Chapter 8

1.1K 48 13
                                    

Kapapasok pa lamang ni Jace sa loob ng opisina nila ng bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Hiro.

Hindi pa nga nag-iinit ang puwet niya sa upuan ay may iniuutos na ito agad sa kanya.

"Sige na bud. Nasa grocery store si Aria ngayon. Baka umuusok na yung ilong non sa galit at saka maawa ka sa asawa ko buntis yon, bud." Pagmamakaawa nito sa kabilang linya.

"Tang na ka, bakit parang kasalanan kong binuntis mo yong asawa mo?" Aniya habang nagkakamot ng noo dahil sa inis niya dito.

Hindi naman ito madalas humingi ng pabor. Sadyang pagod lang siya at binulabog nito ang sana'y pagpapahinga niya.

Tinawanan siya ng ibang kasamahan dahil sa sinabi niya dito. Tiningnan niya ang mga ito at naiinis na itinaas ang gitnang daliri niya.

Masaya sana sila kung kompleto sila. Yon nga lang ay tatlo na ang nalalagas sa kanila.

Unang nawala ay si Salvador, sumunod naman ay tuluyan na silang iniwan ni Choi at hindi nila aakalain na mawawala rin Ruiz at aalis sa serbisyo. Hindi niya alam kung mabubuo pa ba ang grupo nila.

"Bud, ikaw ang ni-request niya na sumundo sa kanya. Ewan ko ba don sa dami ng pwedeng paglihian yang pagmumukha mo pa." Ani ni Hiro.

Humagalpak ng tawa ang lahat dahil naka loudspeaker ang cellphone niya kaya narinig ng mga ito ang sinabi ni Hiro.

"Tang na ka. Maswerte ka nga at gwapo yang pinaglilihian ng asawa mo." Pang-iinis niya dito.

Napapalatak si Hiro na para bang ayaw nitong pumayag sa sinabi niya.

"Kapag yang anak ko talaga naging kamukha mo isusumpa kitang hayop ka." Ani muli ni Hiro.

Walang ginawa ang iba nilang kasamahan sa loob ng opisina kung hindi tumawa sa kanilang dalawa.

"Gago!... Asan ka ba kasi? Bakit hindi ikaw ang sumundo sa asawa mo?" Natatawa niyang ani.

Dinig nila ang pagbuntong hininga nito bago sumagot. "Ipinatawag ako sa taas. May importanteng meeting kaya kailangan kong dumalo."

"Iba talaga kapag mataas na ang ranggo." Tumatawang ani ni Kurt.

"Bud, pakitaas mo nga ang gitnang daliri mo at pakitutok kay Alvarez. Tapos pakisabi sa kanya na 'fuck you' siya." Ani ni Hiro kaya humagalpak silang lahat ng tawa.

Napailing na lamang si Jace dahil sa kalokohan ng mga kasamahan niya. Ito ang isang bagay na hindi niya kayang ipagpalit sa kahit ano. Ang samahan nila at turingan na parang magkakapatid.

Kaya noong ipinakilala ni Choi si Beatriz bilang asawa nito ay lumayo siya dahil pinapahalagahan niya ang grupo nila at may respeto sila sa isa't isa.

Masakit para sa kanya ngunit tapos na ang lahat sa kanila. Nagalit siya at nasaktan ngunit hindi na maibabalik pa ang lahat. Tinanggap na niya noon ang katotohanang hindi para sa kanya si Beatriz. At kahit durog na durog siya lalo na nang malaman niyang buntis ito sa anak nila ni Choi ay wala siyang nagawa pa, kung hindi umiyak at magpakalango sa alak.

"Sige na, ako na ang bahala kay Aria. Gago ka may utang ka sa akin ah." Aniya.

"Salamat bud. Sige, sige ililibre kita ng fishball, promise." Tumatawang ani ni Hiro bago nito pinutol ang linya.

Napailing siya habang kinukuha niya ang shoulder holster niya na nasa ibabaw ng kanyang mesa.

Tumayo si Robles saka tinapik ang balikat niya.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentWhere stories live. Discover now