Kabanata 14

37 12 7
                                    

It is already 7:30 in the morning but I'm still in front of my vanity mirror, applying my facial sunscreen. Ni hindi ko pa suot ang sapatos at necktie kahit malapit na akong ma-late.

Mabagal ang kilos ko dahil nasa isip ko pa rin ang nangyari kahapon. Hinayaan ko si Jay na halikan ako.

I am so stupid to let him kiss me like that, paniguradong iniisip niya na binalikan ko na siya.

My phone beeped.

Sinilip ko iyon. Nang makitang si Tyler ang nagmessage, agad nag-alburoto ang puso ko pero kasunod rin nun ay ang kaba dulot ng konsensya.

Walang kami pero para bang may nagawa akong masama?

'How are you doing? Malapit na ako sa subdivision niyo. See you.'

Atsaka lang ako natauhan sa pagiging usad pagong ko.

'Ingat ka, Tyler,' -reply ko sa kaniya.

Hindi ako mahahatid ni Kuya Ruben ngayon dahil may trangkaso raw ito. Nai-message ko ang tungkol roon kay Tyler kaninang nagbre-breakfast ako. Agad naman siyang nagboluntaryo na isasabay ako dahil may balak siyang pumunta ngayon sa Hamilton University.

"Ma'am..."

Mula sa pagsusuot ng sapatos, nabaling ang tingin ko kay Rosita. Biglang pumasok sa pintuan ng kwarto ko.

"Si sir Jay po nasa baba," pagbabalita nito.

What?

"Anong ginagawa niya rito, ate? Papasok ako ng school."

"Hindi ko rin po alam ma'am e," malungkot na sagot ni ate Rosita.

Mas binilisan ko ang pag-aayos. Nang matapos, agad akong bumaba para harapin si Jay. Hindi siya nakauniporme. Naabutan ko siyang kausap si mommy sa sala.

"Mon amour!" bati niya nang makita ako.

"Jay, stop calling me like that," puna ko.

"Nandito si Jay para ihatid ka, iha. Nasabi ko sa kaniya na baka isang linggong hindi makapagtrabaho si Ruben," sabat ni mommy.
"Siya muna ang maghahatid sundo sayo. Magandang idea iyon para magkalapit uli kayo."

Nangunot ng noo ko sa narinig at nilipat ang tingin kay Jay na malapad ang pagkakangiti sa akin.

"What? No, I'm fine!"

Papunta na si Tyler rito!

"Come on, Adie. I'll drive you to our school." Lumapit sa akin si Jay at hinawakan ako sa braso.

"No, hindi mo na kailangang gawin 'to. May... May kasabay ako!"

Pansin ko ang biglaang panliliit ng mata nila ni mommy kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Kaibigan ko..." pabulong kong dugtong.

"Edi sabihin mo wag na. Nandito na si Jay, ihahatid sundo ka niya," sagot ni mommy.

Lalo akong nafrustrate.

"Pati sundo? Mom, college na ako! Papasok at uuwi ako sa paraang gusto ko!" inis kong sagot.

Bakit ba parang palagi nila akong dinidiktahan?!

My mom seems shocked with my answer.

Hindi naman kasi ako panay sagot sa kaniya lalo na sa harap ng ibang tao.

"What's happening to you Kate? You are being difficult. Ayan ba ang natutuhan mo sa mga bagong kaibigan mo?"

Nagtiim bagang ako sa narinig. Hindi niya maintindihan!

THWM 2: Love Under PressureWhere stories live. Discover now