Kabanata 7

40 12 10
                                    

"Kate, excuse me lang, pwede magtanong?"

Natigilan ako sa biglaang pakikipag-usap sa akin ng isa kong kaklaseng babae. Nasa likod ng upuan niya ang upuan ko. Pinatong pa niya ang dalawang braso sa top rail ng arm chair niya para humarap sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Kasabay kong maglunch ang grupo nila nakaraan pero syempre dahil kasama namin si Tyler.

Tyler is everyone's friend but also everyone's crush. Kaya kahit saang grupo man siya sumabay, welcome siya at excited pa sila kapag nangyayari iyon. Sinasama lang ako ni Tyler para hindi mapag-iwanan.

I smiled at her. "Ano yun?"

"Paano kayo naging close ni Tyler?"

Napahalumbaba ako sa tanong niya.

"Hindi mo rin matandaan? Sabagay friendly nga talaga siya," sabi nito. "Wala namang something sa inyo, diba?"

Tumango ako roon at sumang-ayon. "Wala, he's just friendly to me."

Mukhang natuwa siya roon at hindi na ako kinuwestyon pa. "Sabagay, lagi ka kasing mag-isa kaya ka niya madalas isama," sabi niya pa.

Tumango na lang ako at hindi na inisip pa kung ano man ang gusto niyang iparating sa akin.

Totoo naman.

"You're not his type," nakangiti niyang dugtong na kinibit balikat ko lang.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi gaanong big deal kapag may mga babaeng nalalapit kay Tyler kagaya ko. Hindi lang ako ang trinatrato niya ng ganito. Mabait siya sa lahat. He's trying to help everyone...at isa ako roon sa pinapakitaan niya ng kabutihan.

"By the way, is that Vacheron Constantin watch?" tanong niya sabay turo sa braso kong nakapatong sa armchair.

Akala ko tapos na niya akong kausapin pero hindi pa pala.

"Tama ka."

"Kahapon napansin ko, Moreau Diamonds ang suot mo. Napapansin rin namin na panay ang pagapapalit palit mo luxury earrings. Mayaman talaga ang pamilya mo no?"

"Uh,  hindi naman."

"Is that your way to show off your wealth to everyone's face?"

Napakurap kurap ako sa tanong na iyon. "What?"

"Medyo concern lang ako. Isa kang de la Fontaine diba? Father mo yung ubod na yabang na businessman na inatake sa puso. Ang dami rin tuloy ang nayayabangan sayo rito sa classroom," paliwanag niya na kinagulat ko. "No offense ah, medyo ang arte mo rin kasing kumilos."

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Pakiramdam ko, namula ang dalawang tainga ko sa narinig.

Mayabang at maarte ako?

Sa paanong paraan?

May mali ba akong nagawa?

"Mamaya nga pala Kate, baka hindi ka makasama sa amin maglunch. May reservation kasi kami sa isang resto, pang-apat-an lang," sabi niya pa bago umayos ng upo.

Nanigas ako sa kinauupuan ko.

Hindi na ako nabigla sa pagdadahilan niya para lang hindi ako maisama. Wala si Tyler. Wala siya para isama ako sa kung saan saang grupo.

Sumapit ang breaktime at halos wala akong naintidihan sa discussion dahil sa sinabi ng kaklase ko. Lutang na niligpit ko ang mga gamit ko.

"Kate!"

Muli akong napatingin sa kaklase ko na iyon.

"No offense ulit ah! Sinabi ko lang naman yung tingin ng karamihan sayo rito sa room."

THWM 2: Love Under PressureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon