Chapter 10

1.2K 52 28
                                    

Nagulat si Jace ng bigla siyang hilahin ng mga kasamahan niya at dalhin sa bakanteng kwarto na siyang pahingahan nila kapag dinadalaw sila ng antok o may magdamag silang trabaho.

Maging si Beatriz ay hindi nakaligtas sa mga ito at ikinulong din sa kwarto kasama niya.

"Mag-usap kayong dalawa dyan. Walang lalabas sa inyo ng hindi napag-uusapan ang lahat, okay?!" Ani ni Robles saka nito isinarado ang pinto.

Dinig pa nila ang bulungan ng mga kasamahan niya sa labas ng kwarto.

Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Walang nagtangkang magsalita hanggang halos sabay silang magsalita.

"Ahm.."

"Ah.."

Tumikhim si Jace saka bahagyang umiwas dito.

"S-Sige ikaw na ang mauna." Ani Beatriz.

Napakamot ng batok si Jace saka muling tumingin sa magandang mukha ni Beatriz. Hindi niya maiwasang hindi tingnan ang namumula nitong labi dahil para siyang naaakit na halikan ito.

Muli siyang tumikhim at umiwas ng tingin kay Beatriz dahil baka hindi niya mapigil ang sarili at masiil niya ito ng halik.

"P-Pasensya ka na sa mga kasamahan ko ah. Minsan talaga may mga saltik ang mga iyon." Ani Jace.

Umiling si Beatriz at mahinang natawa.

Muli silang natahimik. Nakaupo si Beatriz sa ibaba ng double deck na naroroon habang nakahalukipkip at nakasandal sa pader si Jace.

"Kumusta ka?!" Sabay muli nilang ani.

Humugot ng malalim na hininga si Jace saka ito umupo sa tabi ni Beatriz.

"Kumusta kayo ng anak mo? Ikaw kumusta ka?" Tanong ni Jace.

Nakayuko lamang si Beatriz habang nagsasalita si Jace. Ang totoo ay kanina pa niya pinipigilan ang mga luha niya.

Gustong-gusto niyang lumundag dito at magpakulong sa mga bisig nito ngunit pinapangunahan siya ng hiya.

Gusto niyang isumbong kay Jace lahat ng masasakit na pinagdaanan niya ngunit hindi niya magawa dahil alam niyang sinaktan niya ito.

"A-Ahm... O-Okay naman kaming mag-ina. Kababalik lang namin galing America." Tipid niyang sagot. Pinipigilan niya ang mautal dahil nanginginig na ang boses niya.

"Mabuti kung ganon. Masaya ako para sayo. At hangad ko na maging mas---."

"I-Im sorry." Sansala ni Beatriz sa sana'y sasabihin ni Jace.

Natigilan si Jace saka bumuntong hininga.

"Tapos na yon. Matagal ko ng natanggap ang lahat." Anito.

Ang luhang kanina pa pinipigilan ni Beatriz ay tuluyan nang dumaloy sa kanyang pisngi.

"At saka tama ka naman noon, hindi tayo bagay, mayaman ka samantalang ako mahirap lang.."

"No...!" Umiiyak na humarap si Beatriz kay Jace kaya nagulat ito dahil puro luha na ang buong mukha nito.

At isa ito sa kahinaan niya pagdating kay Beatriz. Ang makitang umiiyak ito.

"No..! Minahal kita kung ano ka. At wala akong pakialam kung mayaman ka man o mahirap...!"

Ngumiti si Jace ng mapait dito. "Salamat kung ganon." Aniya saka umiwas ng tingin kay Beatriz.

Kailangan niyang tiisin ang sarili. Hindi na maaaring magpadala siya sa pagiging mahina niya dito. Oo mahal niya ito ngunit kailangan na niyang tapusin ang lahat ng nararamdaman niya para dito. Gusto na niyang lumaya sa nakatali niyang pagmamahal para kay Beatriz.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentМесто, где живут истории. Откройте их для себя