Chapter 9

738 29 7
                                    

Naghahanda ako ngayon dahil pupunta kami ng mall ni Haden. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at nagyaya siyang mamasyal. Simpleng blue off-shoulder at leggings ang suot ko na pinarisan ko ng white flat shoes.

"Are you ready?" nagulat ako nang magsalit si Haden sa likuran ko. Hindi ko kasi napansing pumasok siya.

"Yes" sabi ko na may kasamang pagtango.

Nauna siyang naglakad habang nasa likuran niya ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at sumakay na. Habang nasa biyahe kami ay para akong mabibingi sa sobrang tahimik dahil hindi ko alam kung anong magandang topic ang pag-usapan.

Siguro ay mas maganda na manahimik na lamang ako kesa magsalita nang magsalita.

Dahil sa sobrang katahimikan ay naisipan ko nalang na i-turn on ang radio ng sasakyan para kahit papaano ay umingay naman sa loob ng kotse. Pero parang nananadya yung radio dahil sa kanta nito.

Nothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love

Agad kong nilipat ng ibang station ang radio at ewan ko ba kung nagkataon lang o nananadya talaga siya. Nilipat ko pa ng ibang station dahil hindi maganda ang kantang pinapatugtog nila.

"Wag mo ilipat nang ilipat ng station yan at baka masira" napatango nalang ako at tinigil na ang paglilipat ng station at ang masaklap pa ay ang kantang pinapatugtog ng station. Kasalanan talaga 'to ng DJ.

Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa no'n, nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento

Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng konting kirot sa aking puso nang dahil sa kanta. Masyado kasi itong tagos sa puso.

Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Naaalala ko nanaman ang mga panahon na pupunta siya sa bahay namin para lang ayain akong maglaro.

"Lauren, maglaro muna tayo. Kanina ka pa dyan nagbabasa oh. Hindi mo na 'ko nipapansin"

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa dahil sa sinabi niya. Lagi nalang akong kinikilig lalo na kapag nagbi-baby talk siya, isa na yata yan sa kahinaan ko.

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng...
Da-ra-rat-da, dati
Da-ra-rat-da, dati
Da-ra-rat-da, dati
Na gaya pa rin ng…

Hindi ko na mabilang ang araw at kung ilang beses kong ipinagdasal na sana ay bumalik na kami sa dati.

Dati-rati ay palaging sabay na mag syesta
At sabay rin gigising alas kwatro y medya
Oh, sabay manunuod ng paboritong programa
Oh, kay tamis naman mabalikan ang alaala

Maski sa panaginip ay siya parin ang nandyan. Ang mga alaala naming dalawa kung saan ay masaya kaming magkasama.

'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng…

Alam kong marami na ang nangyari sa aming dalawa pero sana nga.. sana ang pagtingin namin sa isa't isa gaya pa rin ng dati.

Yeah, dati-rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban 'pag nagtataya-tayaan
Pero 'sing tamis ng kendi 'pag nagkakasal-kasalan
Minsan na kaming naglaro noon ng kasal-kasalan at hindi ko malilimutan ang araw na iyon dahil iyon mismo ang araw kung saan sinabi niya sa akin na ako lang pakakasalan niya.

Married To A Philandering BastardWhere stories live. Discover now