Chapter 29

1K 50 19
                                    

Malamig na bagay ang gumising kay Jace mula sa pagkakatulog niya. Umubo-ubo pa siya at halos kapusin ng hangin dahil para siyang nalulunod nang magising.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang  hapdi at kirot sa bandang batok at ulo niya.

Akma sana niyang hahawakan ang ulo nang hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay. Nakita niyang nakaupo siya sa isang bakal na upuan habang nakagapos sa likod ang mga kamay.

Sandali pa siyang nag-isip kung nasaan ba siya at kung bakit siya nakatali. Nang maalala niya ang kinakaharap nilang sitwasyon ng mga oras na iyon ay bigla niyang naisip ang mag-iina niya. I-a-angat na sana niya ang kanyang ulo upang hanapin ang mag-iina niya nang makita niya ang isang pares ng sapatos sa harapan niya.

Nang tingnan niya kung sino ang nasa harapan niya ay bumungad sa kanya ang mga taong dumukot sa mag-iina niya. May hawak ang lalaki na timba ng tubig na hula niya ay ibinuhos sa kanya dahil basa na ang buo niyang katawan habang nakaupo naman at abala sa paglalagay ng bala sa baril nitong hawak ang ama ni Javier. Para itong demonyo na nakangising nakatingin sa kanya.

Agad niyang inilibot ang kanyang paningin upang hanapin ang mag-iina niya. Nakita niyang nakatayo si Beatriz sa harapan niya habang nakatali ang mga kamay at umiiyak ito. Habang si Kaleb naman ay nakaupo rin sa upuan gaya niya at nakagapos din ang katawan, medyo malapit si Kaleb sa pwesto niya. Umiiyak ito at pilit na tinatawag si Beatriz. Halata rin ang takot sa iyak ng bata.

"Beatriz..! Kaleb..!" Sigaw niya habang nagpupumiglas siya sa pagkakatali niya. "Mga hayop kayo!!Pakawalan nyo ako dito!" Pilit niyang iginagalaw ang sarili upang maalis sa pagkakagapos ang katawan niya. Itinaas pa niya ang kanyang paa upang sipain ang lalaki sa harapan niya. Ngunit tinawanan lamang siya nito nang mahina ng hindi niya ito naabot.

"J-Jace.." Humahagulgol na iyak ni Beatriz. Naaawa siya sa itsura nito dahil halata na ang pagod at panghihina.

"Hayop ka! Lumaban ka ng patas. Huwag kang magtago sa likod ng babae at ng bata!!" Galit niyang sigaw sa ama ni Javier. Matalim niyang tinititigan ito.

Tumawa si Mr. Chen saka ito umiling. "Wala ka sa posisyon para turuan ako. Hindi ba sabi ko sayo na hawak ko ang mga buhay nyo?"

"Ano bang kailangan mo sa amin?! Ano bang kasalanan namin sayo?!" Sigaw muli ni Jace.

Tumayo si Mr. Chen saka ito naglakad-lakad sa harapan nila.. "Kasalanan? Hmm? Hindi nyo alam kung ano ang kasalanan nyo?! Malaki ang kasalanan nyong lahat. Malaki ang pagbabayaran nyo sa akin dahil pinatay nyo ang anak ko..!"

"...Hindi namin pinatay ang anak mo. Wala kaming dapat pagbayaran sayo. Kayo dapat ang nagbabayad. Dahil sa lahat ng kahayupang ginawa ng baliw mong anak!"

Mabilis na lumapit si Mr. Chen kay Jace saka siya hinampas ng baril sa mukha.

"Jace..! Oh my god..!" Umiiyak na sigaw ni Beatriz.

Dahil sa lakas ng pagkakahampas nito ay napabaling ang ulo niya at nakaramdan siya ng bahagyang pagkahilo. Agad na dumugo ang pisngi niya at pumutok ang labi dahil sa sugat na natamo.

Imbis na matakot ay idinura muna niya ng dugo sa bibig saka tumingin sa ama ni Javier at ngumisi dito.

"Tama naman ako hindi ba? Baliw ang anak mo at hindi nakapagtataka, dahil may pagmamanahan siya. Dahil baliw ka rin!"

Muli siyang nakatikim ng malalakas na suntok sa sikmura niya at mukha. Halos duguan na ang buo niyang mukha at umuubo na rin siya ng dugo.

"Tama na!! Parang awa mo na tigilan mo na yan...!" pagmamakaawa ni Beatriz sa ama ni Javier.

Huminto ito at ngumiti saka tumingin kay Beatriz. Parang tuwang -tuwa ito na nakikitang halos maglupasay si Beatriz sa pagmamakaawa.

Lumapit ito kay Beatriz. At dahil sa takot na baka saktan nito si Beatriz ay muling nagpumiglas si Jace sa pagkakatali saka siya sumigaw.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentWhere stories live. Discover now