Chapter Thirteen

9 0 0
                                    


NAGISING siya sa ng mainit na bagay na tila pumapaso sa buong katawan niya. Naramdaman ni Erica na parang pinapaso ang buong katawan niya, iminulat niya ang kanyang mata at nakita niya ang puting liwanag na parang humihigop sa kanya papunta sa kung saan. Napakasakit ng liwanag na iyon na sinusunog ang kanyang balat.

At habang hinihigop siya ng liwanag na iyon ay may mga alaalang nagsusulputan sa kanyang isip. Ang mukha ng isang batang babae na may gintong buhok, at ginto din ang kulay ng kanyang mata. Nakangiti sa kanya at niyakap nito ang batang kaharap siya.

"Ako ang batang 'yan," wika niya sa kanyang isip at naramdaman niya ang pangungulila na parang pinagkait sa kanya na maramdaman iyon. "Luna," tawag niya sa pangalan ng batang babae na ngayon ay alam na niyang kakambal na niya. Nakita niya ang mukha ng isang babae na may katabing lalaki, karga siya ng lalaki samantalang karga naman si Luna ng babae. Ang kanyang mga magulang. "Yena, yama," may kumawalang hikbi mula sa kanyang lalamunan ng maalala ang kanyang magulang. Nakita niya ang digmaan, ang pagkamatay ng kanyang ama sa mismong harapan nila, ang paglabas nila ng Namayan Pugad at pagkuha sa kanila ng Pagaspas para itago sila sa mga tumutugis sa kanila. Pero pinalabas sila ng kanyang ina at iniwan nila si Tala, isang masakit na alaala, na sa paglabas sila ay nakita niyang nakatingin sa kanya ang kapatid, tahimik na umiiyak.

"Kapag umalis ka huwag ka ng lumingon, huwag na huwag kang lilingon. Dahil kapag lumingon ka mas masasaktan ako, mas mararamdaman ko na iiwan mo ako." Iyon ang huling salita ng kanyang kakambal bago sila nagkahiwalay at ang pagdating nila sa mundo ng kanyang ina ay nawala ang kahit na anong alaala nila sa Namayan Pugad. Nagkalayo silang mag-ina. Nakita nalang niya ang sarili na nasa piling na ng ibang tao.

Nawalay siya sa kanyang ina at kapatid. Mas lalong dumoble ang sakit na nararamdaman niya dahil hindi nalang pisikal na sakit ang nararamdaman niya. Mas nararamdaman niya ang sakit ng mga bumabalik na alaala.

Ang mg sumunod na alaala na nakita niya ang ang alaala ng gabing barilin siya sa loob ng kanyang condo, humiwalay siya sa kanyang katawan at nakita niya ang kaluluwa ni Lia na dinala siya sa kung saan. Kakaiba ang mukha ni Lia sa alaala niyang iyon para siyang nahihipnotismo ng mga mata nito na hindi niya kayang kontrolin ang kaluluwa at sumunod dito. Nakakatakot ito. Mukhang katulad niya ay kakaiba rin ito. Hindi niya maaninag ang mukha nang bumaril sa kanya ngunit ang nagligpit ng katawan niya ay isang babaeng Lawiswis kaya inisip niya na ito rin ang bumaril sa kanya. Nang makita nito na walang silbi ang katawan niya dahil wala na ang kanyang kaluluwa doon ay iniwan siya nito sa malayong lugar. May nakakitang grupo sa kanya ng mga mangangaso, dinala siya sa malapit na hospital, at doon ay na-trace siya ng mga naghahanap sa kanya dahil sa report na pinalabas sa TV. Dahil nalinisan na ang kanyang katawan ay mas naging klaro ang mukha niya at namukhaan siya ng nurse. Doon na siya dinala sa mas malaking hospital.

Hindi siya naideklarang patay ng hospital dahil tumitibok pa daw ang kanyang puso. Hindi niya alam kung paano iyon naging posible dahil ang sabi ni One patay na siya. Pero lumalaban pa ang kanyang katawan na hindi niya alam kung paano.

Naramdaman niya na naihiwalay na siya sa katawan ni Lia. At nakita niya si One. Tila wala sa sarili. May hawak na scythe at nakatuon sa katawan ni Lia. Ito ang naglabas sa kanya sa katawan ng babae. 

"ONE," tawag niya dito pero parang bingI ito. Parang wala itong naririnig. Nakatuon lang ang pansin sa katawan ni Lia pero tumutulo ang mga luha nito.

"Dumating na ang pagkakataon na hinihintay ko," napalingon siya ng makita ang babaeng nakatayo sa likuran ni One, may pakpak ito katulad ng sa isang Lawiswis. Pero kakaiba ang mukha. Mabagsik. Mukhang may dalang panganib.

"Anong ginawa mo kay One? Sino ka?" pasigaw na tanong niya dito dahil sa tingin niya ito ang may kagagawan ng lahat. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nakita niyang parang nasa isang silid sila pero hindi niya maaninag ang kabuuan ng loob dahil sa kakaibang kadiliman na nakabalot doon.

Miracle That We MeetNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ