Kabanata 6

47 13 13
                                    

"Dito na lang ako," sabi ko nang makarating kami sa gate ng Villa Rivas, subdivision kung saan ako nakatira.

"Hatid na kita hanggang sa inyo," prisinta ni Tyler

Umiling ako. "Hindi na. Okay na ako rito. Thank you ulit." nakangiti kong pasasalamat. "Salamat sa pagsama sa akin na ma-experience na sumakay ng jeepney."

Namulsa ito. "So, how's the experience?"

"Uhm, ayos naman."

Sa iilang minuto na nasa loob ako ng pampasaherong sasakyan na iyon, di ko aakalain na marami akong ma-eexperience na bago.

Na-experience kong maipit sa pagkakaupo, pagpawisan nang matindi, mahilo sa amoy ng usok at makapag participate sa pagpapasa pasa ng mga bayad.

Ang huling nabanggit ang pinaka nag-enjoy ako.

"Paano ka bukas? Maihahatid ka na ba ng family driver nyo?" tanong niya

"I dunno. Siguro? Kung hindi man, magtataxi na lang siguro ako."

"Ayaw mo na ulit magjeep?" natatawang tanong niya.

"Hindi naman sa ayaw..." nakangiwing tanggi ko.

I sweat a lot inside the jeepney! Hindi ata okay na roon ako sumakay kapag papasok ako ng school. Mabilis akong pawisan, hindi katulad ng ibang pasahero na parang sanay na sanay na.

"Hatid kita bukas?"

Natigilan ako sa narinig.

"Ulit? Hindi na." Umiling ako. "Ayokong maka-abala sayo," tanggi ko.

"Sasabay ka lang naman, hindi iyon nakakaabala."

Nangunot ang noo ko.

Bakit?

Napansin ko kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa. May pinindot siya roon pagkatapos ay inabot sa akin.

"Type your number."

Pinagmasdan ko lang ang kamay niya. "Why?"

"Para ma-contact kita bukas," nakangiti niyang sagot.

"Sure ka?" nag-aalangan kong tanong

"Of course," nakangiti niyang sagot. "Baka maligaw ka ulit."

May kiming ngiti sa labi na tumango tango ako at inabot ang phone niya tsaka tinype ang numero ko roon. "Here."

"Thank you. I-message mo ako bukas kapag wala pa ang family driver nyo. Susunduin kita."

Natigilan ako sa tono ng pagkakasabi niya.

Parang...

"Ah... Sure," sagot ko. "Thank you ulit."

He smiled. "Welcome. See you tomorrow, Kate. Nice meeting you, again," saad niya bago magpaalam.

"See you! Ingat sa pag-uwi," pahabol ko.

Nanatili akong nakatayo sa labas ng gate ng subdivision namin habang pinapanood siyang maglakad palayo.

Is he..

Pinipormahan niya ba ako?

Pinilig ko ang ulo sa isiping iyon.

Hindi naman diba?

***
Kinabukasan, wala pa rin si Kuya Ruben para ihatid ako. My dad offered to drive me to our school but I declined. Alas-siyete kasi ng umaga ang punta niya sa office at balak niyang isabay ako dahil madadaanan naman niya ang Hamilton University.

Alas otso pa ng umaga ang klase ko.

Ayokong gumising ng maaga para maghintay ng isang oras para sa first class ko. Pwede ko pang itulog iyon.

THWM 2: Love Under PressureWo Geschichten leben. Entdecke jetzt