Chapter Sixteen

3 0 0
                                    


"BILISAN mo na 'couz kanina pa ako nagugutom," wika ni Katrina sa kabilang linya at napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa tila pagmamadali sa boses nito na para bang hindi na ito makapaghintay na makita siya at ang dala niyang siopao. Dahil sa hindi niya pagsipot sa araw na dapat ay magkikita sila sa Hide-Out ay binigyan siya ni Katrina ng 'parusa'. Hindi niya alam kung ano na naman ang drama nito pero nag-text ito sa kanya na masama ang loob. Tinawagan niya ito at sinabi nito na kung hindi niya ito pupuntahan sa building ng kompanya ng asawa nito ay hindi na siya nito papansin habang-buhay.

Nagulat siya sa tila childish na ugali nito. Pero tinawagan siya ni Sam at sinabi nito na siya nalang daw ang bahalang umintindi kay Katrina. Naglilihi pala ang loka at dala ng hormonal imbalance kung ano-ano ang pinagagawa. At ngayon ay kailangan niyang makipagkita dito dala ang siopao na request nito.

"Paakyat na nga ako huwag ka kasing 'atat," natatawang wika niya dito at mukhang siya daw ang pinaglilihian ng pinsan ayon kay Sam. Palagi kasi siyang hinahanap ni Katrina dito at bigla nalang magtatampo sa kanya kapag hindi siya nakipagkita dito.

"Baka mamaya niyan hindi ka na naman sisipot naiinis talaga ako sa'yo," sabi pa nito sa kanya sa kabilang linya. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang madamay sa paglilihi nito.

"Sige na papunta na akong elevator hintayin mo na ako diyan," aniya saka tinapos ang tawag at nagmamadaling pumunta sa elevator.

Masaya siya para kay Katrina dahil nakikita niya kung gaano ito kasaya sa estado ng buhay nito ngayon. Sabagay deserving naman ito sa lahat ng kaligayahan na meron ito ngayon.

"Ay, sorry," anang tinig ng lalaki na bumangga sa kanya habang papasok siya sa kakabukas palang na pinto ng elevator. Mukhang nagmamadali ang lalaki at hindi man lang tumitingin sa dinadaanan nito.

"Pwede bang dahan-dahan ka –" natigilan siya dahil nakita niyang nakatitig sa kanya ang lalaki at nagtama ang mga mata nila. Mga mata nitong dalawang linggo ring hindi mawala sa isip niya at labis siyang nagtataka kung bakit parang pinasok ng lalaki ang sistema niya at hindi na ito umalis doon.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ng lalaki sa kanya.

MABILIS ANG mga hakbang ni Cole habang papasok sa building ng Infinite—isang malaking software company na nagde-develop ng mga apps, mga online games at kung ano-ano pang may mga kinalaman sa software. Ngayong araw ang pakikipag-meeting ni Jeff—ang kasalukuyang head ng DM Remittance—sa mga ito pero dahil may emergency si Jeff ay siya ang tinawagan ng mama niya na mag-proxy para sa meeting na iyon.

Ang DM Remittance ang bagong bukas na negosyo ng kanilang pamilya. Simula ng mawala ang daddy at ang kuya niya ay subsob sa trabaho ang mama niya, kaliwa't kanan ang pag-i-invest nito sa mga negosyo at pagtatayo niyon. Sabagay, parang mabuti na rin iyon dahil kailangan din niyang i-divert ang sakit na nararamdaman niya sa ibang bagay. Kahit na alam niyang nandoon pa ang sakit, kahit alam niyang hindi naman iyon mawawala ay pinilit nalang niyang tumayo.

"Stop acting like a fool Cole, hindi ikaw ang kauna-unahang lalaking nawalan ng girlfriend. Kahit hindi ko gusto si Lia para sa'yo pero alam ko na kung nasaan man siya ngayon hindi niya gusto ang nakikita niya sa'yo. Alam ko na marami tayong hindi pinagkakasunduan noon pero tayong dalawa nalang ang pamilya. Hindi ko gusto na p-pati ikaw mawala pa sa akin." Iyon ang sinabi ng mama niya ng pumunta ito sa hospital ng malaman nito na naaksidente siya.

Nang makita niyang umiiyak ang ina ay parang may kumurot sa puso niya at nakita niya na naghihirap din ito sa kasalukuyan nilang sitwasyon. Pero lumalaban ito. Kaya wala siyang dahilan para hindi lumaban. Kaya sinubukan niyang mabuhay ulit ng normal, sinubukan ulit niyang magtrabaho. At heto nga siya ngayon.

Miracle That We MeetDove le storie prendono vita. Scoprilo ora