Kabanata 22

33 10 9
                                    

KATE

I am in Jay's car, driving through the Manila East Road. The road has a scenic view. Trees and plants are very therapeutic to look at from the window.

Dejavu.

It reminds me of our road trips in France when we were still together.

Noon sabay naming kinakanta ang pareho naming paboritong kanta sa kotse.

Pero ngayon...

Mayroon pa rin namang music. Mahinang musika pero iyon lang ang natatanging ingay na maririnig sa loob.

"Pinilit ka ba ni tita na sumama sa akin?" rinig kong pagbasag ni Jay sa katahimikan. Pinatay na niya ang music pagkatapos ay saglit na lumingon sa gawi ko.

Marahan akong tumango sa tanong niya.

He smiled. "I thought so."

Nakadama ako ng konsensya. "Pero gusto ko ring sumama sayo para magpasalamat. Salamat dahil hindi ka pa rin pumayag sa plinaplano ng mga parents ko."

He nodded. "Although I want to accept with your parent's plans, I don't want you to rush into marriage because of our company issues. I don't want to force you to marry me as we cannot even fix our relationship as a couple."

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at muling bumaling sa bintana ng kotse. "Jay, tingin mo ba babalik pa tayo sa dati?"

"Gusto ko," rinig kong sagot niya. Napatuwid ako ng upo dahil roon. "Gusto ko. Namimiss ko ang dating tayo. We are each other's first love right? At five years tayo. Hindi ba't mahirap bitawan at palitan iyon?"

Parang may kung anong karayom ang tumusok sa dibdib ko dahil sa mga tanong na iyon.

Tumango na lang ako habang hindi pa rin lumilingon sa kaniya.

Of course, it's difficult. Gaya ng sabi niya, five years kami. We were just fifteen when we became a couple. Siya rin ang una kong naging bestfriend ko noon dahil mayroon akong social skills issues.

Siya ang madalas kong kasama at natatakbuhan habang parehong narito sa Pilipinas ang mga parents ko. He and his family became my second home.

"Paano Adie kung subukan uli natin?"

Natigilan ako sa narinig kong tanong.

Pasimple pa akong tumingin sa gawi niya. He's looking straight at the road.

"Adie, I have thought of something. Hindi ko alam kung papayag ka," dugtong niya na kinakunot ng noo ko.

"Anong meron?" taka kong tanong.

"Wait, just let me look for the space to park my car."

Nang makahanap ng park-ingan, tila naging iba ang atmospera para sa akin ang paligid. Pakiramdam ko, biglang naging masikip sa loob ng kotse.

"I always thought that our break up happened so abruptly," panimula niya na kinakuha ang atensyon ko. "Bunga iyon ng emosyon at hindi ko ginamitan ng isip. I never thought that it will lead like this, na mahihirapan akong ibalik sa dati. Akala ko pagbalik ko, nandiyan ka pa."

Those eyes of him are sincere. Alam ko iyon.

"I acknowledge my mistakes, pero Adie wala na ba talagang natitira?"

Naramdaman ko ang biglang pagpintig ng puso ko sa tanong na iyon. Hindi ko alam ang dahilan ng pag-aalburoto nito. It's painful, it's overwhelming, na para bang gusto ko iyong takbuhan.

Wala na nga ba?

"Jay... hindi ko na alam," amin ko. "May nararamdaman ako pero hindi ko na alam kung pagmamahal pa rin. Kung panghihinayang na lang ba ito, kaba o..."

THWM 2: Love Under PressureWhere stories live. Discover now