Chapter 21

638 32 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon matapos ang nangyari sa amin ni Haden. Patuloy lang ako sa paglalakad habang lumuluha at sa kinamalas-malasan pa ay bigla nalang umulan.

Mukhang nakikidalamhati rin ang langit sakin.

Basang basa na ako ng ulan pero hindi ko ito alintana. Halos wala na talaga akong maramdamang sakit dahil sobra na ang ginawa sakin ni Haden. And speaking of them, sana ay karmahin talaga sila.

Natigil lang ako sa paglalakad nang may bumusina sakin.

"Hoy miss, wag kang pahara hara sa daan nakakaperwisyo ka pa. Kung gusto mo magpakamatay, dun ka pumunta sa ilog at tumalon para di ka makaperwisyo"

"S-Sorry po, manong" patuloy lang ang sa paghingi ng tawad hanggang sa makaalis siya.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad kahit na ansakit na ng paa ko at patuloy sa pag-agos ang luha ko kasabay ng ulan. At natigil lang ulit ito nang may sasakyan na tumigil sa gilid ko. Binaba nito ang bintana ng sasakyan at bumungad sakin si Henson.

Lagi nalang siyang nandyan kapag ramdam ko na tinalikuran na 'ko ng lahat.

"Lauren? What are you doing here? Get inside the car now"

Kahit na pinagtabuyan ko siya ay handa pa rin siyang tumulong sakin.

"I'm okay, Henson. Basa ako at mababasa rin yang kotse mo"

"Don't worry about my damn car, Lauren. Mas importante ang kaligtasan mo kesa sa kotse ko. Buntis ka pa at baka magkasakit ka kapag patuloy kang nagpaulan"

Wala na akong nagawa at pumasok na sa kotse niya. Pinaandar na ito at tumigil kami sa isang convenience store. Kahit na maulan ay sinuong ito ni Henson dahil sabi niya ay may bibilhin siyang importante.

Nang bumalik siya ay may dala siyang towel at tubig. Medyo nabasa rin siya kasi sumuong siya sa ulan. Mayroon rin siyang dalang sandwich. Pumasok na siya sa kotse at inabot sa akin ang mga binili niya.

"Here, Lauren. Take these" sabi niya sabay abot ng tubig at towel.

"Inom ka muna ng tubig kasi naulanan ka. Magpatuyo ka na rin gamit tong towel. My spare clothe ako rito at gamitin mo muna to kasi basang basa ka" sabi niya sabay abot naman sakin ng t-shirt niya.

"How about you, Henson? Nabasa ka rin ng ulan" umiling lang siya sakin at ginulo ang buhok ko.

"I told you that don't mind me, Lauren. Mas kailangan mo yan kesa sakin. Magbihis ka na at baka magkasakit ka pa. Don't worry tatalikod ako para do ka mailang"

Pinatay niya muna ang ilaw sabay talikod sa akin. Agad kong hinubad ang damit ko at pinunasan ang katawan ko. Nang tingnan ko siya ay nakatalikod pa rin siya sakin kaya pinagpatuloy ko na ang pagbibihis ko.

"I'm done, Henson" binuksan na niya ang ilaw at bumaling siya sakin. Nang makita niya na nakabihis na ako ay binigyan naman niya ako ng sandwich.

"Eat this, Lauren. Alam ko na wala ka pang kain. Huwag kang magpapalipas ng gutom dahil baka mapasama kay baby"

Tumango ako sakanya at kinain na ang sandwich. Nagpatuloy lang siya sa pagdrive habang kumakain ako.

"San pala tayo pupunta? May gusto ka bang puntahan?" agad ko namang naisip si Fynn kaya siya ang sinabi ko.

"I don't where she live but you can tell me her address" sinabi ko naman sakanya ang address ni Fynn at tumango lang siya.

Habang nagdadrive siya ay tahimik lang kami kaya nagawa ko siyang tanungin.

"Hindi ka ba magtatanong kung anong nangyari at nagpaulan ako, Henson?" he just shrugged because of my question.

"Alam ko na nagkaroon kayo ng away ni Kuya kasi kung hindi, hindi kita makikita na nauulanan. At ayaw ko namang makialam sainyo dahil away nyo naman yan. I respect you, Lauren at baka hindi ka maging komportable kapag nagtanong ako at gusto ko na ikaw mismo ang magsabi kung anong nangyari sainyo"

Married To A Philandering BastardWhere stories live. Discover now