Chapter 23

1K 48 4
                                    

"Bakit mo ginawa yon? Bakit mo pinatay si Javier? Bakit inilagay mo sa mga kamay mo ang batas? Sana ibinigay mo na lang siya sa amin para batas ang umusig sa lahat ng kasalanan niya." Ani Jace sa kausap.

Dinig niya ang pagbuntong-hininga ni Victoria saka ito sumagot.

"Evangelista, hindi tao ang pinag-uusapan natin dito, dahil demonyo ang Javier na yon. At hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagpapahirap sa kapatid ko. Alam mo ba kung bakit binabantayan ko si Beatriz noon, iyon ay dahil ayokong maranasan ni Beatriz ang paghihirap na dinanas ko sa mga demonyong tulad ni Javier. Kulang pa ang ginawa ko sa mga kasalanang ginawa niya. Hindi lang sa kapatid ko at maging sa ibang tao. Pasalamat pa nga siya dahil pinabayaan ko siyang mabuhay pa ng matagal noon, dahil kung ako lang ang masusunod matagal na siyang burado sa mundo."

This time ay si Jace naman ang bumuntong-hininga. Ramdam niya ang matinding galit sa boses ni Victoria. Ngunit hindi siya maaaring manahimik na lang sa ginawa nito. Labag sa batas ang ginawa nito at alagad siya ng batas. Kaya sasabihin niya ang gusto niyang sabihin at wala na siyang pakialam pa kung isa sa mga kinatatakutang assassin ang kausap niya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay masabi niya dito ang gusto niyang sabihin.

"Kahit na, hindi mo pa rin dapat ginawa yon. May batas tayong sinusunod Victoria at iyon ang dapat manaig."

Tumawa si Victoria dahil sa sinabi niya saka ito pumalatak. "Matagal na akong hindi naniniwala sa   batas nyo, Evangelista. Walang batas sa mga taong demonyo at halang ang kaluluwa na tulad niya at baka nakakalimutan mo, hindi kami sumusunod sa batas nyo dahil batas namin ang umiiral sa mundong ginagalawan ko. Mamamatay ang mga taong gusto naming mamatay. Ngayon, itigil mo yang pangangaral mo sa akin dahil may importante akong sasabihin sayo. At hindi kasama sa mga oras ko ang pangangaral mo."

Napabuntong-hininga muli si Jace saka ito umiling na para bang sumusuko. Ano bang aasahan niya sa tulad ni Vctoria. Alam naman niyang matagal ng tinalikuran ng mga ito ang gobyerno at ang bansang kinagisnan ng mga ito. Alam niyang nakikita siya ni Victoria sa mga oras na iyon.

Napangiti naman si Victoria nang masilip niya mula sa lens na hawak niyang baril ang pagkadismaya ng mukha ng nobyo ng kapatid.

"Ano ba yong importante mong itinawag?"

"Gusto kong buwagin nyo ang sindikatong kinabibilangan ni Javier. Maaaring magdala iyon ng kapahamakan sa mag-iina mo kaya unahan mo na sila."

Nagsalubong ang kilay ni Jace dahil sa narinig niya dito. Para kasi itong nagpapabili lang ng kendi sa tindahan. At para bang kay dali ng ipinapagawa nito. Mahabang proseso ang paghuli at pagpapakulong ng isang tao. Kailangan ng masusing imbistigasyon upang makakakalap ng mga  ibidensya bago sila mahuli at maipakulong.

"Paano ko naman gagawin yon, aber? Alam mong kailangan pa naming imbistigahan lahat ng taong sangkot at nakapaligid sa kanya."

"Hindi nyo na kailangan pang gawin yon. May ipapadala ako sa inyong listahan ng mga kasapi ng sindikato at mga ilegal nilang transaksiyon. Now, do your job and make ate Victoria proud."

Dahil sa narinig ni Jace ay natigilan ito at bahagyang namula ang mukha at tainga niya kaya napayuko siya. Ilang beses din siyang tumikhim habang si Victoria naman ay humalakhak sa kabilang linya.

"Do you like that, huh?" Nang-aasar na ani VIctoria habang tumatawa ito.

Naiinis namang umungol si Jace saka ito sumagot habang nagkakamot ng batok. "Shut Up...!"

Lalong tumawa ng malakas si Victoria. Gusto na niya itong babaan ng telepono kaya lang ay baka may importante pa itong gustong sabihin kaya naman iniba na lamang niya ang usapan.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentWhere stories live. Discover now