Kabanata 23

36 11 7
                                    


KATE

'Meet me in the parking lot after your class, I love you.' -basa ko sa message ni Jay.

Napaupo ako ng matuwid sa kinauupuan kong bench habang iniisip ang irereply.

Do I have to act sweet like before?

I tried to reply to him.

'Okay. I love-' 

I erased it. Napailing ako.

It doesn't feel sincere 

'Okay, thank you, Jay 😄'

I sent it. 

Napangiwi ako habang tinitingnan uli ang sinend ko.

Ano kayang mararamdaman niya?

Napabuntong hininga ako.

Sasabihin ko lang ang tatlong salitang iyon kapag sigurado ako…

Nahinto ako sa pag-iisip nang matanaw ko na si Shannon papalapit sa akin. 

I checked my wristwatch. Sampung minuto na ang nakakalipas mula nang magbreak. Himala ata na siya naman ang nalate ngayon. 

"Hi!" bati niya.

Napatitig ako sa mukha niya. Medyo maitim ang ibaba ng mata niya. 

Napangiti ako. "Puyat ka ba?"

Napahawak siya sa ibaba ng mga mata niya. "Masyado bang halata?" natatawa niyang tanong.

Gaya ng nakasanayan sa cafeteria uli kami nagtungo para maglunch. Wala na naman si MD dahil busy raw ito sa pagprapractice kasama ang mga kaklase at sa school auditorium na lang daw ito kakain ayon kay Shannon. 

"Uhm Kate…" 

Napatingin ako sa kaniya. To my surprise she looks shy or something, kaya nangunot ang noo ko.

"Bakit, Sha?" tanong ko.

Kagat kagat ang pang-ibabang labi na tumingin siya sa akin na tila ba'y nag-aalala kaya lalo akong na-curious

"Kate, can I vent to you?" 

This is the first time I saw her face like this. Worried. Concerned

"May nangyari ba?" 

"Yesterday ito was Tyler's birthday…" panimula niya na kinahinto ko agad. 

What?

"Birthday ni Tyler kahapon?" ulit na tanong ko. 

She guiltily nodded. 

Inalis ko muna sa isip ko ang ibang bagay at nag-focus muna sa ikwe-kwento niya. 

"Anong nangyari?" usisa ko.

"I am with Gus when we go to his birthday and then I meet Tyler's mom. Nagkausap kami sa kusina habang nakikitulong ako sa pagluluto."

Tumango ako. "Then?"

She sighed. "Nakwento niya sa akin na may gusto sa akin si Tyler noong high school kami." Itinaas niya ang hintuturo niya sa akin na para bang pinipigilan akong magreact agad. "Note huh, noog high school pa." 

Natawa ako ng mahina sa kaniya. Wala pa nga akong sinasabi.

"High school pa. Pero…kasi" she sighed. "Nalasing si Tyler kagabi e tapos kung ano anong sinabi niya gaya ng kung bakit kaibigan lang siya parati ng taong gusto niya…"

Napakurap kurap ako sa mga sinabi ni Shannon 

"That he likes me. Na kung pinursue niya raw ako, hindi raw sana siya problematic ngayon…" problemandong pagkwekwento ni Shannon.

THWM 2: Love Under PressureWhere stories live. Discover now