Chapter Fifteen

3 0 0
                                    


"WHAT'S THIS?" tanong ni Lia ng sunod-sunod niyang matanggap ang mga message ni Cole sa kanya. Galing lang ito sa loob ng banyo at nagulat siya ng maka-receive siya ng napakaraming message na may larawan nito kung saan nakaupo ito sa 'trono'. Pero hindi ang pag-upo nito sa trono ang concern niya, at kung bakit naluluha siya ng mga sandaling iyon.

"Wala lang, gusto ko lang maramdaman mo na sa araw-araw na ginawa ng Diyos I want to make you special," nakangiting wika nito sa kanya at agad na niyakap siya ng makalapit na ito sa kanya.

Ang bawat sinend nito na picture sa kanya ay may hawak itong papel na may nakasulat na I love you sa iba't ibang lenggwahe. Alam niyang corny, alam niyang simple lang naman na bagay iyon kung tutuusin ngunit pakiramdam niya sa ginawa ni Cole sa kanya ay napaka-espesyal niya. Siguro kung hindi lang pinaparamdam ni Cole sa kanya na worth it itong ipaglaban ay matagal na siyang bumitaw. Marami na ang humihila sa kanya pababa para bitawan niya si Cole ngunit araw-araw siyang binibigyan ni Cole ng dahilan para mas lalo niyang higpitan ang pagkakahawak dito.

"Mahal din kita Cole, sorry kung iyon lang ang kayang kung ibigay sa'yo, sorry kung wala man akong materyal na bagay—" tinakpan ni Cole ang mga labi niya gamit ang mga labi nito dahil alam niyang ayaw nitong marinig ang mga insecurities niya.

Ganoon naman siya palagi. Insecure. Lalo na kapag sinasampal ng mga taong nakapaligid sa kanya kung gaano kalayo ang agwat ni Cole sa buhay. Noon hindi iyon mahalaga sa kanya dahil paghihiganti lang ang laman ng isip niya pero ng mahalin niya si Cole wala na siyang naisip kundi paano siya magiging worth it dito. Kung sapat ba na pagmamahal lang ang isukli niya dito sa dami ng ginawa at binigay nito sa buhay niya.

"I don't need material things babe, I just need your love, 'yun lang. Mahalin mo lang ako at huwag na huwag kang mapapagod na gawin iyon dahil kontento na ako. Okay na ako." Sabi nito ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Pinunasan pa nito ang mga luha niyang kanina pa niya gustong pigilan pero parang may sariling isip dahil kusang pumatak.

Hindi siya sumagot at hinalikan lang niya ang mga labi nito. Paano siya mapapagod kung hindi rin napapagod ang binata na ibigay ang lahat sa kanya? Lalong-lalo na ang pagmamahal na inakala niyang hindi na darating. 

NAPABALIKWAS ng bangon si Erica at napahawak siya sa kanyang mga labi. Pakiramdam niya ay galing doon ang halik ni Cole sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso niya at pakiramdam niya ay damang-dama pa rin niya pagmamahal ni Lia para kay Cole. Katulad noong nasa katawan pa siya ni Lia.

"Are you okay, ma'am? You look pale?" narinig niyang tanong ng kasama niyang professor, tumingin siya dito at bahagya lang siyang ngumiti.

"Nakatulugan ko yata ang pagsusulat ng thesis, I'm fine, nanaginip lang ako ng weird," sagot niya saka agad na inayos ang sarili. May maliit siyang salamin sa table niya at tiningnan niya ang sarili niya. Napabuntong-hininga siya ng makita niyang namumutla nga siya. Nag-apply siya ulit ng lipstick at inayos niya ang buhok niyang nagulo dahil sa pagkakahiga.

Hindi niya alam kung bakit napanaginipan na naman niya iyon gayong wala na siya sa katawan ni Lia. Gayong simula ng magising siya ay hindi naman nangyari iyon sa kanya, ngayon lang na nagkita sila ni Cole noong nakaraang linggo.

"This is weid," bulong niya sa kanyang sarili. Inayos niya ang mga thesis na binabasa niya at ng matapos iyon ay tumingin siya sa relo niya. Pwede na siyang umuwi. Tapos na rin naman ang klase niya, sa condo nalang niya ipagpapatuloy ang mga ginagawa niya. Kailangan niyang pag-isipan ang weird na nangyari sa kanya ngayong araw. Kailangan niyang alamin kung bakit bigla nalang sumulpot sa isip niya ang panaginip na iyon. "Ma'am Bing mauna na ako," paalam niya sa kanilang department head at nagpaalam na rin siya sa iba niyang mga kasama.

Miracle That We MeetWhere stories live. Discover now