahinto ang pagdra-drama ko dahil sa lalaking ito.

Pasimple kong nilibot ang tingin sa paligid ng cafeteria. Hindi naman gaanong matao ngayon.

May mga bakante pa namang upuan.

Bakit kaya siya nakikiupo?

Pansin ko rin ang biglang pagdami ng estudyanteng nakamasid sa akin.

Kunot noong binalik ko ang tingin sa lalaking nakaupo na sa katapat kong upuan.

Is he popular? O dahil gwapo siya?

Both?

Gaya nga nang napuna ko noong unang beses kong makita siya sa airport, this guy is attractive and seems gentle. Itim at may pagka-wavy ang buhok niya. He has brown puppish eyes and cute upper lip that seems to stick up make him appear kind and polite. He has a natural smile on his face, but a masculine jawline that balances everything out nicely. Mamula mula rin ang maputi niyang balat. Maputi siya pero hindi maputing maputi.

At sobrang gaan ng presensya niya..

Nag-angat siya ng tingin sa akin sabay ngiti. Bigla naman akong natauhan dahil kanina pa ata ako nakatitig sa mukha niya.

THWM 2: Love Under PressureOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz