Chapter 22

1.1K 50 19
                                    

Matapos nilang kumain ay agad silang nagbihis upang pumunta sa headquarters.

Hindi alam ni Beatriz kung ano ang mararamdaman niya matapos sabihin ni Jace sa kanya na kailangan nilang pumunta sa headquarters dahil may balita na ang mga kasamahan nito tungkol sa paghahanap kay Javier.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Beatriz ng mga oras na iyon. Ngunit mas nangingibabaw dito ang matinding takot at pag-aalala sa kung ano mang malalaman nila tungkol sa kaso laban kay Javier.

Halos isang buwang mahigit din itong hinahanap ng mga otoridad upang panagutin sa kasong isinampa nila para dito at upang harapin ang iba pa nitong asunto. Hiling lamang ni Beatriz na sana ay may maganda itong resulta. At sana ay matapos na ang lahat upang makapamuhay na siya ng tahimik kasama ang mga taong mahal niya sa buhay.

Kinakabahan at halos namamawis na ang palad niya nang makarating sila sa headquarters ni Jace. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at halos kapusin siya ng hininga. Dinig na dinig niya ang bawat tibok ng kanyang puso kaya naman napahawak siya sa dibdib.

Napatingin sa kanya si Jace at nag-aalala itong humawak sa kamay niya. Pinagsalikop nito ang palad nila saka siya nito ginawaran ng halik sa noo.

"Love..."

"H-Hmm?"  Ani Beatriz saka ito tumingala upang tumingin sa mukha ni Jace.

Iniharap ni Jace si Beatriz sa kanya saka niya sinapo ang mukha nito. Buong pagmamahal niya itong tiningnan sa mukha habang hinahaplos ng mga daliri ang pisngi ng kasintahan.

"Don't worry too much. Magiging maayos din ang lahat. Baka makasama sayo at sa baby natin." Nag-aalalang ani Jace.

Ngumiti si Beatriz saka siya tumango upang kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala nito para sa kanya. Hindi siya maaaring magpadala sa emosyon niya dahil may munting anghel na naninirahan sa loob niya ngayon. At tama si Jace dahil maaaring makasama sa kanilang dalawa kung magpapadala siya sa emosyon niya.

"Everything's going to be okay, Love. Matatapos din ang problema natin. Pangako, nandito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari."

"Promise?" Tanong ni Beatriz na sinagot naman ni Jace ng ngiti bago ito yumakap sa kanya. Gumanti naman siya ng mahigpit na yakap dito.

"Let's go?"

Ngumiti at tumango si Beatriz saka sila sabay na pumasok sa loob ng headquarters. Agad nilang tinungo ang quarters nila Jace. 

Nang makapasok sila ay napatingin sa kanila ang lahat ng tao na naroroon sa loob ng opisina. Ngunit napako ang tingin ni Beatriz sa isang tao na hindi niya inaasahan na makikita niya. Ilang buwan ding hindi niya ito nakita at sobra siyang nag-alala para dito.

Agad na nanlabo at nanubig ang mata niya. Halos hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya nang  makita niya ang nakangiti niyang ama na nakadipa ang mga braso at masuyong nakatingin sa  kanya.

"D-Dad?!" Umiiyak niyang ani.

Tumayo mula sa pagkakaupo ang kanyang ama saka ito lumapit sa kanya at niyakap siya nito ng mahigpit. Humahagulgol siya sa pag-iyak na yumakap din dito.

"Daddy...!" Pakiramdam ni Beatriz ay safe na safe siya habang nakayakap sa kanyang ama. Alam niyang safe siya kay Jace ngunit iba ang pakiramdam para sa kanya na malaman na nasa tabi na niya ang kanyang ama. Pakiramdam din niya ay para siyang bata na may mapagsusumbungan na  siya sa lahat ng nangyari sa kanya.

"Sshhh! Tahan na. Baka makasama sayo at sa apo ko." Anito habang hinahagod ang likod niya.

Napa-angat ng tingin si Beatriz at mariing tumingin sa kanyang ama.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentWhere stories live. Discover now