Chapter 15

1.1K 45 21
                                    

Nang matapos ang naging hapunan nila ay dumating ang isang operatiba na galing sa investigation team ng departamento at dinala ang report na hinihintay ni Jake.

Pumwesto sila sa sala upang doon ay pag-usapan at pagplanuhan ang mga dapat nilang gawin upang mahuli si Javier na ngayon ay wanted na sa batas.

Binasa rin ni Jake sa kanila ang report na natanggap nito lalo na ang mga kasong kinasasangkutan ni Javier sa mga lumipas na taon.

"Ayon dito, may dalawang kaso si Javier na hanggang ngayon ay unsolved case at hindi pa nabibigyan ng hustisya ang mga biktima. Ang una ay kasong rape sa kasambahay nila noong college pa siya na hindi pa rin nabibigyan ng hustisya dahil tinakot ang biktima nito at binayaran nila ang pamilya upang manahimik. Hindi na nabuksan pang muli ang kaso kaya hanggang ngayon ay nakabinbin ito sa korte. Ang ikalawa naman ay homicide at same sa naunang case na hindi pa rin nabibigyan ng hustisya dahil sa takot ng pamilya."

Hinawakan ni Jace ang kamay ni Beatriz ng magsimula itong manginig. Kita ni Jace ang takot sa mukha nito kaya hinalikan niya ang kamay nito upang kahit papaano ay makabawas sa pag-aalala nito.

Tumingin si Beatriz kay Jace nang maramdaman niya ang paghalik nito sa kamay niya. Pinilit niyang ngumiti upang hindi ito masyadong mag-alala sa kanya.

Ngayon ay alam na ni Beatriz at malinaw na sa kanya kung bakit ayaw na ayaw ng kanyang mga magulang na mapunta siya kay Javier.

Isa itong demonyo at masamang tao. At alam niyang mapapahamak siya kapag napasakamay siya nito.

Kung totoo man, na ito ang may pakana sa aksidente nila noon ng mommy niya ay titiyakin niyang pagbabayaran nito ang kahayupang ginawa nito sa pamilya niya.

Sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa kulungan. Kung hindi lamang masama na ipagdasal na mamatay na ito ay ginawa na niya, ngunit hahayaan na lamang niya na batas ang umusig dito at maningil.

"Pwede pa kaya nating buhayin ang kaso para mabulok na siya sa kulungan? Mas maraming kaso mas mahihirapan siyang makalabas, right? At para mabigyan din ng hustisya ang mga biktima niya noon?" Ani ng Tito Nestor ni Beatriz.

Tumango si Jake saka ito sumagot. "Actually, nasa custody na po namin yung babaeng ni-rape niya noon. Nang malaman niya na sasampahan namin ng kaso si Javier dahil sa patung-patong nitong asunto, eh, hindi kami nahirapan upang kumbinsihin siya dahil siya mismo ang pumayag. Lalo na't may matibay siyang ibidensya."

"Ano po yon, sir?" Tanong ni Jace sa kapitan nila.

"Nagbunga ang panggagahasa ni Javier sa kasambahay nila. At alam ito ng mga magulang ni Javier na pilit pinagtatakpan. Kapag napatunayan sa korte ay maaaring makulong din ang mga magulang ni Javier dahil sa pagtatakip nila sa krimen ng anak nila."

Kumuyom ang kamao ni Beatriz dahil sa narinig niya. Hindi niya alam na ganon kasama ang pamilya ni Javier upang pagtakpan at kunsentihin ang lahat ng kahayupan na ginagawa nito.

Ang malaking tanong sa kanya ngayon ay kung alam ba ito ng community nila. Dahil kung alam ito ay tiyak niyang matagal nang naalis ang pamilya ni Javier sa samahan nila.

Lihim naman nagpasalamat si Jace dahil kahit papaano ay umuusad ang imbistigasyon sa kaso ni Beatriz. Kailangan lamang nilang maging maingat at magpakatatag sa lahat ng sitwasyon. Konting panahon na lang at matatapos din ang lahat. Matatahimik din sila lalo na ang mag-ina niya.

Nayakap ni Jace si Beatriz dahil sa pag-asang nararamdaman niya. Kailangan na lamang ay mahuli si Javier at maikulong ito sa lahat ng kaso na kinakaharap nito.

"Beatriz."

Pareho silang napatingin kay Jake nang tawagin nito ang pangalan ni Beatriz.

Kita nila ang pagbuntong hininga nito bago nagsalita.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentWhere stories live. Discover now