Chapter 18

549 29 0
                                    

When morning came, I feel like my stomach turn upside down. Agad akong nagpunta sa cr dahil sobra akong nasusuka. Siguro ay may nakain akong sira kagabi?

Haden rushed to me at inaalalayan ako dahil suka ako nang suka sa bowl. Parang halos isuka ko na lahat pati ang intestine ko.

"What happened to you, wife? Bakit ka suka nang suka?" hindi ko siya inintindi dahil parang mas lalo ata akong nasuka.

Nang matapos akong sumuka ay parang nawalan ng laman ang tiyan ko. I washed my mouth at andun pa rin si Haden habang nakatingin sakin. I can see that he's worried on me.

"San mo binili yung kinain natin kagabi? Yun lang naman ang huling kinain ko" nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"It's from my friend's restaurant. At kung may masama man sa kinain mo, bakit hindi man lang nanakit ang tiyan ko? Parehas lang naman ang kinain matin. Baka may iba ka pang nakain kagabi?"

"Wala na, Matt. Yun lang talaga ako kinain ko" mas lalong nangunot ang noo niya at halos isipin na niya lahat ng kinakain ko kahapon.

"Should we go to a hospital later before going to work? Baka may sakit ka, Lauren" I just shook my head.

"No need, Matt. Baka may masama lang sa nakain ko"

"Eh yun na nga eh. Kailangan natin ma-check kung ano yung kinain mo"

"I said no need, Matt" I can see that he didn't like my decision but he just nodded at me.

"Okay, babe. Pero kapag nangyari ulit yon, don't hesitate to tell it to me. Ako na mismo ang magpapadala dito ng doktor ma-check up ka lang" I smile at him and nodded.

"I will, Matt. By the way, anong gusto mong breakfast?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ako nalang ang magluluto, babe. Para masigurado ko na walang masama sa makakain mo. Tell me what you want for breakfast"

"Hmm... I want some egg and ham sandwich. Then some hot chocolate, Matt" I said feeling excited because he will cook for me. Madalas naman niya akong ipagluto pero hindi ko alam kung bakit nae-excite ako ngayon.

Naligo at nagbihis nako. After kong mag-ayos ay bumaba na 'ko at tapos na rin si Haden gawin ang mga nirequest ko. Nang maamoy ko pa lang ito ay nanubig agad ang bagang ko.

"That smells so good, Matt" he just smiled at me and I gave him a quick kiss. Agad naman siyang napangiti at pinaghila ako ng upuan kaya umupo na ako.

Nagsimula na kaming kumain at dala-dalawa pa talaga ang kinakain kong sandwich sa magkabilang kamay.

"You're such a cutie when you eat, wife" I just smiled at him and focused myself on my sandwiches.

Nang matapos kaming kumain ay nagligpit na rin. Ako na ang naghugas ng pinggan namin at si Haden ay naligo na. After kong maghugas ay hindi pa rin nakakababa si Haden kaya nagcellphone nalang muna ako at bumungad sa akin ang message ni Fynn.

Fynn:
Let's go shop later. Bawal ang tumanggi,
okay? Ako na mismo magpapaalam sa
asawa mo pag umayaw ka.

Napangiti naman ako at nireplyan siya.

Me:
Sure, Fynn. What time?

Fynn:
Maybe 1 o' clock? Lunch ka na rin agad.

Me:
Okay. See you later.

Fynn:
See yah. And by the way, it's a girl bonding
so bawal mo isama ang asawa mo.

I just chuckled at her reply at yun ang naabutan ni Haden pagbaba niya.

"Who's that?" he said at nakataas pa ang isa niyang kilay.

Married To A Philandering Bastardजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें