Chapter Twenty-Four

12 1 0
                                    

NAKATINGIN si Cole sa lalaking papalapit sa kanya. Hindi niya kailangang manghula kung ano ito. Isa itong anghel. Pero hindi ang pagiging anghel ang nagpapalakas ng tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon habang nakatingin dito. Kundi ang mukha nito. Pamilyar ang mukha nito. Kamukha ng kanyang ama noong kabataan nito.

"Hindi na sana tayo aabot sa ganito kung noon palang ay sumama ka na sa akin," narinig niyang wika ng anghel na tinawag na Kuya Alonzo ni Lia. Umaatras si Lia ngunit dahan-dahan ang ginawang paglapit ng anghel dito. "Pilit mong inilalayo ang sarili mo noon sa angkang pinanggalingan mo ngunit dahil sa pansariling kagustuhan mo ay naging katulad ka rin nila." Pagpapatuloy pang wika ng anghel.

Tumayo si Lia at mukhang handang makipaglaban sa anghel ngunit ng ilabas ng anghel ang gintong espada nito ay nakita niyang nanlumo si Lia. Mukhang alam nitong wala itong laban sa anghel. Kahit siya siguro ay titiklop rin. Mukhang sanay sa pakikipaglaban ang anghel.

Sino ka bakit pamilyar ka sa akin? Tanong niya sa kanyang isip.

"Huwag kang magmagaling, nagmahal lang ako at gusto ko lang siyang makasama," sigaw ni Lia at naririnig niya ang takot sa boses nito. Sinulyapan siya ng anghel at bigla ay gusto rin niyang tumiklop ngunit nagtama ang kanilang mata. Parang piniga ang puso niya dahil may nakita rin siyang rekognasiyon sa mga mata nito.

"Siya si Alonzo kapatid niyo siya." Parang biglang narinig niya ang boses ng ama sa kanyang isip habang nakatingin kay Alonzo.

No, no, aniya sa isip. Kung ito at ang Alonzo na pinakilala ng ama niya sa kanila noon ay iisa ibig bang sabihin ay namatay na ito?

"Hindi lahat ng nagmamahal ay kailangang kasama nila ang tao nilang mamahalin. Sometimes you have to let them go to show them you love them. May mga pinipiling sitwasyon kung saan kailangan mong ipaglaban ang isang tao at ipakitang mahal mo sila." Ani pa Alonzo at lumapit kay Lia. "Marami ka ng sinaktan dahil sa kasakiman mo Lia, hindi na ikaw ang Lia na nakilala ko noon." At hinawakan nito ang kamay ni Lia at napasigaw ang dalaga. "Panahon na para pagbayaran mo ang lahat ng ginawa mo. Simula palang ay dapat hindi na tayo umabot sa ganito. Dapat noong nakawala ka sa katawan ni Reina ay hindi ka na tumakas pa at sumunod sa Kaluwalhatian ngunit matigas ang ulo. Dapat ay hindi na umabot sa ganito, dapat ay nagkita na si Tala at ang kanyang ina, dapat ay nagsasama na sila ni Cole ng maayos ngayon, dapat ay nagsasama na sila ng lalaking nakatakda para sa kanya ng matiwasay, ng maayos at tahimik na buhay. Tapos na ang buhay mo kay Cole, Lia, matagal ng tapos."Wika nito habang unti-unti ay nakikita niyang nawawala si Lia sa kanyang paningin at ang sigaw nito ay palakas ng palakas ngunit hindi nagtagal ay wala na ang boses nito. Wala na rin ito at para itong abong nilipad ng hangin. Bumagsak ang katawan ng ina ni Erica sa lupa. Nilapitan ito ng anghel. "Tapos na rin ang pagtitiis mo mama," may lungkot sa boses na wika ng anghel at parang may nilagay ito sa noo ng matandang babae. Nakita niyang nag-ilaw ang katawan ng ina ni Erica. Parang may liwanag na lumabas doon umakyat iyon papunta sa langit. Parang nilipad ng hangin. Nakatingala si Alonzo doon at hangga't hindi nawawala ang liwanag na nagmumula sa katawan ng ina ni Erica ay hindi inalis ni Alonzo ang tingin doon.

Naiintindihan niya ang nangyayari. Kaluluwa iyon ng ina ni Erica. Ibig sabihin wala na ito. Bigla ulit tinambol ang kanyang dibdib ng ma-realize niya na hindi pa niya nakikita si Erica.

"Cole," tawag ni Alonzo sa kanya at napatingin siya dito.

"W-Wala a-akong ginawang m-masama—" naputol ang gusto niyang sabihin dito ng tumawa ito. Pero bigla ay niyakap siya ng anghel. Kakaiba ang yakap nito. Mainit ngunit may hatid na pampakalma sa kanyang buong sistema.

"Hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon pa kita ulit makikita. Pero salamat at hinayaan mong akong umalis ng mga panahong iyon, kung hindi mo ako pinaalis ay hindi ko makikilala ang mga taong nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo noon. There were things meant to happen to justify our future." Saad ng anghel sa kanya ng kumawala.

Miracle That We MeetWhere stories live. Discover now