Chapter 2

811 42 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mata. Naghilamos muna ako saka nagtooth brush bago ako bumaba para handaan ng pagkain si Haden. Gusto niyang pagbaba niya ay may nakahanda ng pagkain. Nagsangag nalang ako at nagluto ng tocino, hotdog at omelet. Pagkatapos nun ay nagtimpla na ako ng kape ay hinintay ko
nalang ang pagbaba niya. Kahit naman lagi niyang pinapaalala sa akin na ayaw niya akong makita ay wala naman siyang magagawa.

Natapos na ako sa paghuhugas ng pinaglutuan ko pero hindi ko pa nakikitang bumaba si Haden. Madalas ay pagkatapos kong maghugas ay tapos na siyang kumain saka ko liligpitin ang pinagkainan niya. Pinuntahan ko siya sa office niya dito sa bahay pero bago pa ako kumatok ay dinig na dinig ko na ang halinghing at ungol mula sa loob.

"Sh*t, Haden you're so good. Ahh... ahh... uhmm... fvck me harder, baby. Fvck me hard, fast and rough." para akong tinutusok ng ilang libong karayom dahil sa narinig ko. Lagi naman ganyan ang senaryo namin tuwing umaga pero hindi pa rin ako sanay. Ayaw ko din sanayin ang sarili ko. Hindi ko alam kung kailan pa nagpunta ang babae niya samantalang wala naman siyang kasama kagabi.

Bumaba nalang ako at niligpit ang mga hinain ko. Bababa nalang siguro siya kung gutom sya. Kung tapos na siyang makipagtalik sa babae niya.

Tulad ng dati ay pumunta ako sa garden. Dito nalang kasi yung pwesto kung saan payapa ang nararamdaman ko. Medyo malayo kasi ito sa mga kwarto kaya hindi mo maririnig ang mga ingay na magmumula roon. Nagugutom na ako pero wala akong ganang kumain. Anlaki na nga raw ng binawas ng timbang ko magmula nang ikasal kami ni Haden.

Nagmumuni-muni ako ng may narinig ako yabag ng mga paa na papunta sa direksyon ko. Kahit hindi ko makita ay alam ko na kung sino 'yon base sa pabango niya. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil alam kong masasakit na salita lamang ang maririnig ko. Walang araw na hindi niya ako sinusumbatan at pinagsasalitaan ng masama. Laging sinisisi na ako raw ang sumira sa buhay niya.

"Bakit nandito ka? Hindi ba dapat naglilinis ka ng bahay? Kahit kailan ay wala ka talagang silbi" tumango na lamang ako at humarap sakanya. Ayaw ko nalang sumagot at baka kung saan pa humantong. Mapapagod din naman siguro siya sa kakasumbat sa akin.

"Naghanda na ako ng almusal mo" yun lang ang sinabi ko at umalis na nang kabigin niya ang kamay.

"Sumabay ka na sa akin mag-almusal" malamig na tonong sabi niya saka nagpatiuna.

Simpleng bagay lang naman yun pero di ko alam kung bakit kinikilig ako. Siguro ay dahil minsan lang niya sabihin na sumabay ako ng kain sakanya. Madalas kasi ay hiniintay ko pa syang matapos na kumain o hindi kaya ay hindi na ako nakakakain dahil pagkatapos niyang kumain ay makikita ko na lamang ang sobrang pagkain na nasa basurahan na.

Nakaupo na sya nang makita ko siya sa dining table kaya pinagsandok ko muna siya bago ako maupo. Hindi pa ako nakakasandok ng kakainin ko nang magsalita siya. "I've changed my mind, umalis ka harapan ko". Naramdaman ko na kumirot ang puso ko. Ano pa bang aasahan ko? Ni anino ko nga ay ayaw niyang makita eh. Masyado akong naging assuming
kanina.

Wala akong nagawa kundi ang pumunta ulit sa garden. Iniisip ko kung nasaan na ba ang babaeng kaniig niya kanina, siguro ay pinaalis na niya ito. Mahigit isang oras akong nag-antay bago ako bumalik ng kusina. Siguro naman ay tapos na siyang kumain.

Pagkarating ko dun ay wala na siya at tanging pagkain at pinagkainan nalang niya ang naiwan. Kumuha muna ako ng plato saka kutsara at tinidor sa kusina. Sigurado naman ako na nakaalis na siya at pumasok sa trabaho kaya kumain na ako. Nagugutom na talaga ako kaya nagsimula na akong kumain.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang platong ginamit namin. Sanay na ako sa gawaing-bahay kaya hindi na problema sa akin kung wala kaming katulong. Simula bata pa ako ay minulat na sakin ni Mommy na kahit mayaman ka ay kailangan mo pa ring matuto sa gawaing-bahay. Marami naman akong natutunan pero mas nag-enjoy ako sa pagluluto. Gusto ko kasing ipagluto ang mga taong mahahalaga sa akin.

Married To A Philandering BastardOnde histórias criam vida. Descubra agora