Chapter 5

1.2K 37 9
                                    

Present time

"Sir, nadala na po sa ospital ang lahat ng sugatan?" Ani Jace sa kapitan nila matapos ang nakakapagod na operasyon na nangyari sa kasong hawak ng grupo nila.

Sa wakas ay magkakapagpahinga na rin silang lahat matapos ang operasyon. Aminadong nahirapan sila sa kasong hawak nila dahil masyadong madulas ang mga suspect.

"Ilan ang casualties?" Tanong ni Jake sa kanila matapos nitong makipag-usap sa operatiba na kasama nila sa operasyon.

"Nasa anim sir. Hindi na umabot sa ospital yung isa." Sagot naman ni Hiro.

Tumango si Jake saka nakapameywang na tumingin sa kanilang lahat.

"Good job, men. Alam kong lahat tayo ay ilang araw ng walang matinong tulog at maayos na pahinga. Kaya gusto kong bigyan kayo ng isang linggong bakasyon. Ako na ang bahalang gumawa ng report sa kasong ito kaya wala na kayong iisipin pa." Nakangiting ani ng kapitan nila.

Halos lahat sila ay napatalon sa tuwa dahil sa wakas ay natapos din at maganda ang kinalabasan ng kaso. Ang iba naman ay parang nakahinga ng maluwag dahil sa narinig.

"Sa wakas, baka kapag hindi pa ako umuwi sa bahay, madatnan ko na lang ang mga gamit ko sa labas ng bahay namin." Ani Xander kaya natawa ang lahat lalo na ang may mga asawa na.

"Ikaw lang ba? Ako nga natatakot nang umuwi dahil baka nasa pintuan pa lang ako eh, binabato na ako ng plato at kaldero ni kumander." Sagot naman ni Kurt.

"Malamang, ilang araw ng mainit ang ulo ni Avia sayo. Nagrereklamo na sa ate niya." Sabad naman ni Hiro.

"Mag report kasi kayo. Kung kaya nyong magreport sa mga misis nyo kada minuto, gawin nyo para hindi sila mag-alala." Umiiling na ani Jake.

Naiintindihan niya ang mga kasamahan niya ngunit mas naiintindihan niya ang mga asawa ng mga ito. Naranasan na niya ang mga nararanasan ng mga ito. Mabuti na lamang at naging malawak na ang pang-unawa ni Nathalia sa uri ng trabaho niya. Aminado din siya na noong una ay hindi niya maunawaan si Nathalia at madalas itong galit sa kanya. Minsan pa nga ay sa sofa siya natutulog. Ngunit ng isang beses siyang umuwi at makita niyang umiiyak ito ay doon niya napagtanto na mas importante sa kanya ang asawa niya kaysa ano mang bagay sa mundo. Kaya niyang iwanan ang propesyon niya para kay Nathalia dahil wala ng mas mahalaga pa sa kanya kung hindi ang kasiyahan nito.

"Tama si kap. Tingnan nyo ako, mayat maya akong nagrereport. Daig ko pa ang reporter. At saka alam nyo naman na ang pinakamataas na superior natin ay ang mga babaeng kinatatakutan natin. Kung ayaw nyong masipa sa sala at matulog sa sofa maging maamong tupa kayo tulad namin ni kap." Tumatawang ani ni Hiro.

Humaglapak ng tawa ang lahat. Nabatukan pa ni Jake si Hiro dahil sa sinabi nito.

"Kaya ako, magiging matandang binata na lang ako. Ayokong may sasakal sa akin sa lahat ng gagawin ko." Ani naman ni Robles.

Sabay sabay na napa 'oh' ang lahat dahil sa sinabi nito.

"So ibig sabihin, walang epekto sayo yung little boss na umaaligid sayo?" Pang-aasar ni Jace sa buddy niya.

Kay Robles napunta ang atensyon ng lahat dahilan upang mainis ito at mag walk out na siyang tinawanan ng lahat.

"Kahit kailan pikon yang si Robles pagdating sa usaping pag-ibig. Masyadong takot ma-in love." Natatawang ani ni Jake.

"Hindi naman natin masisisi. Dahil sa unang pagkakataon na-in love siya ay sa maling babae pa, I mean walang mali na mahalin si Avia. Kaya lang ang kauna-unahan niyang minahal na babae ay may nagmamay-ari ng iba at ang masakit doon ay kaibigan mo pa." Sagot ni Jace saka tumingin kay Kurt.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentWhere stories live. Discover now