Chapter 7

1.1K 48 14
                                    

Pagkarating nila Beatriz sa pilipinas ay agad silang dumeretso sa bahay ng Tita Amelia niya na kapatid ng kanyang ama at ina ni Lexie.

Ito lamang ang maaari niyang mahingian ng tulong dahil sigurado siyang sa mga oras na iyon ay hinahalughog na ni Javier ang lahat ng maaari niyang puntahan makita lamang siya.

Nang makarating sila sa bahay ng Tita niya ay gulat na gulat ang mga ito na makita silang mag-ina sa labas ng bahay nito ng walang pasabi.

Sinong bang hindi magugulat kung bigla na lamang silang susulpot ng walang pasabi man lang.

Agad silang pinapasok sa loob ng bahay saka niyakap ng Tita niya at ng pinsan na si Lexie.

Isa nang ganap na doktor si Lexie at may ospital itong pinamamahalaan ngayon. Nasa dugo at angkan ng daddy nito ang pagiging doktor kaya hindi nakapagtataka na sa ganon ding larangan malinya ang pinsan niya.

"Anong nangyari sa inyo?" Nag-aalalang tanong ng Tita niya. "Ang daddy mo nasaan siya? Bakit kayo lang?"

Hindi nagsalita si Beatriz. Namuo agad ang luha niya sa mata at tuluyan na itong lumandas sa kanyang pisngi, kaya lalong naalarma ang mga ito at nag-aalalang yumakap sa kanya.

"T-Tulungan nyo kami. Si d-daddy tulungan nyo siya." Umiiyak niyang ani.

Nagtatakang nagkatinginan ang Tita Amelia niya, si Lexie at maging ang ama ni Lexie na si Tito Nestor.

Ikinwento niya ang lahat sa mga ito pati na rin ang nangyaring paghabol sa kanila sa airpot bago sila nakarating ng pilipinas.

Umiiyak ang Tita Amelia niya habang nagkekwento siya dahil sa pag-aalala nito sa kanyang ama na kapatid nito.

"Oh my god! Wǒ de xiōngdì zài nǎlǐ? (where's my brother?)." Umiiyak na ani ng Tita Amelia niya.

Lumapit ang ama ni Lexie dito saka niyakap ang asawa nito.

"Honey, huwag kang masyadong mag-alala. Tumawag na ako sa konsulado ng amerika at ipinapahanap ko na ang kapatid mo." Pagpapakalma ni Tito Nestor sa asawa.

"Buti nakatakas kayo? Paano na lang kung hindi." Ani naman ni Lexie habang buhat buhat nito ang anak niya.

"Pasalamat na lang kami at hindi nila kami nakita. Iniisip ko na lang sa mga oras na yon na maitakas si Kaleb. Pero hindi ko maiwasang makonsensya dahil iniwan ko si daddy na mag-isa." Aniya habang umiiyak.

"Huwag kang mag-alala Beatriz. Ipapahanap ko ang daddy mo. Marami akong kilalang magaling na fbi sa America at sigurado akong matutulungan nila tayo." Ani ng Tito Nestor niya.

Tumango siya at bahagyang nabuhayan ng loob dahil sa sinabi nito sa kanya.

"Tita, Tito. Pwede po bang dumito na muna kami? Hindi po kami pwedeng umuwi sa dati naming bahay dahil sigurado akong matuntunton kami ni Javier doon."

Parehong tumango ang mag-asawa. Tumayo ang tita niya at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Dito na kayo tumira hanggat hindi natin nahahanap ang daddy mo. Hanggat nasa panganib ang buhay nyo, saka na kayo lumipat kapag maayos na ang lahat."

"Tama, simula bukas ay magpapatawag ako ng mga security na magbabantay dito sa bahay at magiging bodyguard nyo ni Kaleb." Ani naman ni Tito Nestor.

Pilit siyang ngumiti sa mga ito upang kahit papaano ay mabasawan ang pag-aalala ng mga ito. "Maraming salamat po sa inyo."

"Iha, hindi ka ibang tao. Pamangkin kita kaya natural lang na tulungan kita. At saka isa pa, pamilya tayo at ang pamilya ay nagtutulungan."

Tumango siya sa mga ito. Kahit papaano ay makakahinga siya ng maluwag dahil alam niyang ligtas sila sa puder ng Tito Nestor niya. Isa sa pinakamayaman sa bansa ang pamilya Hernandez. At tiyak niyang mapoproteksyunan siya ng mga ito.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz