Chapter 8

732 33 0
                                    

KINABUKASAN ay na-discharge na ako sa ospital. Kasama ko ngayon si Fynn dahil naghahanda na kami sa pag-alis ko. Ayaw pa nga nyang pumayag na hindi siya kasama sa pag-uwi ko dahil baka ihulog daw ako ni Haden sa kotse pag-uwi which is I found it funny. Si Henson at mama ay may inaayos ngayon pero sabi nila ay dadalawin nila ako sa bahay namin mamaya. At si Haden naman ay lumabas muna para bayaran ang bill ko at para bilhin na rin ang mga gamot na nireseta ng doctor. And speaking of that doctor, napapansin ko parang may something sakanila ni Fynn. I also think na parang narinig ko na ang boses niya somewhere bago pa rito sa ospital.

"Sorry, Athena my friend pero kailangan ko talaga sumama para masigurado na walang gagawin sayong masama yang magaling mong asawa. Baka mamaya ay kung saan ka lang nyan dalhin at bigla kang iwan" natatawa nalang ako sa sinabi niya.

"Seriously, Fynn hndi magagawa sakin yon ni Haden" sabi ko at agad naman umangat ang isang kilay niya.

"Really? I don't think so, Athena. Nagawa ka nga niyang gaguhin nang harap-harapan eh yun pa kaya ang iwan ka sa kung saan dahil ayaw ka niyang makasama"

"Di naman sa minamasama kita ah, pero bakit anlaki ng galit mo sa asawa ko? I mean kung ako nga ay kahit anong pananakit niya ay ni minsan hindi lumaki ang galit ko sakanya"

"Athena my martyr friend, para sabihin ko sayo ah, hindi lumaki ang galit mo sakanya kasi MARUPOK ka" she even emphasized the word marupok.

"At sino ba naman ang hindi magagalit sa ginagawa ng asawa mo sayo. Athena kaibigan kita at ayokong ginaganyan ka nila kasi hindi mo deserve yan. Kung ako lang yan ay kinasuhan ko na yang asawa mo ng VAWC" she continued and not minding her surroundings na baka nandyan lang si Haden sa labas at nakikinig sa pinag-uusapan namin.

"Ano ba, Fynn hinaan mo naman yung boses mo oh baka marinig ka ni Haden"

"Aba dapat lang na marinig niya kung gaano siya kagago. Dapat nga ay mahiya siya sa pinaggagagawa niya ano. Grabe siya mang-abuso porque hindi mo siya kayang iwan"

Natigil lang ang pagsermon sakin ni Fynn nang dumating ang doktor para sa kamustahin ako at bilinan ng gagawin. Agad naman siyang tumahimik at tumuwid ng upo. Himala ay hindi niya ako sinermunan nang dumating si Doc.

"Drink your medicines three times a day and don't forget to eat first before taking your meds" agad naman akong tumango sakanya at tini-take down ko ang sinabi niya sa utak ko.

"Also, bawal ka muna magbuhat ng mabibigat and avoid things na nagbibigay sayo ng stress"

"Noted, Doc." I said and nodded my head.

Tumango naman si Doc pero hindi nakaligtas sa paningin ko bahagya niyang pagsulyap kay Fynn. Kita ko ang bahagya niyang pagngisi bago lumabas sa room. Nang sulyapan ko si Fynn ay kita ko siyang kinuha ang cellphone niya at may tinext.

Maya-maya ay dumating na rin si Haden. Agad naman nagsalubong ang kilay ni Fynn at bahagya pa siyang umirap nang makita siya pero hindi siya pinansin ni Haden at dumiretso lang sakin.

"Tapos nako magbayad ng bill at nabili ko na rin yung gamot mo. We should go home na" agad naman akong tumango sakanya at nang kukunin ko na ang gamit ko ay pinigilan niya ako.

"Let me. Hindi ka raw pwedeng magbuhat ng mabigat sabi ng doktor" agad naman umismid si Fynn sakanya at tumango nalang ako. Hinayaan ko na siyang magbuhat ng gamit ko para ilagay ito sa kotse. Papasok na sana kami ni Fynn sa kotse nang magsalita siya.

"Ah Athena sorry pero di kita masasamahan na umuwi may emergency ako ngayon eh" agad namang nakunot ang noo ko sakanya. I smell something fishy ah.

"Pero promise mamaya dadalawin kita sainyo" sabi niya at tinaas pa niya ang kanang kamay niya kaya tinanguan ko nalang siya at agad siyang nagmamadali na umalis.

Married To A Philandering BastardWhere stories live. Discover now