Chapter 26

977 49 13
                                    

Isang araw bago ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Jace. Sa wakas ay natapos at naging maayos ang preparasyon para sa kasal nilang dalawa. Naging hands on si Beatriz sa lahat dahil gusto niyang maging perpekto ang araw na iyon para sa kanila.

Hindi lang para sa kanilang dalawa ni Jace maging para na rin sa mga taong mahal nila sa buhay. Gusto nilang maging masaya rin ang mga ito para sa kanila.

Hindi naman nahirapan si Beatriz sa mga preparasyon, dahil na rin sa mga asawa ng kaibigan ni Jace. Tinulungan siya ng mga ito sa lahat lalong-lalo na si Nathalia. Halos wala na nga siyang ginawa dahil inako na ng mga ito ang dapat sana ay siya ang gagawa. Dahilan ng mga ito ay dahil buntis siya at hindi dapat siya mapagod.

Iyon na rin ang naging bonding nilang lahat. At mas lalo niyang nakilala at napalapit ang loob niya sa mga ito dahil mababait at mga tunay na kaibigan ang asawa ng mga kaibigan ni Jace. Natuwa pa siya ng i-welcome siya ng mga ito sa grupo nilang magkakaibigan.

Wala siyang itulak kabigin sa mga ito. Iba-iba man ang ugali ay nakikita niyang nagkakasundo ang mga ito lalo na kapag ang mga asawa na nila ang pinag-uusapan. At masaya siya dahil nagkaroon siya ng mga taong hindi lang magkakaroon ng malaking parte sa buhay niya kung hindi magiging kasama pa niya kapag kailangan niya ng karamay.

Dahil gusto ni Beatriz ng simple at intimate wedding kaya tanging mga malalapit na kaibigan at pamilya lamang ang naroroon upang saksihan ang pinakahihintay niyang pag-iisang dibdib nilang dalawa.

Sa Isla Ortiz sila ikakasal dahil doon daw ikinasal ang lahat ng kaibigan ni Jace. At nalaman din ni Beatriz na nangako ang magkakaibigan na sa iisang lugar lamang sila ikakasal. Nang makita niya ang Isla sa unang pagkakataon ay minahal agad niya ang lugar dahil sa taglay nitong ganda, kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa na pumayag sa gusto ni Jace. Doon na rin gaganapin ang reception na mismong restaurant niya ang maghahanda ng mga pagkain para sa mga bisita.

Si Lexie ang kinuha niyang maid of honor habang bridesmaid naman ang mga asawa ng kaibigan ni Jace. Total ang mga ito rin ang groomsmen kaya napagkasunduan nilang ang mag-aasawa na lamang ang pagpartner-in.

Ayaw kasi pumayag ng mga girls na sa iba ipapartner sa mga asawa nila kaya para walang gulo ay sila-sila na lamang ang kinula nilang dalawa. 

At dahil na rin nasa amerika ang mga kaibigan ni Beatriz kaya wala siyang makukuhang bridesmaid para sa entourage nila.

Kinabukasan ay unti-unti nang inihahatid ng pamilya Fernandez at Garcia ang lahat ng bisita sa Isla Ortiz. Ang pamilya ni Nathalia ay chopper at ang pamilya naman ni Hiro ay yate ang ginamit. Hindi na nagtaka pa si Beatriz dahil kilala ang pamilya ng mga ito sa loob at labas ng bansa dahil sa laranggan ng negosyo.

Mayaman ang pamilya ng mga magulang ni Beatriz, ngunit kung ikukompara ang yaman nila sa  mga ito ay wala sa kalingkingan ang yaman nila dito. Nagtataka nga siya kung bakit mas pinili ni Hiro ang maging pulis kaysa pamahalaan ang negosyo ng pamilya niya. Kahit si Blade ay alam niyang bilyonaryo ang pamilya ngunit mas pinili nito ang maging isang simpleng alagad ng batas.

Suot ang isang simple ngunit eleganteng puting bestida na pinarisan ng hindi gaanong kataasan na sandalyas ay muli siyang humarap sa salamin. Ngumiti siya saka hinaplos ang medyo may umbok niyang tiyan.

Napatingin siya sa singsing na ibinigay sa kanya ni Jace. Hinaplos niya iyon saka muli siyang ngumiti habang inaalala ang mga binitawan nitong pangako sa kanya.

Hindi niya akalain na matutupad ang matagal na niyang pinangarap. Ang makasal sa lalaking pinapangarap at pinakamamahal niya. Ang akala niya ay hanggang panaginip na lamang ang lahat.

Napasimangot siya nang maalala ang fiance niya na nasa Isla Ortiz na ngayon. Namimiss na niya ito at gusto na niyang makita.

Tatlong araw kasi bago ang kasal ay inihatid na si Jace patungong isla.  Ayaw man nilang dalawa ay wala silang nagawa dahil sa matatandang mahilig maniwala sa mga pamahiin. Masama raw kasi  ang magkita sila bago ang kasal.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentWhere stories live. Discover now