Chapter 3

799 39 1
                                    

Agad kong ibinaba ang tawag dahil sa kaba? Girlfriend? As far as I know, I am his wife so paano siya naging girlfriend ni Haden? Wala sa sariling napaupo ako sa kama at sinapo ang aking dibdib habang lumalandas ang mga luha sa aking mata.

Ilang beses ko nang nakita na may babaeng iuuwi dito si Haden at saksi ako sa mga ungol na naririnig ko sakanilang dalawa. Pero alam ko na sa kabila ng pambababae niya, saakin pa rin siya uuwi. Ako pa rin ang asawa niya.

Inaasahan ko na paggising ko ay nasa tabi ko si Haden pero mukhang hindi siya umuwi. Inayos ko nalang ang pinaghigaan ko at pumunta sa cr para maghilamos at magtooth brush. Matapos non ay pumunta ako sa kusina para magluto. Pang isahang tao lang ang niluto ko dahil alam kong hindi na uuwi si Haden at hindi rin naman siya kumakain ng almusal. Tanging kape lang ang iniinom niya sa umaga at aalis na. Ako lang naman itong nagluluto
dahil sa pag-aakalang kakain siya ng mga niluluto ko.

Nang matapos akong kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko at naghugas na ng mga plato. Narinig ko sa labas ang tunog ng sasakyan kaya inaasahan ko na na umuwi si Haden.

Akala ko nakalimutan na niyang may asawa siya.

Nagpatuloy nalang ako sa paghuhugas ng plato nang may narinig akong mga yabag ng paa papunta sa direksyon ko.

"Bakit wala kang nilutong almusal?"

Hinarap ko siya at sinalubong ang nakamamatay niyang tingin. Kinakabahan ako dahil sa mga tingin niya pero nang maalala ko ang tawag ay biglang naglaho ang kabang nararamdaman ko.

"Hindi ka naman kumakain ng almusal ah" agad nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Magluto ka ng almusal" matapos niyang sabihin yon ay umalis siya ng kusina.

Tinapos ko na ang paghuhugas ko at nilutian siya ng almusal. Matapos ko siyang lutuan ay tinimplahan ko siya ng kape at dinala ko na yon sa dining table. Nakita ko na siyang pababa kaya aalis na sana ako nang magsalita siya.

"Where are you going?"

"Sa garden"

"No. You stay here" agad namang nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Really? Pati sa garden pinagbabawalan niya 'ko?

"Pati ba naman sa garden ay pagbabawalan mo 'ko?"

"I said stay here"

"No, I won't. Just eat your breakfast and I'm going to the garden"

"Damn! What the hell is wrong with you?"

"What the hell is wrong with you, too? Dati ayaw mokong makita pero ngayon ayaw umalis. Saan ba talaga ako lulugar?"

Bigla siyang natahimik at nag-iwas ng tingin. Sinamantala ko naman yon para umalis at pumunta sa garden para makalanghap ng sariwang hangin. Sa twing nakikita ko siya ay naaalala ko ang tawag na nangyari kagabi at sumisikip lang puso ko. Nakatangin lang ako sa mga bulaklak ng may narinig akong yabag ng paa na papalapit sa akin.

"I'm going to work now"

Hindi ko nalang siya pinansin pero ramdam ko ang mga tingin niyang humahagod sa likuran ko. Narinig ko ang buntong hininga niya bago narinig ang pag-alis niya sa garden.

Maya-maya ay narinig ko na ang pag-alis ng sasakyan kaya pumasok na ako sa bahay namin at kumain saka niligpit ang aming pinagkainan.

Nagpalipas nalang ako ng oras sa pamamagitan ng paglilinis ng bahay, pagbabasa ng libro at pakikinig ng musika. Yun lang ang alam kong paraan para hindi ako maburyong sa bahay. Bawal akong pumunta sa kung saan nang hindi sinasabi kay Haden at kung magsasabi man ako sakanya ay kailangang papayag siya.

Married To A Philandering BastardOù les histoires vivent. Découvrez maintenant