Chapter 12

1.3K 57 29
                                    

Warning: Mature Content | R-18

Matapos ang nangyaring aminan sa pagitan nilang dalawa ni Jace ay inihatid na siya nito sa bahay ng kanyang Tita Amelia.

Tahimik na nagmamaneho si Jace ng sasakyan habang nasa passenger seat siya katabi nito. Mahahalatang seryoso ang mukha nito habang deretsong nakatingin sa kalsada.

Maya't-maya niya itong sinusulyapan dahil sa pagiging seryoso nito. Mukhang malalim rin ang iniisip nito habang abala sa pagmamaneho.

Umayos sa pagkakaupo si Beatriz at humarap siya kay Jace. Tinitigan lamang niya ito habang seryosong nagmamaneho sa tabi niya.

Napangiti siya nang maalala ang nangyari sa opisina nila. Ang paghalik nito sa kanya. Ang pag-amin nito na hanggang ngayon ay mahal pa rin siya nito.

Hindi siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito. Na pareho nilang tiniis ang isa't-isa at pareho silang nangulila.

Ang totoo ay hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman sa mga oras na iyon. Alam niyang basta kasama niya si Jace ay masaya na siya. At alam din niya na matatanggap nito si Kaleb ang anak nila ni Kevin.

Nawala ang malalim niyang pag-iisip at pagtitig sa gwapo nitong mukha ng bigla itong tumikhim at tumingin sa kanya nang nakakunot ang noo.

"Bakit ganyan ka makatitig? Baka naman matunaw ako?" Anito.

Ngumiti siya saka umiling. "Wala. Gusto lang kitang titigan."

"Hmm.. Talaga ah?!" Anito saka itinuon muli ang pansin sa pagmamaneho.

Bumaba ang tingin niya sa makisig nitong katawan. Mas lumaki ang katawan nito. At lalong naging lalaking lalaking tingnan. Ika nga ni Lexie. Yummy, na papabol.

Nang bumaba ang tingin niya ay agad nag-init ang pisngi niya nang dumako ang tingin niya sa ibabang parte ng katawan nito. Sa pagitan ng hita nito to be exact.

Mas lumaki kaya yon? Ano na kaya ang itsura non ngayon? Siguro big friend na siya ngayon. Well kahit noon naman big friend na siya. Ani ng isip ni Beatriz na siyang nagpapula lalo ng mukha niya.

Nuong magkasintahan sila ay walang nangyari sa kanila. Ngunit madalas silang mag-momol o make out make out lang kapag nabibigyan sila ng pagkakataon na makapagsolo. Nakita na rin nila ang iba't-ibang parte ng katawan ng bawat isa. Hindi naman siguro maaalis iyon lalo nasa edad nila noon na masyadong mapupusok.

"Love, huwag mo akong titigan ng ganyan."

"B-Bakit naman?" Tanong niya. Umiwas siya ng tingin dito dahil pakiramdam niya ay sobrang pula na ng mukha niya.

Sandali itong tumingin sa kanya at ngumisi saka sumagot. "Dahil tinitigasan ako."

Nanlaki ang mata ni Beatriz dahil sa sagot nito na siyang hinagalpakan ng tawa ni Jace. Napailing pa ito sa pagtawa kaya inikutan niya ito ng mata.

Sandaling nanahimik silang dalawa at muling sumulyap si Beatriz sa seyosong mukha ni Jace.

Habang tinititigan niya ito ay may naisip siya. Ang sabi ni Blade ay hindi ito nagkaroon ng kahit sinong girlfriend. Wala rin naman nangyari sa kanila noon dahil mga bata pa sila at puro make out o momol. So ibig sabihin ay virgin pa ito kung ganon.

"Love!" Aniya upang kuhanin ang pansin ni Jace.

"Hmm?" Maikling sagot nito habang nakatingin sa kalsada.

"V-Virgin ka pa?"

Dahil sa gulat ay biglang naipreno ni Jace ang sasakyan kaya napatili si Beatriz dahil halos mauntog na siya sa dashboard ng sasakyan. Mabuti na lamang at naka-seatbelt siya dahil kung hindi tiyak niyang tumilapon na siya.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentWhere stories live. Discover now