Chapter Two

8 1 0
                                    


NAGMULAT siya ng mata at agad niyang kinapa ang kanyang ulo. Sigurado na siya kung ano ang bumaon sa ulo niya. Bala. Binaril siya kagabi. Pero bakit buhay siya? Nakaligtas ba siya. Agad siyang bumangon at nagulat siya ng makitang nasa isang hindi pamilyar na silid siya. Dinukot ba siya? Pero sino ang pwedeng magpadukot sa kanya?

Bumangon siya at nagmasid sa isang hindi pamilyar na silid. Maliit lang iyon. Parang silid sa isang boarding house. Saan siya dinala ng dumukot sa kanya? At ano ang motibo ng mga taong dumukot sa kanya? Hindi kaya dahil sa pag-aaral niya sa buhay ng mga De Marco?

"Lia, Lia," napakislot siya ng marinig na may tumawag sa kanya kasunod ng tila mga nagmamadaling katok mula sa labas ng pinto. "Lia, bumaba ka na diyan nasa baba si Cole." Anang boses ng babae. Tila excited.

Lia?

Pumunta siya sa gawi ng pinto para sabihing hindi siya si Lia at humingi na rin ng saklolo nang mahagip ng tingin niya ang kanyang sarili sa salamin, isang hindi pamilyar na repliksiyon ang nakikita niya.

"No," wika niya at kasabay niyon ay ang pagbubukas ng pinto at iniluwa ang isang matabang babae.

"Lia, bumaba ka na, nasa baba si Cole," excited na wika ng babae ngunit sinagot lang niya ito ng sigaw.

Bakit ibang mukha ang nakikita niya ng mga sandaling iyon. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa hindi pamilyar na mukha. Sino ang mukhang iyon? Bakit iyon ang nakikita niya sa salamin ng mga sandaling iyon?

"Lia anong nangyayari sa'yo? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ng matabang babae sa kanya na nasa mid-twenties yata, halos ka-edad lang niya. Akmang lalapitan siya ng babae at hahawakan ngunit agad niyang iniiwas ang katawan niya.

What is happening to me? Nanaginip lang ba ako? Please gisingin mo ako, Lord. Piping dasal niya sa kanyang isip ng mga sandaling iyon.

"S-Sino ka?" tanong niya sa babae at nakita niyang nagtaka ang mukha nito dahil sa tanong niya.

"May nangyaring masama ba sa'yo kagabi Lia? Anong oras ka na nakauwi? At ano ang pinagsasabi mo? Si, Mischa 'to, hoy, may amnesia ka?" sunod-sunod na tanong ng babaeng nagpakilalang si Mischa.

Umiling siya at hindi niya napigilang umiyak ng mga sandaling iyon. "H-Hindi ako si Lia," saad niya at hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi siya makahanap ng dahilan sa isip niya ng mga sandaling iyon kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Binalikan niya ang nangyari sa kanya kagabi. Matapos siyang tawagan ni Katrina ay nagdesisyon siyang matulog nalang, naramdaman niyang tila may mga matang nakatingin sa kanya ngunit inisip niyang baka napa-praning lang siya, ngunit habang naghahanda na siyang matutulog ay naramdaman niyang parang may bumaon sa ulo niya, naramdaman niya ang sakit na gumapang sa kanyang buong katawan hanggang sa nabuwal siya, at sa kanyang huling alaala nakakita siya ng itim na sapatos na papunta sa gawi niya. Pagkatapos niyon ay wala ng sumunod na mga alaala. Sigurado siyang nabaril siya kagabi. Pero nagising siya sa katawan ng ibang tao? Posible ba iyon? Hindi kaya pinaglalaruan lang siya ng kanyang imihinasyon dahil sa pagod niya? O baka nanaginip siya ng mga sandaling iyon.

May mga yabag na paakyat sa silid kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. Tila nagmamadali.

"What is happening?" bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng puting long-sleeved at may neck-tie pa, naka-business suit pa ito. Dumako ang tingin niya sa mukha ng lalaki. Mukhang pamilyar ito sa kanya. "Lia, are you okay?" Lumapit sa kanya ang lalaki at akmang hahawakan siya ngunit pumiksi siya.

Saan nga ba niya nakita ang lalaking ito?

"Cole parang m-may trauma pa siya sa nangyari sa bahay niyo," sabi ni Mischa na tinapunan din ng tingin si Cole at nakita niyang biglang nag-aalala ang lalaki sa kanya.

Miracle That We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon