Chapter 25

695 25 0
                                    

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay nakatulog rin agad siya. Marahil ay dahil sa kalasingan. Pero alam ko na kinabukasan ay baka mag-iba ang nararamdaman ko sakanya. Bukas ay ipapaliwanag niya ang nangyari sakanya at doon ko malalaman kung dapat ko pa bang ipagpatuloy 'tong nararamdaman ko sakanya.

Nilinis ko ang mga basyon ng bote na nakakalat sa sahig. Dahil nga nakatulog siya ay napagpasyahan ko na magluto nalang ng hapunan ko. Pumunta na ako sa kitchen at tiningnan ang laman ng ref. Puno ang laman nito amd it is good for 1 week. Tama lang dahil uuwi rin naman kami pagkaraan ng isang linggo.

Nagluto lang ako ng simpleng ulam at sakto naman na may natira pang kanin kaya kumain na ako. Matapos non ay hinugasan ko ito at dumiretso na sa kwarto. Pumunta ako sa veranda at tiningnan ang tanawin.

Sa totoo lang ay maaari akong tumakas gayong tulog na tulog si Haden pero bakit hindi ko man lang magawa? Siguro ay dahil gusto kong marinig ang pinagdaanan nya? O dahil gusto kong makasama siya?

Pinili ko nalang na matulog kaysa isipin kung bakit andito pa rin ako. Alam ko naman sa sarili ko ang dahilan kung bakit hindi ko magawang umalis dito.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nagpunta na ako sa kitchen at andun si Haden na katatapos lang magluto. Nang magtama ang paningin namin ay nginitian niya ako at sinuklian ko rin ito.

"Let's eat now, Lauren" tinanguan ko lang siya at umupo na sa harap niya. Ganun din ang ginawa niya at nagsimula na kaming kumain.

Wala kaming imikan habang kumakain. Pinakikiramdaman lang namin ang isa't isa. Naputol lang ito nang kausapin niya ako.

"Do you want us to talk after breakfast?" nang tingnan ko siya ay nangungusap ang mata niya.

"Diba yun naman ang sinabi mo kagabi?" kita ko naman ang bahagyang pagbagsak ng balikat niya. What does he want me to say?

Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Mas lalo lang naging awkward dahil mas lalo siyang tumahimik.

Matapos naming kumain ay napagpasyahan agad naming mag-usap. Pumunta kami sa sala at naupo ako don. Si Haden naman ay nasa harap ko at mukhang nag-iisip kung saan siya magsisimula.

"You know that I was so jealous in Henson, right? Kasi kapag kasama mo siya lagi kang nakangiti eh. Pero kapag kausap mo ko, ngumingiti ka pero alam kong pilit lang ang mga 'yon, Lauren. Kasi alam ko na natatakot ka sakin"

"Kasi alam ko na sasaktan mo ko, Haden" kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya.

"I know, Lauren. Pero nang sabihin ko sayo na magbabago ako, I mean it. Yung nagpunta tayo sa beach, ginawa ko ang lahat para sumaya ka. Kasi gusto kong bumawi sayo sa mga kagaguhan ko. At mas napalapit naman tayo sa isa't isa after nun. We made love. At alam ko sa sarili ko na gusto kitang buntisin that time para wala ka nang kawala sakin"

"At nagawa mo yon, Haden. Pero hindi mo ko pinaniwalaan"

"I know, Athena. Because I was an asshole that time. Sarado ang isip ko nang mga panahong iyon kasi sobra akong nasaktan, Lauren. Na makikita ko yung asawa ko na may ibang lalaking kasama papunta sa hotel and worst is kapatid ko pa ang kasama niya. Hindi mo alam na halos mabaliw na ko kakaisip kung anong nangyari sainyo"

"I told you, Haden. Those pictures are edited"

"Pero late ko na nalaman yung mga yon. Kasi hindi ko naisip na ipatingin kung edited ba yon o hindi kasi tumutugma yun sa mga kilos mo eh"

"What do you mean, Haden?"

"That time na nakita kong magkayakap kayo ni Henson, kaya ko yung mapalagpas kasi sabi mo na namiss nyo yung isa't isa. Nagtiwala ako sayo, Lauren kasi mahal kita" pinakinggan ko lang siya habang nagpapaliwanag.

Married To A Philandering BastardWhere stories live. Discover now