Chapter Four

6 0 0
                                    

NAPAMURA ulit si One ng marinig ang desisyon ng higher-ups sa kanya. Parang hindi misyon ang binigay sa kanya. Parang parusa. Isang malaking puzzle ang kailangan niyang buuin tungkol sa dalawang kaluluwa na ibinigay sa kanya. Kaya heto siya ngayon, palaboy-laboy sa labas. Kailangan din niya ng matutulugan. Contrary to what people believe, Grim Reapers are sleeping. Kailangan din ng tulad niya ng pahinga mula sa isang nakakapagod na trabaho. Kinuha niya ang papel sa kanyang bulsa at muling tinitigan ang larawan ng dalawang kaluluwa.

Hindi naman magkamukha but somehow, parang may pagkakaparehas ang dalawa. Hindi nga lang niya alam saang aspeto. At iyon ang kailangan niyang alamin. Ang malaman kung ano ang kinalaman ni Lia kay Erica dahil kapag nagawa niya iyon, maari niyang malaman ang dahilan ng paglipat ng kaluluwa ni Erica sa katawan ni Lia.

Pero nasaan kaya ang katawan ni Erica? Baka nasa loob ng katawan nito ang kaluluwa ni Lia? Baka nagkapalit.

"Erica," tawag niya sa babae at nagmulat ito agad ng mata.

Nagtama ang mata nila at nakita na naman niya ang kaluluwa nito sa loob ng katawan ni Lia. Everytime he meet her eye there was something happening inside him, parang nagpo-protesta, na parang may gustong gawin. But heck, ano naman ang kanyang gagawin? He is a Grim Reaper at ang mga katulad niya ay hindi pwedeng makialam sa buhay ng tao. Kaya dapat niyang tandaan na kung ano man ang nararamdaman niya sa tuwing nakatitig siya sa mata ni Erika ay hindi pwede.

Although she was a beautiful soul—literally speaking—wala siyang pakialam. Kahit maganda ang hugis ng mata nito na parang sa kalapati, at ang tangos ng ilong nito, at kahit na maganda ang kulay ng mga labi nito ay wala siyang pakialam. Sanay na siyang sumundo ng magagandang kaluluwa, at wala siyang naramdaman na ganoon. Maybe they were challenging him, tinetest siguro ng mga ito kung hanggang saan ang pasensiya. Gusto ng mga nakakataas na magkamali siya. Takot ang mga ito na baka kapag naging anghel siya ay mabilis siyang ma-promote bilang archangel o baka maging seraphim pa siya. Gusto lang ng mga ito na pumalpak siya.

Heh, it will never happen. Never ever.

"Anong kailangan mo?" tanong ni Erica sa kanya na nagpabalik sa kanyang katinuan na kung saan naglalakbay.

"Kailangan muna nating mahanap ang katawan mo," sabi niya rito at nakita niyang parang nag-isip ito. "We need to find your body baka doon nagtatago ang kaluluwa ni Lia," dugtong niya.

"Bakit naman siya magtatago doon?" naguguluhang tanong nito sa kanya.

"Maybe because she want to switch lives with you, she has a pathetic life I guess at sa hula ko din maayos ang buhay mo." Iyon din ang iniisip niya, baka si Lia ang may kagagawan nito dahil gusto nitong makipagpalit ng buhay kay Erika. Hindi niya kailangan ng eksperto para hindi niya malaman na nahihirapan si Lia sa buhay nito.

"Posible ba 'yun? At kung kayang gawin 'yun ni Lia ibig sabihin may superpower din siya, tulad mo, at kung kaya nga niya bakit ako pa? Hindi naman niya ako kilala, at hindi ko sila kilala. I never meet her before," saad nito at naisip niyang may point ang sinasabi nito.

Mukhang mapapakinabangan niya si Erica sa magiging mission niya dahil mabilis itong mag-isip.

"Atleast we have the idea kung bakit nangyayari ito. Ang kailangan lang nating gawin ay i-confirm kung totoo ang idea natin na meron tayo. Tutulungan mo ako diba?" aniya dito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natutuwa siya na magkakasama sila ni Erica sa isang mission.

You're acting weird One, pinaglalaruan ka lang ng mga nakakataas, paalala niya sa kanyang sarili.

"Gagawin ko ang makakaya ko," tugon lang nito sa kanya na mukhang malalim pa rin ang iniisip pero wala na itong dahilan para tumanggi pa.

Miracle That We MeetWhere stories live. Discover now